Sick
"Ha? Hindi na kayo nagpapansinan? What happened? Break na agad?" Sunod sunod na tanong sakin ni Valeen.
Kinulit niya kasi ako ng kinulit tungkol samin ni Donny kaya sinabi ko na lang sakanya yung nangyari samin ni Donny. Na hindi na kami nagpapansinan.
Back to being strangers.
"Anong break? Hindi naman naging kami. Tsaka, wag ka ngang maingay. Ang lakas ng boses mo." Saway ko sa kanya at nag peace sign naman ito.
"Eh kasi naman! Akala ko okay kayo. Nag status pa nga siya sa facebook, diba?" She said.
"Hindi naman ako yung tinutukoy niya doon. Nakita ko siya kahapon, may kasamang babae. Mukha naman siyang masaya." Sabi ko nang halos pabulong na. "Teka nga, bakit ba siya na naman topic natin? Hindi ko naman kailangan ma-bother. Hindi ko siya gusto, okay? Ayos lang ako." I said.
Inirapan naman ako ni Valeen, "Talaga ba? Sige lang, Alex. Convince yourself. Mahirap kasi sayo, napaka denial mo." She pointed out.
"Hindi ah.."
"Halata naman bothered ka eh. Ano ba kasing masama kung magustuhan mo si Donny? Wala naman diba? Ikaw lang yung may ayaw kasi pinapangunahan ka ng pride mo."
Paglilitanya nito. Lalo tuloy akong nako-confuse dahil sa pinagsasasabi nitong si Valeen.
Napasabunot naman ako sa sarili ko dahil sa frustration. "Hindi ba pwedeng maging tahimik nalang ulit yung buhay ko?" I uttered.
"Kayo lang din naman yung nagpapagulo ng sitwasyon niyo." Sagot nito sakin.
Pagkatapos nang kwentuhan namin ni Valeen ay inayos ko na ang gamit ko. Nauna nang umuwi sakin si Valeen dahil sinusundo siya ng boyfriend niya. Ako naman, dumaan muna sa locker room para iwan yung mga libro ko.
Pagkatapos ay nag decide na rin ako na umuwi dahil bigla akong nakaramdam ng headache. Dahil siguro to sa puyat ko kagabi..
I was mindlessly walking nang biglang may babaeng lumapit saakin. Mukha siyang mas bata saakin. Napakunot ang noo ko lalo na nung may inabot siya sakin na box na mayroong lamang cupcake. "Huh? Bakit?" I confusedly asked her. Wala naman akong naaalalang inorder kong cupcake ah..
"May nagpapabigay lang po." Inaabot niya talaga ito kaya kinuha ko na lang, pagkatapos ay umalis na rin iyong babae.
Biglang kumabog na naman yung dibdib ko nang makita kong may card na nakadikit sa box. Hindi kaya galing ito kay..
I was about to read what's written in the card nang biglang mag vibrate iyong phone ko kaya sinagot ko muna yung tawag ng isang unknown number.
"Hello?"
"Did you like it?" The familiar voice asked.
"Vonn?" I asked.
Bahagya siyang tumawa sa kabilang linya. "Yep." He confirmed. Binasa ko naman yung card dahil doon..
Smile, Alex. You look wonderful.
- Vonn
Alam kong hindi dapat, pero nakaramdam ako ng slight disappointment sa loob ko.. Akala ko kasi...
"Alex? You still there?" Vonn asked.
"Ah.. oo. Para saan ba ito?" Tanong ko sa kanya. "Tsaka nasaan ka?" Absent kasi siya ng buong araw.
"Out of town," he simply said. "And that's just a reminder that you should always smile."
Pilit akong nangiti. "Nako.. salamat ha, pero di mo naman ito kailangang gawin. Nakakahiya." I honestly said.
"You don't have to be shy, Alex. It's my choice." Sabi nito.
Natahimik ako ng ilang segundo. "Uhm.. sige na, uuwi na rin kasi ako. Bye, Vonn." I said to avoid the conversation. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.
"Alright. Take care, Alex." He said and I quickly hung up on him.
-
Pag-uwi ko ay nawalan na ako ng ganang kumain. Iniwan ko lang sa side table ng kama ko iyon cupcake na bigay ni Vonn dahil hindi ko talaga trip na kainin yun.
I attempted to sleep pero kahit anong pagpikit ang gawin ko ay hindi talaga ako makatulog. Nakakainis. Bakit ko ba nararamdaman ko? Bakit ba kasi ako umasa na sakanya galing yung cupcake?
Ano ba naman, Alexandria.
Kinuha ko yung phone ko at inis na nag type ng text sa number ni Donny. Ang dami kong sinabi. Ang dami kong tinanong. Ang dami kong gustong malaman at tinype ko yun lahat... but I just ended up deleting everything.
Ugh, I'm so pathetic.
-
The next day, I was feeling really dizzy and sick. Lumala yung headache ko kahapon at sobrang init talaga ng pakiramdam ko but at the same time, nilalamig ako. I couldn't even move an inch dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.
Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko.
"Yes po. Ako na po munang bahala sa kanya.. she's still sleeping."
Lalong nanlamig yung pakiramdam ko nang marinig ko iyong boses na iyon sa kwarto ko.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako noong makita ko si Donny. Nakatalikod siya sa akin at may kausap sa phone niya.
Good Lord, kino-kombulsyon na ba ako?!
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Teen FictionDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...
