Chapter 20 (Masamang pangitain)

349 15 2
                                    

( RAI 'S P.O.V. )

         "Kuya!"

         "Ano yon?"

         "Ku-ya!"

          Kanina pa niya ako kinukulit.

         "Elena nakikita mo naman na nagluluto pa 'ko." Sambit ko sa aking kapatid na nakasandal ang siko sa countertop. Nabasa ko sa mga mata niya ang kasiyahan.

          Masinsinan kong ibinubuhos ang aking konsentrasyon sa niluluto kong carbonara. Dumampot ako ng tinidor at kumuha ng ilang mainit na noodle sa pan. Hinipan ko ng makailang-ulit upang maisubo ko sa kanya. Madaling tinangap naman ito ng kanyang bibig.

         "Masarap na ba?"

         "Hmm, pupuwede na..." Sagot niya.

         "Wow! Parang pang dramarama lang ang eksenang 'to ah!" Pangungutya naman ni Lon.

           Napadaan ito upang kumuha ng softdrinks sa refrigerator. Nangingisi-ngisi pa ito at ng makakuha'y agad din na bumalik sa itaas. Napagdesisyunan namin na magsalo-salo sa araw na ito. Mamaya pa darating si Lea dahil may duty ito.

           "Mahal mo ba si Lea kuya?" Painosenteng tanong ng aking kapatid.

          Hindi ko alam kung bakit niya natanong ito sa'kin marahil dahil napapansin niyang malapit kami sa isa't isa.

          Ngumiti nalang ako.

          "Bakit mo naman na tanong?" Natawa ako.

          "Wala lang. Alam mo gusto ko siya para sa'yo!"

          Nakitang kong nagkakasundo na sila, mukhang aprubado na si Lea kay bunso.

         "Halos magka-edad lang kayo 'di ba?"

         "Matanda lang naman siya ng isang taon." Papikit-pikit pa ang mga mata nito. Hindi pa pala nagbabago ang ugali niyang iyon. Kahit noong mga bata pa kami. Nakakatuwa... Madalas na niyang ginagawa ito kapag nagpapa-cute siya.

         "Hindi mo naman sinagot ang tanong ko kuya eh." Nagsalubong ang kilay niya at nahalata ang pag-iwas ko sa tanong.

          Hindi naman sa ayaw ko siyang sagutin. Hindi lang talaga ako sanay na magsasabi ng nararamdaman sa isang tao. Ang totoo, ito ang unang beses na may naramdaman akong paghanga sa isang babae. Kahit ako nangangapa pa sa kung anumang relasyon na meron kami ni Lea ngunit alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Doo'y sigurado ako, wala lang akong lakas ng loob upang aminin yon sa kanya.

         "Bata ka pa!" Iwas ko agad. Umasa akong makakalusot yon sa kanya.

         "Kuya! Twenty years old na ko." Bulalas niya.

          Nakalimutan ko nga pala. Napakatagal na pala naming magkahiwalay. Kung hindi dahil kay Lea, hindi ko mararanasan ang tagpong ito. Pasalamat nalang at dumating siya sa buhay ko.

           "Ah... So ako— gurang na? Ganun ba ang ibig mong sabihin?" Nakangiting sagot ko.

           "Kung tama ang computations ko ang edad mo ay— Hmm!" Wika niya habang nakalagay ang isang daliri sa labi na tila nag-iisip ng mabuti.

           Teka— edad na ang pinag-uusapan agad akong dumampot ng kaunting carbonara at akmang susubuan siyang muli.

           "Oh? Ito kainin mo nalang. Bata pa ko!" Pagtawang iwas ko sa pagbubuking niya.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon