Nandito
"Red lions! Red lions! Red lions!"
Malakas ang pag cheer ng madla para sa Red Lions. May laro kasi ng basketball ang Team ng school namin at yung Team ng kabilang school kaya naman full force ang support namin.
Syempre, full support din ako kay Dominic. Naglalaro din kasi siya ngayon since part siya ng varsity.
Lamang ng dalawang puntos yung kabila at last 30 seconds na lang kaya tensyonado na rin ang lahat.
"Go, Dominic! Three points please!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw na ako. Maingay na rin ang gymnasium at umaasang mananalo pa ang school namin.
I was busy cheering nang biglang mahagip ng mata ko si Donny. Naglalaro din siya sa court at hindi ko alam kung assuming lang ako o sa direksyon ko talaga siya nakatingin but I ignored him. I rolled my eyes at nag cheer na lang kay Dominic. "Go, Doninic!" I shouted.
Nung last 10 seconds ay napasigaw ang lahat noong maagaw ni Donny iyong bola at shinoot niya ito. It was a flawless three point shot.
Nagwala ang fans dahil dito at kaya sobrang ingay. Panalo ang school namin dahil sa buzzer beater shot ni Donny. Sus, magyayabang na naman lalo yan eh. Chamba lang naman yun.
Pagkatapos ng laro ay dinumog ng kababaihan yung players. Gusto ko nga sanang lumapit kay Dominic pero syempre, wala akong lakas ng loob na gawin yun. Hanggang sa pag cheer lang ako kaya pinagmasdan ko na lang ulit siya sa malayo gaya ng lagi kong ginagawa. Naiwan lang ako sa bleachers habang nakatingin sa kanya. Madaming nagpapa-picture sa kanya pero nagulat ako nung yakapin niya yung isang babae.. sino yun? Fan niya?
"Hoy, di mo man lang ba ako i-cocongratulate?" Nagulat ako nang may kumausap sakin. Napabusangot ako kaagad nang paglingon ko ay si Donny pala.
"Bakit? Ano bang ginawa mo sa court? Naki-fun run?" Sagot ko sa kanya sabay irap. Bakit ba nandito na naman to? Suot niya pa rin yung jersey niya at pawis na pawis pa siya.
"Excuse me? Ako kaya yung nagpanalo. Tapos puro ka pa rin ''Go Dominic!'" Sabi niya at ginaya na naman yung boses ko. Tumayo na ako para sana umalis dahil nambubwisit na naman itong dambuhalang to.
I rolled my eyes at him, "Chamba mo lang yun." I said.
"Wow," he muttered then laughed like a fool. Sarap niyang sipain! "Gusto mo bang pakitaan kita?" He said.
"Pakitaan mo mukha mo. Alis nga!" Singhal ko sa kanya at itinulak ko siya ng bahagya. Aalis na sana ako pero hinaharangan niya ako.
"Tabi nga!" Inis kong sabi.
"Why are you so hard on me? Crush mo ako diba?" He asked.
"Hindi. Kita. Crush." Madiin kong sabi para tantanan niya ako.
"Eh kung hindi ako, sino? Si Dominic?" He arched his brow and asked me.
Dahil doon ay napatingin ako ulit kay Dominic at naramdaman ko iyong parang kurot sa puso ko nung makita ko siyang masayang nakikipagtawanan doon sa babae habang magkahawak yung kamay nilang dalawa.
Hindi ko namalayan na nagkamali pala ako ng apak sa hagdan ng bleachers kaya muntik na akong malaglag at madulas pero buti na lang ay nasalo ako ni Donny. Shocks!
Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin at ang lapit namin sa isa't isa. I was so shocked that I couldn't even move.
"Ayan. Kung saan saan ka kasi nakatingin eh nandito lang naman ako." He whispered and winked at me. He's such a winking machine!
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Teen FictionDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...