Chapter 17 (Masamang damo)

302 13 2
                                    

( NARRATOR'S P.O.V. )

        "TAMA na siguro 'to. Kailangan lang talaga na may snacks ako mamaya." Ani ni Lon habang tsini-check ang kanyang plastic bag.

         At mukhang uulan pa yata dahil makulimlim ang langit noong sa gabing ito.

         "Tss! Huwag naman sana."

         Nang kutuban siya ng hindi maganda.

          Nakabibinging katahimikan. May boses sa loob niya na naguudyok na huwag maging kampante.

          Bumaling siya sa likuran upang makiramdam sa paligid ngunit isang madilim na bahagi ng kalye lang ang nakikita niya.

         Kutob niya na may nagbabadyang panganib sa paligid.

         "May mali rito..." Pakiwari niya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Muli siyang humarap sa direksyon ng kanilang bahay.

          Ngunit isang patalim ang siyang babasag sa katahimikan ng gabi. Sa pag-ikot nito'y maaaninag ang kislap sa talim nito.

          Tama ang kanyang naging kutob. Alerto siya at agad na nakailag bago pa man siya tamaan nito. Dali-dali niyang hinarap ang pinagmulan nuon ngunit wala siyang naaninag sa dilim.

          "Magpakita ka! Alam kong nandiyan ka!"

           Ngunit walang sumagot mula sa parteng iyon. Hanggang sa isang atake muli ang siyang gumulat sa kanya. Isang patalim ang patungo sa kanyang direksiyon.

           "Sh*t!" Tarantang bulalas niya.

           Agad siyang humakbang pa kanan at ipinihit ang kanyang katawan upang makailag. Bumaon ito sa isang bakod.

          Dali-dali niyang hinugot ang nakabaong patalim na yon.

          Isa itong customized hunter's dagger. Mukhang di biro ang hindi inaasahang bisita. Wala na siyang pagdadalawang isip pa, gagamitin niya ito upang protektahan ang kanyang sarili sa mga susunod na pag-atake ng kalaban.

           Kinakabahan man ay kinakailangan niyang pakatatagan ang kanyang sarili.

           "Lumabas ka! Patatagalin pa ba natin 'to?" Panggagalaiti pa ni Lon.

          Kainis! Sinong kabute naman ang magtatangka sa buhay ko? Usal nito sa sarili.

          Nakiramdam siya sa paligid. Naguguluhan kung sino ang nagtatangka sa kanyang buhay. Malaking palaisipan tuloy sa kanya ang pakay ng taong ito.

          At sa wakas nagparamdam na nga ito.

          Isang papalapit na estranghero ang nagpakita sa kanya at sa anino, maaaninag ang nilalaro nitong patalim sa kanyang mga kamay. Nakakarindi ang kalansing ng bakal habang binubukas at isinasar niya ito.

         At sa totoo lang, nagawa pa niyang matawa.

         "Ibang klase!" Pangungutya pa ni Lon.

         Hindi na siya masanay-sanay sa ibat-ibang birador na nakakasalamuha niya. May kanya-kanyang kasing pamamaraan ang bawat miyembro ng Konseho. Bawat isa'y may kanya-kanyang istilo sa pagpatay.

          Isang lalaking bigotilyo at mayroon na matiponong pangangatawan. Iba't ibang klase ng patalim ang nakasukbit sa mga sisidlan nito sa hita.

TriggerHAPPY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon