Two

1.2K 52 5
                                    

Mary

"Ang shunga mo talaga kahit kailan, self. Pwede mo namang itanggi na para kay Dominic yun, pero bakit sinabi mo pang para kay Donny? Bwisit pa naman sa buhay yung feelingero na yun."

I mumbled to myself habang padabog na naglalakad sa hallway. Kakatapos lang ng klase ko at hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung kahihiyang ginawa ko.

"Tibo!" Napapikit ako ng mariin nang marinig ko yung pamilyar at nakakainis na boses na tumatawag.

"Speak of the devil and the devil shall come," bulong ko at binilisan ko pa ang paglakad.

"Uy, Tibo!" Tawag niya ulit at sa kasamaang palad, nahabol niya ako kaagad. "Sungit mo naman," Ani Donny nang mahabol niya ako. "Is that how you treat your crush?" Tanong niya.

I took a deep breath para kumalma dahil pakiramdam ko, konti na lang ay dadapo na ang kamao ko sa makapal niyang mukha. "Una, hindi kita crush. Pangalawa, hindi ako tibo." Giit ko.

Donny flashed his famous playful smile at me again.

"Una, you were the one who confessed to me. Pangalawa, okay. Kung ayaw mo ng Tibo, A na lang ang itatawag ko sa'yo dahil yun naman yung initial mo. Love, A." He said while mimicking my voice. Nakakaasar!

"Kalimutan mo na nga yung letter na yun." Inis kong sabi at nagsimula nang maglakad pero pinigilan niya ako ulit.

"Ano bang pangalan mo? Abby?" He asked at umiling naman ako.

"Wag mo nang alamin."

"Ana?"

"Hindi."

"Alyssa?"

"No."

"Annabelle?"

"Ano ako? Chaka doll?" Asar kong sabi sa kanya.

Donny grinned. "Medyo kamukha," sagot niya at inirapan ko lang siya.

"Ayaw mong sabihin ha.." he mumbled at nagulat naman ako nang akbayan niya ako bigla. I tried to remove his arm around me dahil nasa hallway kami at ang daming nakakakitang estudyante pero ang higpit ng hawak niya sakin!

"Meron ba sa inyong nakakaalam ng pangalan nito?" Nanlaki ang mata ko nang pasigaw na tinanong ni Donny yun sa gitna ng hallway kaya napatigil yung mga tao sa paglalakad.

"Hoy, ano bang ginagawa mo? Nakakahiya!" Irita kong sabi sa kanya. He looked at me and just playfully smiled.

"Ayaw mong sabihin yung pangalan mo sakin, edi I'll have to use my ways." He answered then winked at me.

Binalik niya ulit yung atensyon sa mga tao." Ano? Wala bang sasagot?"

Bigla naman nagtaas ng kamay yung mga grupo ng kababaihan na parang coloring book yung mukha dahil sa kolorete. Kasama ko sila sa glee club noon ah? "Me! I know her, Donnyloves!"
Maarteng sabi nung isa.

"Ako rin, ako rin!" Sabay sabay namang sabi nung iba na parang nagkakagulo pa. What the?

"Hinay hinay, girls." Sabi ni Donny nang natatawa. "So what's her name?" He asked.

"Mary Alexandria Arabella Monteverde!" Halos mapa-facepalm ako nang sabay sabay na isigaw nung mga babae ang pangalan ko.

Donny chuckled and winked at those girls na naging dahilan para magsi-tili sila. "Thanks," he said.

He looked at me while smiling. Samantalang nakabusangot lang ako dahil sa sobrang pagkainis sa kanya.

"Hi, Mary. Sobrang feminine at banal pala ng pangalan mo eh," he said.

"Wag mo nga akong tawaging Mary." I said dahil Alex naman ang tawag sakin ng karamihan.

"Alam mo, ang gulo mo. Ayaw mong tinatawag kitang Tibo, tapos ayaw mo pa rin ng Mary. Ganyan mo ba ka-ayaw sakin?" Donny asked na parang nagpapaawa. Sus!

Ngumiti ako ng puno ng sarkasmo, "Oo."

"Grabe," reklamo niya. "Whatever, I'll still call you Mary."

"Alex nga ang tawag ng karamihan sakin." Giit ko.

"I don't wanna be like others." He said with his playful smile.

"And soon enough, you're gonna marry me anyway, Mary." He said then winked at me. He was lowkey making a pun out of my name. Ang kapal talaga ng mukha!

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon