Party
It was saturday afternoon and I'm fixing myself dahil ngayon palang ako bibili ng regalo para kay Valeen. Mamaya na kasi yung pool party niya at ayaw ko namang pumunta ng empty-handed.
Nahirapan nga akong mag-isip ng mga bagay na magugustuhan niya kasi meron naman na ata lahat ang babaeng yun.. siya kasi yung tipo na kapag may gusto, gagawa talaga ng paraan para makuha yun.
Bibilhan ko nga rin pala ng gift yung kapatid niya na si Vanessa since party nilang dalawa yun, tsaka nakaka hang out ko rin yun minsan.
Before ako umalis ay tinawagan ko muna sa messenger si Donny. Itatanong ko sana kung aattend din siya mamaya. Niyaya ko naman na siya the other day and he said yes pero gusto ko lang i-confirm.. Tsaka magpapasama na rin ako sa mall.
"Uy, Donny." Bungad ko nung sagutin niya ang tawag.
"Hey. I was actually about to call you." Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit? May sasabihin?" I asked.
"Yeah.. something came up and Mom needed me for her outreach program in Pampanga. So basically I won't be able to attend Valeen's party later." Paliwanag nito at saka siya bumuntong hininga.
"Ay, ganun ba. It's okay. Sasabihin ko na lang kay Valeen mamaya." I assured him.
"Thanks, Alex. By the way, Benj, my brother, is going to attend the party pala since classmate niya si Vanessa. I'll ask him to pick you up later." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ipapasundo ako sa kapatid niya?!
"Huy, hala. Wag na, nakakahiya naman yun. Pwede naman ako magpahatid kay Kuya eh." Pagtanggi ko.
"Are you sure?" Tanong niya pa rin.
"Oo. Teka.. san ka na ba?"
Imbes na sumagot agad ay nag request siya ng video call. Pagka-accept ko ay bumungad agad ang mukha niya. I think he's inside a car..
"On my way to Pampanga. Wag mo 'kong ma-miss agad ha." Sabi nito at natawa na lang ako.
"Feeling naman nito." I made a face. "Siya nga pala, papunta ako ng mall ngayon para bumili ng regalo kay Valeen at Vanessa. Yayayain sana kita eh.." I blurted out.
Donny smiled, "Wow, yayayain mo ako mag date." Pang-aasar na naman nito.
"Heh. Kapal talaga." I chuckled. "Sige na, aalis na ako. Ingat." Paalam ko.
"Alright, Alex. Take care, too."
After my conversation with Donny ay umalis na rin ako. When I reached the mall, I immediately checked some boutiques para humanap na ng ireregalo.
Valeen is the kikay type, while kabaliktaran naman si Vanessa. Kaya pagpasok ko sa isang shop na puno ng cosmetics, pumili na agad ako ng para kay Valeen. Hindi ko alam yung taste niya sa make up, pero binilhan ko siya ng eyeshadow palette with neutral shades, para kahit anong occasion eh magamit niya.
Medyo naakit ako sa ibang cosmetics, wala naman kasi akong mga ganun.. kaya I just bought a foundation and concealer para sa sarili ko. Narealize ko kasing kailangan ko rin ng make up kapag may events or something.
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Teen FictionDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...