Acitvity
"Huy! Alex? Anyare sayo?"
I almost jumped on my seat dahil sa pagkagulat. Lumingon naman ako at nakita kong si Valeen pala yung nagsalita. She was drinking a cup of iced coffee at naupo siya sa bakanteng upuan sa kanan ko.
"Anong anong nangyari?" I confusedly asked her back.
"Bat bigla kang nagkaroon ng make over? Nakakaloka gurl! Gandang di mo inakala ang peg!" She said. Natawa na lang ako ng kaunti dahil sa sinabi niya.
"Ah.. hindi ah. Nagpagupit lang ako." I reasoned.
Minata naman ni Valeen iyong buhok ko na parang may inaalala siya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa ginagawa niya.
"Teka.. parang.. parang familiar yung hairstyle mo ah? Kamukha nung hairstyle nung babae sa insta--"
Nataranta ako agad dahil alam kong sasabihin ni Valeen na ako yung babae sa instagram ni Donny kaya dali dali kong pinutol yung sinasabi nya.
"Gusto mo ng watermelon? Masarap to oh, kain ka para tumaba ka naman!" Sabi ko at sinubo ko agad sa kanya yung slice ng pakwan na kasama sa lunchbox na bigay ni Donny. Napagdesisyonan ko kasi kanina na dito ko na lang kainin sa classroom yung niluto niyang scrambled egg at bacon. Oo, pang almusal talaga.
Medyo natuwa nga ako, medyo lang, kasi mayroong kiwi at watermelon na kasama. Paborito ko kasi yun eh..
"Ikaw ha! May di ka na naman kinekwento!" Agad na sabi ni Valeen noong nalunok na niya yung slice ng pakwan. Pinandilatan ko na lang siya ng mata at agad na niligpit yung lunchbox, pero dahil sa kamalasan ko ay nalaglag ko pa yung note na sinulat ni Donny. Agad na pinulot yun ni Valeen at napabuntong hininga na lang ako.
"Oh my.. " Hindi na natuloy ni Valeen yung sasabihin niya dahil buti na lang ay dumating na yung prof namin. Gosh, buti na lang talaga!
--
"Huy Alexandria! Akala mo makakalusot ka sakin ha? May meeting pa kami ngayon pero hahanapin talaga kita pag free na ako, madami ka nang utang na kwento sakin." Sabi ni Valeen habang inaayos yung bag niya. Napailing na lang ako. Haaay, buhay.
Pagkatapos ng klase ay niligpit ko na rin nag mga gamit ko. Napalingon naman ako nang tabihan ako ni Vonn, classmate ko.
"Hey, Alex. Free ka ba ngayon?" He suddenly asked. Humarap naman ako sa kanya.
"Ha? Wala naman akong gagawin.. bakit?" Tanong ko. Siya nga pala yung partner ko sa activity sa Arts. "Yung sa Arts ba?" Tanong ko ulit.
Vonn nodded, "Yeah. Pwedeng ngayon nalang natin gawin?"
"Hmm, hindi ba pwedeng bukas na lang?" I suggested. Gusto ko na rin kasing umuwi.
Vonn scratched his nape and shyly smiled. "I won't be around tomorrow eh. Ayoko naman na ikaw lang gagawa nung activity."
Napangiti naman ako. Bihira na lang kasi iyong mga katulad niyang may sense of responsibility sa school works na by pair or by group.
"Oh sige. Sa park na lang tayo?" I suggested and carried my stuff. Sabay kaming naglakad ni Vonn palabas ng classroom.
"May malapit na coffee shop dito. Dun nalang. My treat." Sabi niya kaya I just agreed. Libre na yun, bawal tanggihan ang grasya.
--
"Wow. Astig!" I almost squealed nung nakita ko yung artwork ni Vonn. "Galing mo pala eh." I mumbled. Nag sketch kasi siya ng isang ina na may buhat na sanggol. Motherhood.
"Wag ka nga, baka maniwala ako nyan." He kidded at sabay kaming natawa. "Basta ikaw na bahala sa creative explanation ha? Wala kang aasahan sakin when it comes to writing." Sabi niya at saka siya natawa. Tumango ako dahil napagusapan naman na namin na tutulong ako sa pag-iisip ng concept ng sketch niya at ako rin yung sa explanation.
"So, tayo na?" Tanong ko sa kanya dahil tapos na rin naman yung sketch, sa bahay ko na gagawin yung writing.
"Woah, bilis mo naman. Tayo na agad? Ligawan mo muna ako." I was caught off guard with what he said.
"Sinasabi mo diyan?" I uttered.
"Ito naman. Joke lang eh. Tara na nga." Bawi niya kaagad saka niya ako nginitian. Siraulo din eh..
Paglabas namin ay nag-offer si Vonn na ihatid ako pero nakakahiya naman at hindi rin ako komportable ng ganun kaya I declined.
"Sure ka ha?" He asked again.
"Oo nga, kaya ko naman. Salamat." I said.
"Alright. Ingat, Lex. I gotta go." Sabi niya at saka siya umalis.
Pagkaalis ni Vonn at chineck ko yung cellphone ko at nagulat ako nang makita kong may 34 texts at 16 missed calls ako from Donny Asungot. 34 texts na puro "Where are you?" lang ang nakalagay. Luh? Problema nun?
Magrereply na sana ako nang biglang may bumusinang sasakyan sa tapat ko at pagtingin ko ay sasakyan pala iyon ni Kuya Aaron.
"Oh kuya. Ginagawa mo dito?" I asked him nung binuksan niya yung bintana ng sasakyan niya. Kasama din pala ni Kuya Aaron si Kuya Axel. "Aga niyo ah. Uwi na kayo?" Tanong ko ulit.
Sasagot pa sana si Kuya Aaron pero sumabat agad si Kuya Axel habang minamata ako.
"Ikaw, ano ginagawa mo dyan? Saka sino yung kasama mo? Sumakay ka nga dito." He commanded kaya sumakay na lang ako habang umiirap.
"Kaklase ko yun. Chismoso ka naman." I answered.
"Sus. Kaklase pala ha. Iba tingin sayo nun eh." Kuya Axel continued pestering me at ayaw maniwala na kaklase ko lang si Vonn. Napaka malisyoso kahit kailan talaga.
"Akala ko ba yung si Pangilinan yung crush mo?" Kuya Axel suddenly said. Bigla namang may tugudug na nangyari sa dibdib ko nung binanggit niya yung Pangilinan.
Naalala kong magrereply nga pala dapat ako sakanya. Kinuha ko yung phone ko at nung magrereply na sana ako ay bigla naman akong na-dead batt. Nako, pag minamalas nga naman.
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Teen FictionDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...