Twenty Four

777 44 3
                                    

Danger

"Sorry, Ate. Wala si Kuya dito sa bahay eh." Napabuntong hininga ako sa sagot ni Benjamin.

"Ganun ba? Paki update nalang ako kung sakaling umuwi siya. Hindi niya kasi sinasagot yung calls ko. I badly need to clarify things to him." Pakiusap ko sa kapatid niya.

"Alright, Ate. Just make lambing to him kapag nakausap mo na. He's a total softie when it comes to you." Advice nito.

Yun nga eh. I wish Donny would let me explain what he saw last night. Pero mula kasi kagabi, ayaw niya akong kausapin. There's a huge misunderstanding going on..

Malamang ay nag conclude na yun dahil nakita niya kaming dalawa ni Dominic kagabi. Ugh.

"Oh ano, wala pa rin?" Kuya Axel asked as he sipped on his coffee.

"Wala.. ayaw niyang sagutin yung mga tawag at text ko." I mumbled.

"Eh anong gagawin mo ngayon? Maghintay hanggang sa mamuti buhok mo?" He asked.

I sighed and rested my head on the dining table. "Ano nga ba?"

"Surprise mo kaya? Alam mo yon, yung mga kakornihan ng mga mag jowa sa facebook." Suggest ni Kuya saka siya tumawa ng malakas. Baliw din, e.

"Paanong surprise, eh ni hindi ko nga alam kung nasaang sulok ng mundo siya ngayon. Tinawagan ko na yung team mates niya, pati kapatid niya, pero hindi rin nila alam. Psh." I frustratedly said.

Nanatili akong tahimik habang nag-iisip kung paano ko ba makakausap si Donny nang biglang tumayo si Kuya Axel na para bang may bright idea siyang naisip.

"Aha! Ikaw ang mag prepare ng surprise, tapos ako nang bahala kung pano siya pupunta dito." Sabi niya na may kasama pang pagtaas baba ng kilay.

Naupo ako ng maayos at tinignan niya. "Ano bang surprise? Tsaka baka kagaguhan naman yang gagawin mo Kuya."

"Gusto mo ba si Donny o hindi?" Bigla niyang tanong.

My eyes widened, nag init din ang pisngi ko. "What's with the sudden question?!"

Kuya Axel smirked. "Napaka obvious ng sagot sa mukha mo, sus." He uttered. "Kung gusto mong makita at makausap, mag effort ka naman. Lagi na lang yung tao ang naghahabol sayo e. Bahala kang pumaraan ngayon." Kuya said and patted my head.

Magtatanong pa sana ako ng gagawin ko pero tumalikod na si kuya at saka naglakad paakyat sa kwarto niya.

"Balakajan. Tawagin mo na lang ako pag ready na." He said.

Effort, huh.. it's not really my thing. Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ko. Gagayahin ko ba yung mga cliche na ganap sa facebook? Hala. Napaka cringe-y kaya nung iba.

Habang pabalik balik akong naglalakad sa sala ay naalala ko yung sinabi ni Dominic kagabi.

That it all started with a letter.

Right.. now I know what to do.

-

"Wow, hindi ko alam na may talent pala ako sa baking.." I mumbled while staring at my newly baked cupcakes.

Naisip ko kasing bilhan ng cupcakes si Donny bilang peace offering but I also wanted to exert extra effort, so I tried baking.. and it isn't as bad as I expected it to be.

"Magugustuhan naman niya siguro itong peace offering ko.. now I just need him to go here." Sabi ko at saka ako umakyat sa kwarto ni Kuya Axel para tawagin siya.

"Kuya! Tapos na yung 'effort' ko! Pano naman pupunta si Donato dito, aber?" Tanong ko habang nasa labas ng kwarto niya.

After a few seconds ay lumabas din si Kuya, "Nice, nice. Ano bang pinrepare mo?" He asked and walked downstairs at sumunod naman ako sa kanya.

"Uhm.. cupcakes. Teka nga, pano na ba kasi?" Pangungulit ko dahil ang dami niyang tanong.

"Napaka atat e, no? Akin na nga phone mo." My forehead creased when he suddenly asked for my phone.

"Bakit?"

"Basta akin na."

Dahil makulit siya, binigay ko na rin yung phone ko. Pagkakuha niya ay nag type siya agad tapos binalik niya rin sakin. I quickly checked what he typed at nanlaki naman ang mata ko.

To: Donny Asungot

Donny.. pls help! Mag isa lang ako sa bahay tapos may mga magnanakaw na pumasok .. I need help pls go here now pls!

Donny i'm in danger, go here pls wala sila kuya

Donny!

"Holy-- kuya naman! Ano to?!" Inis na tanong ko kay Kuya nung mabasa ko yung texts na sinend niya.

Kuya Axel just laughed, "Chill! Since ayaw ka niyang pansinin, edi magpapansin ka lalo. Tignan mo, tatawag--"

Hindi pa man natatapos yung sinasabi ni Kuya ay nag ring na agad yung phone ko.

Donny Asungot calling...

"Sabi ko sayo e!"

"Hoy, a-anong sasabihin ko?! Kuya!" Nagpapanic tuloy ang sistema ko dahil sa kagaguhan ni Kuya.

"Sagutin mo, umarte ka na kunyare nasa panganib yung buhay mo. Dali, gusto mong pumunta yan dito diba?" He urged me.

Napapikit na lang ako at huminga ng malalim bago ko sinagot yung tawag.

"Alexandria?! What the heck's happening?!" Aligagang tanong ni Donny sa kabilang linya.

"D-donny.. tulong! Natatakot ako.. malapit na nila akong mahanap, please pumunta ka dito!"

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon