Letter
"Ibibigay, hindi ibibigay.. ibibigay.. hindi ibibigay.. Ibibigay.."
Sambit ko habang isa isang tinatanggal ang petals ng bulaklak na hawak ko.
"Shems, ibibigay daw, Alex. Final na 'to."
Huminga ako ng malalim at kinuha yung love letter na ibibigay ko kay Dominic. Unang beses ko itong gagawin sa buong buhay ko kaya sobrang kinakabahan talaga ako. Sana talaga hindi niya ako makita.. nakakahiya kasi kung ganon.
Nang makarating ako sa harap ng locker niya ay tinitigan ko muna iyon ng ilang segundo.
"Kaya ko 'to." Bulong ko. Humugot ulit ako ng lakas ng loob at dahan dahang inilusot yung piraso ng papel sa locker niya pero naalarma ako nung marinig ko yung mga yapak at tawanan na parang papalapit sakin. Feeling ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sobrang kaba dahil baka may makakita saakin kaya agad kong kinuha ulit yung letter. Pero sa sobrang pagmamadali at kamalasan ko ay nahulog ko yun sa sahig!
"Shocks," bulong ko at nang pagharap ko para pulutin iyong letter ay halos lumuwa ang mata ko dahil si Dominic pala iyong dumating! Kasama niya yung best friend niyang si Donny at pareho silang parang nagtataka kung anong ginagawa ko.
Lupa, lamunin mo na ako, please! Ngayon na!
Napapikit ako ng mariin dahil sa hiya. Noong pupulutin ko na sana yung letter ay nagpanic lalo ang buong sistema ko dahil naunahan ako ni Dominic na pulutin iyon. Hawak niya yung letter ko para sa kanya. Anak ng tokwa, hindi niya pwedeng mabasa yun ngayon!
Agad agad ko namang inagaw sa kanya yun at ngumiti- yung ngiting parang constipated.
"Dear D?" Dominic asked.
Shocks!
"Is that.. for me?" Tanong niya ulit at mas lalo akong pinagpawisan ng malamig!
"H-ha? Hindi ah! Ano kasi.. p-para kay Donny ito!" Sa sobrang kaba ay hindi ko alam pero bigla ko na lang nasabi na para kay Donny yung letter na yun. Shocks, ayoko talagang mabuking ni Dominic..
"D for Donny." I said at agad kong kinuha yung kamay ni Donny tapos nilagay ko yung letter doon. Sobra sobrang kahihiyan na 'to, Alex!
Donny arched his brow and flashed a playful smile. Shemay, feeler pa naman itong Donny na 'to! Sobrang kabaliktaran siya ni Dominic.
"Ikaw? May gusto sakin?" Tanong niya. Napakagat na lang ako sa labi ko. Ano ba itong pinasok mo, self?
"Eh diba, tomboy ka?" My eyes immediately widened with what he said. Napaturo ako sa sarili ko,
"Ako? Tomboy? Hindi ah!" Pagdedeny ko.
Lumapit sakin si Donny at inalis yung sumblerong suot ko.
"Tomboy," giit niya. Bwisit 'to ah?!
"Hindi nga ako tomboy!" Pikon kong sabi. Pilit kong inabot yung sumblero kong hawak niya pero masyadong matangkad ang mokong na 'to.
"Ripped jeans at long sleeves na checkered? Tomboy ka talaga. First time na may tibo na nagkagusto sakin." Sabi niya habang nakangiti ng nakakabwisit.
"I appreciate it though." He whispered then winked at me. Bwisit!
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Genç KurguDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...