Four

977 56 13
                                        

Stop

"A-ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko dahil sobrang awkward ng posisyon namin ni Donny. He playfully smiled again bago niya ako dahan dahang binitawan. I fixed myself at saka naglakad na pero ang mokong, sinundan pa rin ako.

"Wag mo nga akong sundan, ang dami daming nakatingin sakin. Nakakahiya." I mumbled.

"Sakin sila nakatingin, hindi sa'yo. Assuming ah?" Napapikit ako sa inis dahil sa sagot niya. Hingang malalim, Alexandria. Patience! Huwag mo siyang susuntukin sa mukha dahil kailangan mong maka-graduate ng malinis ang record.

"Edi sa'yo. Basta wag mo 'kong sundan." I said. Nasa gilid ko siya at sinasabayan ako sa paglakad. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung wrist ko kaya parehas kaming natigil sa paglalakad. "Ano na naman?" Inis kong tanong.

"What are you all looking at? Alam kong gwapo ako but your stares are making Mary uncomfortable. Stop it." He said to the crowd while holding my wrist. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya.

"I said quit staring." Pag-uulit niya at sa isang iglap ay umiwas lahat ng tingin sa aming dalawa. Anak ng shemay. Hinila ko siya palabas ng gymnasium dahil sa kahihiyan.

"Ano yun? Your stares are making Mary uncomfortable?!" Tanong ko habang ginagaya yung tono ng boses niya kanina. "Anong Mary?! Hindi nga ako si Mary. Alex! Alexandria!!" Giit ko.

Donny looked annoyed. "Bakit ba sigaw ka ng sigaw? Diba sabi mo nakakahiya dahil nakatitig lahat sa'yo? Edi pinatigil ko sila." He said. I took a deep breath to calm myself.

"You just made a scene." I calmly said dahil pakiramdam ko puputok na yung mga ugat ko dahil sa inis.

He shrugged. "Well, sanay na akong maging scene-stealer but I did it for you, Mary."

"Alex nga."

"Mary,"

"Alex nga sabi eh!" Pamimilit ko. Hindi talaga kasi ako sanay na Mary ang tawag saakin. Masyadong banal.

"Okay fine, Alex." He finally gave in. "Pero Alex, I have one question." Sabi niya.

"Ano?"

Tumigil siya ng ilang segundo. "Who's D?" Tanong niya.

Ang simpleng tanong pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot kaagad.

"Is it me? Or is it Dominic?" Seryoso yung expression ng mukha niya.. hindi katulad ng usual self niya na parang pinanganak lang para mambwisit.

"Para saakin ba talaga yung letter mo or you just made me a cover up?" Sunod sunod niyang tanong. He rendered me speechless.

He took a deep breath and smiled. "Knew it," he uttered. "The letter wasn't really for me. It was for Dom," sabi niya at tumalikod na agad para bumalik sa Gym. Nag panic naman yung buong sistema ko dahil baka sabihin niya kay Dominic!

"Uy, teka lang. Sasabihin mo ba kay Dominic?" Paghabol ko sa kanya. Sobrang tangkad niya kaya malalaki rin ang hakbang niya.

Donny did not answer me. "Uy, Donny." Pagtawag ko ulit. "Wag mo namang sabihin, please? Maawa ka. Nakakahiya kapag nalaman niya yun." Pakiusap ko pero hindi pa rin siya sumagot. "Gagawin ko lahat ng gusto mo, promise!"

Nakahinga ako ng maluwag nung tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako.

"Lahat? Sure ka?" He asked.

Kahit alanganin ay tumango na lang ako. Feeling ko tuloy gagawin niya akong alalay gaya nung mga nangyayari sa pelikula...

"Really, Alex?"

I nodded, "Oo nga, basta wag mong sasabihin sa kanya.."

"I only want few simple things." He said.

"Ano ba yun?"

"First, I want you to stop thinking about him. Second, I want you to stop wanting him. And third, I want you to stop chasing him.. especially when you're with me, Alexandria."

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon