Twelve

911 57 4
                                    

Post

As expected, pag-uwi ko ay inintriga ako ng dalawa kong kuya dahil sa 'new look' ko. Nakadagdag pa sa pang-aasar nila yung dala kong stuffed toy na bigay ni Donny. Pinutakte nila ako ng pang-aasar tapos kinwento pa nila kay Mama yun dahil ka-videochat namin siya. Pati tuloy si Mama, nakiki-asar na.

Pinipilit ko naman sakanila na mortal kaming magkaaway ni Donny at hindi ko siya manliligaw. Hindi naman kami magkakagusto sa isa't-isa kasi.. duh, wala kaming ibang ginawa kundi mag-away. Parang nag exist lang kami sa buhay ng isa't-isa para mag asaran.

Hindi ako tinigilan nila kuya kakaasar kaya kaysa mapikon ako ay itinulog ko na lang. Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumiretso agad ako sa salamin para pagmasdan ang sarili ko.

Ngumiti ako sa harap ng salamin. Ako pa rin naman ito. Yung Alex na parang tibo.. yung Alex na walang pakialam sa ayos niya. Ako pa rin ito eh.. at nakakagaan sa pakiramdam na kahit ganito ako, mayroong isang taong tanggap ako kahit gaano pa kasama ang itsura ko.

After I took a shower ay nahiga na ako sa kama para sana magpahinga. I just checked my phone kung may mga nagmessage ba at nagulat ako nang biglang mag chat sa messenger ko si Valeen. It was already 10:45 PM, bakit nag chat pa siya?

Valeen Christia: Huy! Kilala mo ba ito?

Napakunot naman ang noo ko pagkabasa ko nung message niya dahil hindi ko maintindihan kung sino ang tinutukoy niya.

Alexandria Monteverde: Ha? Sino?

Valeen Christia: Here! Donny posted a photo of this girl kanina and everyone's getting crazy sa kakaisip kung sino yan. Naisip ko lang baka kilala mo since close kayo ni Donny diba?

Valeen sent me a screenshot of Donny's post on instagram and it legit made my heart skip a freaking beat.

Why?!

"Dios mio.. ano to?" I mumbled. It was a photo of a girl.. nakatalikod siya habang naglalakad.

And that girl?

It was me.

Hindi na ako nakareply pa kay Valeen dahil chineck ko agad sa instagram kung totoo yun. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para akong nakimarathon.

Pagpunta ko sa account ni Donny ay totoo nga, nandun sa feed niya yung picture ko. Kinuhanan niya pala ako ng picture kanina sa mall.

He didn't put any caption to it. Basta pinost niya lang iyong picture ko.

I viewed the comments at totoo nga yung sinabi ni Valeen na ang daming nagtatanong kung sino yun. Yung iba ay galit, yung iba naman kinikilig.. pero mas marami talagang galit!

Akala mo naman celebrity itong kumag na to.

Agad naman akong nagsend ng message sa kanya sa instagram.

@alexmonteverde_: Anong trip mo? Ang daming nagagalit na mga babae mo! Idelete mo nga yung picture ko! 😡

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply ni kumag pero imbes na reply sa instagram, isang tawag galing sa unknown number ang natanggap ko.

Sinagot ko naman yun at nagpintig ang tenga ko nang hagikhik agad mula sa kabilang linya ang narinig ko.

"Sino to?" Inis kong tanong.

"Magkasama lang tayo kanina ah, nakalimutan mo na ako agad?" The moment he spoke, alam ko na agad kung sino siya. Iisang tao lang naman ang nakakapagpataas ng presyon ko!

"Hoy, ikaw! Ano bang trip mo? Tsaka saan mo nakuha ang number ko? Bakit ka ba tumawag? Bakit mo ba pinost yung picture ko? Akala mo ba nakakatuwa? Ang daming nagagalit saakin! Kahit hindi nakita yung mukha ko sa picture, nakakainis pa rin! Paano kung tambangan nila ako? Ayaw ko pang mamatay ano! Gusto mo bang mapahamak ako?! Tsaka bakit ka ba ganyan? Ayaw mo akong tantanan. May gusto ka sakin ano?!" Dirediretso kong sabi, kaya't hingal na hingal ako pagkatapos kong magsalita.

Sa dami ng sinabi ko, tawa lang ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Alin dun ang gusto mong sagutin ko?" He calmly asked. Hindi ko alam pero parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko at pakiramdam ko namula ako.

Bakit ko ba tinanong yung huling tanong na tinanong ko?! Jusko, Alex!

"Uhm.. ano.. bwisit--" Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi sumabat agad si Donny.

"Oo, Mary Alexandria." He mumbled.

"A-anong.. anong oo?"

He stayed quiet for a couple of seconds at ganun din ako.

"Ikaw na ang bahalang mag-isip kung alin sa mga tanong mo ang sinagot ko ng oo." He muttered.

Oh, good Lord.

"Tulog ka na, baka pumanget ka lalo niyan. Goodnight, Alex." He said, and he finally ended the call.

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon