Chapter 30 (Ang pagtatapos)

426 19 0
                                    

( NARRATOR'S P.O.V. )

DAHAN-DAHANG iminulat ni Lea ang kanyang mga mata, isang makislap na ilaw ng kuwarto ang agad na bumungad sa kanya. Nakaramdam siya ng pananakit sa kanang braso na agad naman niyang inusisa at nang matingnan iyon ay nalaman niyang nakabenda ito. Saka niya napagtanto na nasa ospital siya.

Napuna niya na may taong nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Binaling niya ang kanyang ulo upang makita ang pamilyar na taong iyon. Marahil ay magdamag itong puyat sa pagbabantay sa kanya at nakatulog nalang sa tabi ng kanyang kama. Halos napaiyak siya sa nakitang pagmamalasakit ng kanyang ama dahil sa kinatagal-tagal ng panahon ay muli niyang naramdaman ang pagmamahal nito. Hindi na niya ito ginising, sa halip ay humigpit pa lalo ang paghawak niya sa kamay nito.

Saka niya naisip ang mga nangyari kagabi. Wala na siyang maalalala matapos ang komprontasyon sa mansiyon. Naisip nalang niya na marahil si Raizen ang naghatid sa kanya sa ospital.

Rai, nasaan ka na? Wika niya sa sarili.

--------

ILANG araw matapos ang insidente, naisipan ni Lon na lumabas upang magliwaliw. Wala kasi si Francis, kasama nito si Maestro upang asikasuhin ang ilang mga importanteng bagay.

Kasalukuyan na naglalakad si Lon at hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Matapos ng lahat, inisip niya kung paano sisimulan ang panibagong buhay niya ngayon. Nang may 'di-inaasahang naganap, isang sasakyan ang bumusina sa kanyang likuran.

"Ay lintek!" Gulat na sambit ni Lon agad na lumapat ang kanyang palad sa dibdib. Lumingon siya sa sasakyang gumulat sa kanya. Sinilip kung sino ang mayabang na nagmamaneho ng kotse iyon. Laking gulat nalang niya nang makilala ang magandang dilag na bumaba mula roon.

"Mr. Montecristo, kamusta na?"

"P-patay!" Napakagat labi siya. Muli na namang nanariwa ang torture na inabot niya sa babaeng ito. Baka iniimbestigahan na naman siya ulit kaya kailangan na makaisip siya ng paraan upang muling takasan ito.

Upang hindi siya makilala, dahan-dahan na tumalikod si Lon at pasimpleng tinakpan ng palad ang kanyang mukha. Binilisan niya pa ang paglakad upang iwasan ang pulis.

"Hoy! Kausap pa kita. Bumalik ka nga rito!" Narindi na si Patricia sa pagbalewala sa kanya ng antipatikong lalaking kausap niya. Agad sinara ni Patricia ang pinto at hinabol ng lakad si Lon.

"Hoy!"

"Ayoko nga baka upakan mo na naman ako," habang papalaki ng papalaki ang mga hakbang ni Lon.

"Ah, matigas ang ulo mo ha!" Banta naman ni Patricia. Unti-unti ng kumukunot ang kanyang nuo at lalong nanliit ang singkit nitong mga mata.

Matapos ang sinabing iyon ni Pat ay naniguro na si Lon, alam niyang mayayari siya kung aabutan siya nito kaya-

One... Two... Three...

"Ewan ko sayo!" Isang patawang bitaw ni Lon sabay karipas ng pagtakbo.

Napasinghap niya si Patricia, hindi nito inaasahan ang gagawing iyon ni Lon.

"Ah, habulan pala ang gusto mo ha!"

Buti nalang naka- off duty siya at saktong naka-civilian attire. Nagunat-unat si Pat habang pinagmamasdan si Lon na unti-unti ng lumalayo. Nang makapagwarm-up ng husto ay agad din na humataw sa pagtakbo.

"Tingnan ko lang kung mahabol mo ako!" Para siyang kabayong may tapahoho sa mata sa bilis ng pagtakbo.

Nakalayo na siya ng bagalan na niya ang pagtakbo. Lumingon siya sa likuran at nakita niya na may isang singkit na amazona na papalapit na sa kanya.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon