Thirteen

860 51 4
                                    

Sticky Note

Dahil sa ayaw talagang i-delete ni Donny yung picture kong pinost niya sa instagram ay naging uncomfortable ako dito sa campus. Pano ba naman, baka mamaya may maglagay nalang bigla ng death threat sa locker ko!

"Nakakainis, nakakainis, nakakainis talaga!" Inis at pabulong kong sabi habang sinusubukan kong mag-focus sa nirereview ko dito sa lib. Bahagyang napasabunot na lang ako sa sarili ko kasi hindi talaga ako makapag-review.

"Dyusko, ano na bang nangyayari sakin? Bakit parang biglang ang gulo gulo na ng buhay ko?" I whispered like a fool.

Okay naman dati eh, nung kay Dominic lang ako naka-focus. Pero parang nagbago lahat nung dumating si Donny. Parang lahat nalang ng nangyayari sakin, may kinalaman siya!

"Ano ba, Alex. Wag mo nga munang isipin yung asungot na yun. Mag-review ka nalang, may mapapala ka pa." I encouraged myself.

Kinalma ko muna yung sarili ko at huminga ako ng malalim pero mukhang nang-aasar talaga ang tadhana kasi paglingon ko sa bandang kaliwa ko ay nakita ko na papasok din ng library si Donny. Agad ko namang tinakpan ng notebook yung mukha ko at sinilip siya sa butas. Napakunot naman ang noo ko nung makita kong hindi pala siya mag-isa. May kasama siyang matangkad at maganda- oo, maganda talaga, na babae.

Naupo sila sa table na medyo malayo sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam na naman ako ng konting pagkairita sa sistema ko.

"Tignan mo tong lalaking to, pagkatapos niyang ipost yung litrato ko at pagkatapos niyang guluhin yung isip ko, makikita ko siyang may kasamang iba?" Bulong ko na naman sa sarili ko.

"My god, bilang na lang talaga ang matitinong lalaki." I told myself again as I continued watching them while trying to hide my face using my notebook.

Napabuntong hininga ako nung makita kong parang natatawa silang dalawa sa kung ako mang tinitignan nila doon sa laptop nung babaeng maganda.

"Ano na, Alex. Bakit naiinis ka? Hindi ba mas okay ito? Kung may gusto si Donny sa babaeng yan, mas okay kasi at least, titigilan ka na niya. Di na na niya iinisin, di ka na niya kukulitin, di ka na niya aasarin... wala nang Donny." Sabi ko sa sarili ko. Habang kino-convince ko yung sarili ko na ayos lang, parang may nararamdaman akong kirot sa bandang dibdib ko.

Pakshet, ang gulo gulo na talaga ng pag-iisip ko.

"Nababaliw ka na, Alexandria. Nababaliw ka na talaga." I mumbled as I rushed to fix my things at dali dali akong umalis ng library.

Sabog akong naglakad sa school grounds. Dahil hindi ako makapag-review sa lib dahil kay Donny ay nagdecide na lang ako na sa may park na lang ako ng school mag-stay. Naupo ako sa may bench at nilabas ulit yung mga libro at notebook ko.

And again, I tried real hard to focus. Siguro ay higit isang oras ko ring niloko ang sarili ko sa 'pagrereview' na ginawa ko. May class pa ako ng 3pm at 2pm na. Nakaramdam naman ako ng gutom habang nagliligpit ng gamit ko. Hindi nga pala kasi ako nag lunch..

Dumireto muna ako sa locker ko para kunin yung iba ko pang gamit. Nagulat naman ako dahil pagbukas ko ng locker eh may lunch box na bumungad sakin. Napakunot ang noo ko at tinignan yung sticky note na nakadikit sa lunch box.

A,

Don't skip your meal. Kainin mo ito ha. Don't worry, edible naman to. You should feel grateful dahil ako mismo nagluto nito. ;)

PS. I'll be very busy with school works and training today, kaya wag mo akong masyadong ma-miss.
                                                              ~ D

Nag-freeze ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa dibdib ko. Kaya siguro nailagay niya to sa locker ko ay dahil yung lock na provided pa ng school yung gamit ko..

Ayan na naman yung mga kabayo na parang nagkakarera sa dibdib ko at mga stupid na paru-larong lumilipad sa tiyan ko. Argh!

My goodness, binabaliw na talaga ako ni Donato.

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon