Love, A

1.2K 81 17
                                    

Dear D,

Hindi kita gusto.

Yan yung mga katagang matagal kong pinaniwalaan. Matagal kong siniksik sa utak ko na hindi kita gusto at kailanman ay hinding hindi kita magugustuhan. Dahil ayaw ko ng ugali mo. Ang yabang mo, ang sama mo, akala mo kung sino kung umasta.. ayaw ko sa'yo, at gusto ko ang best friend mo.

That's what I thought. Akala ko, yung best friend mo ang gusto ko. But then, everything changed when I accidentally gave you that one letter. Hindi ko alam kung dahil ba sa katangahan ko yun, o dahil sa tadhana. Fate has its own ways, sabi nga nila.

Ang daming nangyari, ang daming nagbago. Pero sa lahat ng yun, kasama kita. Everything is better when I'm with you. And I'm the best when I'm with you, Donny.

Siguro nga aksidenteng naibigay ko lang sa'yo yung naunang liham, pero wag kang mag alala. Because this one's exclusively for you.

To my first- and hopefully last boyfriend, Donny.

Love, A

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon