Ice Cream
"Hoy, Maria."
Naglilinis ako ng kwarto ko nang biglang pumasok si Kuya Axel.
"Bakit?" Tanong ko. "Wala ka bang pasok?"
Naupo si Kuya sa kama ko at dinampot si Donski.
"Bigay sayo to ni Pangilinan diba?" He asked. Napakunot naman ang noo ko. Bat biglang interesado siya?
"Oo. Anong meron? Ang weird mo." I mumbled.
"Nandito siya kanina, e. Nung tulog ka." Kuya blurted out. Sa gulat ay tinigil ko ang paglilinis at saka lumapit kay Kuya.
"A-ano? Nagpunta dito? Bakit? Teka--"
"Kinausap kami ni Kuya Aaron. Saka si Mama rin, sa video call." Nanlaki lalo ang mata ko dahil sa sinabi ni Kuya Axel.
Kinausap niya ang Mama ko?!
"Seryoso ka?! Bakit?!" Tanong ko ulit sa kanya. Baka mamaya joke time to!
Kuya just shrugged. "Mukha bang joke? Seryoso kasi. Gigisingin nga kita dapat, kaso naisip ko pang gulo ka lang."
Kinurot ko agad sya sa tagiliran dahil dito. "Ako pa talaga pang gulo? Nakakainis ka talaga!"
"Aray! Teka nga! Pasalamat ka pumayag kami dun sa manliligaw mo. " He mumbled.
"Ang daya! Bakit hindi niyo ako ginising? Kayo ba yung liligawan?!" Inis kong sabi. Baka mamaya kung ano anong pinagsasabi nila Kuya doon kay Donato. "If I know, siniraan niyo na ako kay Donny." I said while rolling my eyes.
Kuya just wiggled his brows. "Sorry ka nalang. Tsaka, pamilya naman talaga ng babae ang una dapat na nililigawan." He said kaya hinampas ko siya ng unan. Ang daming alam ng hunghang.
"Ikaw talaga napaka bayolente mo! Ganyan mo ba itatrato si Pangilinan pag sinagot mo na siya?"
"Tsk. Ewan ko sayo, epal ka." I hissed.
Kuya just laughed and messed my hair. "De, seryoso. Sabihin mo pag sinaktan ka nung lalaking yon ah? Ibabalik ko kamo siya sa pinanggalingan niya." He seriously said.
Tinapik niya ako ulit sa ulo at saka lumabas na siya ng kwarto ko. Grr!
-
The next day nag stay lang din ako sa bahay since it's sunday. Parehong wala yung dalawa kong kuya dahil pareho silang may lakad kaya ako lang ang naiwan sa bahay. I just stayed in my room habang nag sscroll sa facebook.
"Ang boring.." I mumbled to myself.
Nanlaki naman ang mata ko at napaupo ako sa kama nang mag notify saakin yung message ni Donny.
Donny Pangilinan: Hi Miss! ;)
My forehead automatically creased. Miss?
Alexandria Monteverde: Anong miss?
Donny Pangilinan: Miss na kita. HAHA
Alexandria Monteverde: korny!
After ko mag reply ay nauhaw ako kaya bumaba ako para kumuha ng tubig. Pag akyat ko ulit ng kwarto ay tumatawag pala si Donny sa messenger. At talagang video call pa.
Sinagot ko naman yun at bumungad sakin si Donny na kumakain ng ice cream.
"Bat ka tumawag?" I asked.
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Novela JuvenilDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...