Giving It Back
"Oh, bunso, bat ngayon ka lang nagising? Kumain ka na diyan, baka ma-late ka pa." Sabi ni Kuya Aaron nang makarating ako sa hapagkainan. Halos pikit pa ang mata ko dahil sa sobrang antok. Alas tres na ako nakatulog dahil sa sobrang bothered ako sa sinabi ni Donny kahapon..
I want you to stop chasing him.
Argh!!
"Mukha kang zombie, Alex. Sabog ka ba?" Tanong naman ni Kuya Axel.
Wala sa sarili kong ininom yung milo na nasa mesa at nagulat ako dahil mainit pa pala iyon. "Shocks! Di mo sinabing mainit pa to!" Sabi ko kay Kuya Axel.
Tinawanan niya lang ako. "Nagtanong ka ba? Gumising ka nga, baka matokhang ka niyan. Mukha kang sabog."
"Ano bang nangyari, bunso?" Tanong ni Kuya Aaron. Buti pa talaga tong panganay namin, matino. Si Kuya Axel kasi pabibo eh.
"Wala, kuya. Puyat lang." Sagot ko at nagsimula na akong kumain kasabay nilang dalawa. May trabaho na si Kuya Aaron at college naman si Kuya Axel.
"Uhh.. Kuya, posible ba na mawala yung pagkagusto mo sa isang tao dahil lang may nagsabi sa'yo na wag mo na siyang gustuhin?" Out of nowhere ay bigla ko na lang natanong yun sa kanila.
Napakunot ang noo ni Kuya Aaron dahil sa tanong ko at natawa na naman si Kuya Axel.
"May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Kuya Aaron at agad akong umiling. "Wala ah!"
"Kuy, tingin mo ba may papatol diyan? Eh barako yan eh!" Pang-aasar ni Kuya Axel. Sarap niyang tinirudin!
"Pabibo ka," I said. "Wala, Kuya Aaron. Natanong ko lang.."
Kuya Aaron nodded, "Bunso, kung gusto mo ang isang tao, kahit sabihin pa ng buong mundo na wag mo siyang gustuhin, mananaig pa rin sa'yo yung sinasabi ng puso mo." He said then smiled. "Pero kung nawawala naman yung feelings mo sakanya.. then maybe you don't like him enough. Baka iba naman pala talaga yung gusto mo."
Natulala naman ako dahil sa sagot ni Kuya Aaron. Alam ko naman sa sarili ko na si Dominic yung gusto ko.. matagal na.
Pero bakit ganito? Parang ang lakas ng epekto sakin nung mga sinabi ni Donny.
"Shocks naman," I whispered to myself.
Kuya Aaron messed my hair, "Nag dadalaga na bunso namin ah? Pakilala mo samin yan soon." He said.
"Sino ba yan? Papuntahin mo dito, laro kaming basketball. Pag natalo niya ako, payag ako kahit di ka na niya iuwi dito." Sabi ni Kuya Axel kaya binatukan siya ni Kuya Aaron. Loko loko kasi!
--
I was busy answering my homework sa cafeteria habang nakikinig ng music sa phone ko nang biglang lumitaw si Donny sa may table ko. He was wearing a hooded jacket.
Tinanggal ko agad yung earphones ko when I saw him. May inabot siya saking papel at nung tinignan ko iyon ay na-realize kong binabalik niya sakin yung letter na binigay ko.
"B-bakit?" I asked.
"I'm giving it back to you." He simply said. Walang expression ang mukha niya.
"Bakit?" I uttered like a fool. I stood up cause of him.
Donny smiled. Medyo pilit. "I don't deserve something that wasn't really meant for me, Alex." he muttered. Kinuha niya iyong kamay ko at nilagay doon yung letter at saka siya tumalikod. Sinundan ko naman siya.
"Uy.. sorry. Hindi ko naman sinasadya na ibigay sayo--"
"Don't say sorry, Alex. Just give it to Dominic." Sabi niya habang nakatalikod pa rin sakin.
"If I give this letter to him.. will it change anything?" I asked.
Donny did not answer me.
"Wala namang magbabago, diba? Hindi naman ako yung gusto niya." I said.
Donny remained silent for a few seconds at pagkatapos ay humarap siya sakin.
"If I keep that letter, will it change anything? Hindi, diba? Kasi hindi rin naman ako yung gusto mo."
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Подростковая литератураDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...