Pasakalye

476 12 2
                                    

( NARRATOR'S P.O.V )

NGUNIT sabi nga nila na ang kasamaan ay parang damong ligaw, gapasin mo man ng paulit-ulit patuloy pa rin itong sisibol, yayabong at maghahasik.

Gaya ng isang kalbaryo na paulit-ulit mong papasanin.

----------

( ANG BAGONG RECRUIT )


ISANG malamlam na liwanag ng ilaw ang bukod tanging sumisilaw sa kisame ng training room. Makikita ang isang binatilyong nagsasanay ng buong husay sa paghawak ng patalim. May tiyempo ang bawat paggalaw nito. Ang bawat pag-unday ng patalim ay tila sayaw na kinakabisa ng estudyante. Bawat hakbang ay kinukuha niyang mabuti ayon sa mga turo ng kanyang gurong si Maestro. Mabilis siyang natuto, palibhasa'y may angking talento't determinasyon.

Kailangan niyang magsanay ng mabuti upang mapantayan man lang ang mga nauna sa kanya. Pawisan at pagod man ang kanyang kalamnan ay patuloy pa rin siya sa paghasa sa kanyang kakayahan. Gaya ng ibang sumailalim sa turo ng kanyang guro, may misyon siya sa kanyang sarili. Hindi ipinagkait kay Chester ang mga nalalaman ni Maestro palibhasa'y katulad din siya ng iba na nawalan ng landas noon. Malaki ang kanyang potensiyal na maging bihasa tulad ng mga estudyante nito.

Ngunit parang may kakaiba sa kanya.

Ano ba ang tunay niyang dahilan upang pasukin ang mundong ito?

Pawisan siyang natigilan sa kanyang pag-eensayo. Pinaikot niya ang patalim sa mga daliri kasabay ng pag-iiba ng emosyon sa kanyang maamong pagmumukha.

"Dad, konting panahon pa, maipaghihiganti na kita." Usal niya.

Nakita niya ang posteng kahoy sa sulok ng training area, pinaikot niya muli sa daliri at hinawakan ang dulo nito. Inasinta niya ang poste at ibinato roon ang patalim.

Naghabol siya ng kanyang hininga matapos nuo'y marahang lumapit upang kunin muli ang armas. Pinagmasdan niya itong mabuti, Sa posteng kahoy, naroon ang isang litrato kung saan bumaon ang kanyang patalim.

"Malapit na kitang singilin- kuya Raizen!"

----------

( THE BLACK PRIEST )


Sa isang remote medical facility.

MARAHANG bumukas ang pinto at naaninag ito ni Dr. Sandoval. Nang makilala niya ang taong pumasok ay muli niyang sinilip ang lalaking nakaratay sa kabilang bahagi ng glass window.

"Mabubuhay ba siya Sandoval?"

"Sabihin na nating 75 percent survival rate."

"Malakas si Father, kakayanin niya yan."

"Sixx, hindi ako sigurado sa maling balitang ipinakalat mo sa Konseho."

"Kailangan nating itago ang kanyang kalagayan. Nanganganib ang buhay ni Father sa kamay ni Zeto." Sambit ni Sixx.

"Nabalitaan mo na ba, ang nangyari sa Konseho at kay Zeto?"

"Oo, nabalitaan ko. Maganda ang itinatakbo ng mga pangyayari. Hindi ko inaasahan na mapapadali na lahat mula ng itumba natin si Moises."

"We just need more time, for his full recovery. Matagal niyang ininda ang balang iyon." Ani ni Dr. Sandoval.

"Will he, be able to walk again Dr. Sandoval?"

"Let's just hope that my experimental procedure, works for him. For now, we have to wait for any improvements." Kampanteng sabi ni Dr. Sandoval.

"I already re-assembled our renegade group. Gaya ng huling bilin niya sa akin."

Napangiti ito...

"Its Father's time to rule." Sambit ni Sixx ang guardian niya.

Malumanay ang bawat tipa ng breathing apparatus ni ika-anim si Father Damiel. At gaya ng nakagawian nito, may isang black crucifix sa tabi nito.

Nang mula sa isang mahabang tulog ay muli nitong idinilat ang kanyang mga mata.

-Sky Flake

(Muli, marami pong salamat!)

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon