I Like
"Class dismiss."
Pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos din ang klase ko sa Stat. Grabe, sumakit ulo ko dahil don. Ang hirap magpigil ng antok ha.
"Haaaaay! Sa wakas, may katapusan pa pala yon!" Ani Valeen sabay hikab. Kung bored ako, siyempre mas lalo na itong babaeng to.
I chuckled and fixed my things. Habang inaayos ko ang gamit ko ay nakita kong nag text pala si Donny sakin.
Donny Asungot
You done with your class? Wait for me, 'kay? Nasa gym pa ako eh. Sabay tayo umuwi.
Yeah.. mula rin pala nung sinabi niyang liligawan niya ako, araw araw na kaming sabay umuuwi. Siyempre, hinahatid niya ako gamit yung motor niya. Medyo nasasanay na rin nga ako.
"Huy. Free ka ba this saturday?" Tanong sakin ni Valeen.
I nodded. "Hmm. Oo, wala naman akong gagawin. Why?"
Valeen flashed a huge smile. "Great! Punta ka sa birthday ko ah. Pool party sa Gozel Paradise. Birthday rin kasi ng kapatid ko, si Vanessa."
"Hala, oo nga pala. Sige sige, I won't miss it." I assured her.
"Sama mo na rin si Donny. Yieee!" Pang-aasar pa nito. Nasabi ko na rin sakanya nanliligaw na yun sakin.
"Baliw. Oo na, tatanong ko mamaya kung pwede siya." I muttered.
"Yay! Thank you. Sabi mo yan ha. Sige na, gora na ako." She said at saka lumabas na ng classroom.
Kinuha ko na rin ang bag ko at lumabas na rin. I was walking papunta sa gym para puntahan sana si Donny nang lapitan naman ako ni Vonn.
"Hi, Alex." He said.
"Uyy.. hi. What's up?" Tanong ko dito.
He scratched his nape. "Nothing's new. Nakakamiss ka ka-hang out. Labas tayo?" Diretsahan nitong tanong.
Nagulat naman ako dahil dun. "H-ha?"
He smiled. "You know, coffee. Hang out.Chill."
I awkwardly smiled. "A-ay.. hindi ko pa kasi alam kung kailan ako pwede." I answered.
"Baka ayaw mo lang." Vonn mumbled.
I stiffened for a couple of seconds. "Hindi naman sa ganun. Uhm.. ano kasi--"
Mag eexplain pa sana ako pero tumawa siya. "Why are you so tensed? May magagalit ba kung ayain kitang lumabas?"
Dahil sa sinabi niya, mas lalo tuloy akong naging uncomfortable.
"Joke lang." Pahabol niya. "I like you, Alex." He suddenly said.
Luh? Ano daw?
Hindi ako nakapagsalita agad. Did he just confess? Right here, right now?
"Is that all I'm gonna get from you?" Sabi niya saka siya tumawa.
"Ah.. sorry. Hindi ko kasi alam yung sasabihin ko, saka hindi ko alam kung seryoso ka."
"I'm serious. I really like you." Pag-uulit nito.
Napayuko ako. He.. was a friend. Nothing more. Paano ko sasabihin sakanya yun?
"Vonn.." I mumbled. "Ano kasi--"
"You don't have to answer. Alam ko na." He said. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sakin. "Nag baka sakali lang ako."
"Sorry." I apologized.
He patted my head, still smiling. "Be happy." He uttered and walked away.
Grabe.. nakaka-guilty. Tsaka, paano niya nalaman yung nararamdaman ko? Am I that obvious?
I took a deep breath at nagpunta na sa gym. Pagdating ko ay nandoon nga si Donny at ang team mates niya. Naupo ako sa bleachers at pinanood siya habang naglalaro. He looks so.. good.
No wonder ang daming nagkakagusto sa kanya. Lalo na pag naglalaro siya, sobrang lakas ng appeal.
My eyes widened when Donny saw me and waved at me. Shinoot niya yung hawak niyang bola at saka niya ako kinindatan. Hala sya!
Yung puso ko, kung makatibok ng mabilis akala mo ako yung nag training.
Natawa si Donny sa reaksyon ko. Pagkatapos niyang maglaro ay kinuha niya yung tuwalya niya at saka siya dumiretso sakin.
"In love ka na sakin?" Mahangin nitong sabi habang nagpupunas ng pawis.
"Feeling mo talaga kahit kailan." Depensa ko.
He chuckled. "I like it when you watch me play basketball." Bigla nitong sabi.
"You should watch all my games. Lucky charm na kita."
Yung puso ko ayaw pa rin kumalma! "Lucky charm ka diyan.. ewan ko sayo." Sabi ko nalang.
"Uyy, kinikilig na yan. Namumula ka na oh." Pang-aasar nito. I just rolled my eyes.
"Shut up."
Tumawa lang ang mokong at saka niya pinisil ang cheeks ko. Argh!
"You're too cute." He said.
"Aw! Wag nga!" Saway ko sa kanya.
He only let go of my cheeks nung talagang namumula na! "Okay, okay. Bihis lang ako ah. Wait for me." Sabi niya saka umalis.
Pagbalik ni Donny at fresh looking na ulit ang mokong.
Suot niya yung varsity jacket at naka sweatpants siya. Bitbit niya rin yung gym bag niya.
"Let's go?" He asked.
"Uhm.." Iniisip ko kasi kung sasabihin ko sakanya yung tungkol kay Vonn.
"Is there a problem?" Tanong niya ulit na parang nag-aalala.
"Kasi.. si Vonn." I finally said.
Kinwento ko nga kay Donny yung confession sakin ni Vonn kanina. Sabi niya, halata naman daw na gusto ako nung tao. Ako lang yung hindi nagbigay ng malisya kasi kaibigan lang ang tingin ko sa kanya..
"Are you okay?" He asked me.
"Huh?"
He sighed. "You must be feeling bad about it."
"Medyo. Pero.. wala naman akong magagawa. Hindi ko siya gusto..." I admitted.
Donny messed my hair. "That's fine. May sariling choices ang lahat ng tao. It's not your fault that you don't feel the same way as he does for you." He consoled me.
Ngumiti ako. "Yeah. It's fine." I stated.
I pulled Donny closer and whispered on his ear.
"I think I like someone else."
Donny's eyes widened. "H-ha?" Obviously, I caught him off guard.
"Tara na." Sabi ko sabay hila sa nakatulala pa rin na si Donny.
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Teen FictionDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...