Fifteen

809 49 1
                                    

Responsibilidad

"So how's school?" Tanong ni Kuya Aaron habang on the way kami pauwi sa bahay.

"Ayos lang.. kaya pa naman." Sagot ko. Minsan mahirap talaga pero ito na nga lang yung maibibigay kong achievement sakanila ni Mama, ayoko namang biguin pa sila dun.

"Kayo ni Donny, kamusta? Is everything doing well?" Tanong na naman niya.

"Anong everything? Walang everything." Depensa ko.

Ang gulo gulo na nga ng estado namin ng kumag na yun, kung meron mang estado, tapos lalo pang pinapagulo ng mga tao sa paligid namin. Alam mo yung tipo na dapat magkaroon talaga ng something saamin kasi push sila ng push? My gad. Sinabi nang wala ngang malisya eh..

Wala naman talaga. Wala, okay? Wala nga kasi.

"Baka naman may iba nang pumoporma sayo kaya ganyan ka. Hoy, yang mga lalake, lumalapit lang sayo yan ngayon kasi nakikita nilang may nagbago sa pisikal mong itsura. Mas maigi pa yung taong tanggap ka mula umpisa." Sabat ni Kuya Axel. "Tandaan mo Alex ha, sa mukha nung Pangilinan na yon may tiwala pa ako. Pero sa iba? Nako, wala. Kabisado ko bituka ng mga manlolokong lalake na yan." Litanya na naman niya kaya napairap nalang ako.

"Wala ah. Baka siya, may ibang pinopormahan." I mumbled nung maalala ko yung scene nila kanina sa library nung babaeng kasama niya. Psh.

"You sound like a jealous girlfriend, bunso." Kuya Aaron said.

"Luh? Pati yun pagseselosan? Sino ba siya? Bahala na yung mga babaeng uhaw na pag-agawan yung poste na yon." Inis kong sabi at saka ko pinikit ang mata ko at pinilit matulog sa sasakyan para hindi na nila ako kulitin.

--

Pagka-gising ko ay malapit na kami sa bahay kaya inayos ko  qrna yung mga gamit ko. Napakunot yung noo ko dahil nakita kong umuulan pala.. madilim na rin sa labas dahil 6:30 PM na.

"Teka, is that Donny?" Sabi ni Kuya Aaron pero di ko siya pinansin kasi alam kong niloloko niya lang ako.

"Hoy, Alex. Si Donny nga." Pang-gagatong ni Kuya Axel kaya napatingin na ako sa direksyon na sinasabi nila.

And Donny was really there. Nasa harap siya ng bahay namin, nakatayo sa gilid ng motor niya habang may hawak na payong.

Anong ginagawa niyan dito? Umuulan kaya!

Pagkatigil ng sasakyan ay kinuha ko yung payong ko sa bag at agad akong bumaba ng sasakyan para lapitan siya.

"Anong ginagawa mo dito? Di mo ba feel yung ulan? Pag ikaw nagkasakit, wala akong kasalanan diyan." Dire-diretso kong sabi. Binuksan ko rin yung gate namin para papasukin siya. Alangan namang hayaan ko siya sa labas diba? Konsensya ko pa.

"Grabe ha, ikaw na nga yung binibisita eh. Nakaka-touch ha." Sarkastikong sabi niya.

I raised a brow, "Aba, wala naman akong sinabi na bisitahin mo ako."

Pinapasok ko siya sa loob ng bahay at naupo naman agad ang mokong sa sofa. Umakyat ako sa taas at kinuhaan siya ng tuwalya kasi basang basa talaga siya.

"Oh," sabi ko at saka inabot sa kanya yung tuwalya.

"Mahiya ka naman kasi, basang basa ka tapos uupo ka sa sofa. Dry yourself first." Utos ko sa mokong.

Pumasok naman sila Kuya kaya napatayo siya para batiin sila. Wow ha, may manners?

"Good evening po," He greeted.

"Good evening din. Ayos ka lang ba? You should've texted Alex na pupunta ka pala, naghintay ka pa tuloy sa ulan." Kuya Aaron said.

"I'm fine po. And I texted her but she didn't reply that's why I just came here without knowing na wala pa pala siya." Donny reasoned.

"Talagang naghintay ka sa ulan ah? Ano to, teleserye? Lakas tama mo sa kapatid ko brad." Pang-aasar naman ni Kuya Axel bago siya umakyat sa kwarto niya. As usual, irap dito at irap doon ako.

Lalo pa akong naasar nung nakita kong ngumiti sakin ng nakakaloko si Donny dahil sa sinabi ni Kuya Axel. Bwisit talaga.

Kuya Aaron chuckled and tapped Donny's shoulder. "Sige, iwan ko muna kayo. Asikasuhin mo siya, bunso. I'll prepare dinner." He said.

---

"Bakit ka ba kasi pumunta dito?" I irritatedly asked this irritating guy in front of me.

"Alam mo, sa lahat ng babae, ikaw lang yung iritang irita kapag kinakausap kita." Sagot niya, halatang naiinis na rin. "I'm just checking on you. Masama ba?"

"Psh. Hindi ako test paper na kailangang i-check. Tsaka kung ako lang naman pala yung iritang irita, edi lakad, pumunta ka doon sa mga ibang halos mangisay kapag kinakausap mo sila." I straightforwardly said.

Nag flash na naman sa utak ko yung scene nila nung babae sa library kaya kahit malamig yung panahon, parang nag-iinit pa rin yung ulo ko. Ewan ko ba.

Donny sighed, he looked like he was trying so hard to calm himself. "I haven't seen you the whole day." He mumbled. "Tsaka, ilang beses kitang tinext at tinawagan pero wala kang sagot. Swerte mo ha, nag-alala kaya ako sayo. Tapos malalaman ko lang na kasama mo pala si Vonn?" Tuloy tuloy niyang sabi. Natigilan naman ako dahil dun.

"Pano mo naman yan nalaman?"

"Basta."

"Pano nga? You're creeping me out."

"I have my ways. Sana man lang nag reply ka diba?"

I took a deep breath and stared at him for a couple of minutes. "Bakit? Wala naman akong responsibilidad sayo." I said.

Natahimik siya. Ganun din ako. Parang sa isang iglap, naging awkward yung atmosphere naming dalawa.

"Oo nga pala, wala ka nga palang responsibilidad sakin. Sorry, I forgot about that."

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon