Ten

907 54 2
                                    

Makeover

For the rest of the week, sinubukan ko nang kalimutan si Dominic. Masyado kasi akong nasaktan, lalo na nung nag viral sa buong campus at sa social media sites yung video nung surprise niya para kay Rhian.

Even the whole world wanted him for her. Lahat, boto sa kanila.

Eh ako? Siyempre, talo.

"Ano ba yan, Alexandria? Kahapon, buong araw ka nang nagmukmok. Ngayon, ganyan na naman? Naligo ka man lang ba? Ang panget mo." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko nang pumasok si Kuya Axel para lang sabihin na ang panget ko.

"Kuya, wag ngayon." I tiredly said. Alam ko nang panget ako, pinapamukha pa sakin. Badtrip talaga to minsan eh.

"Ano ba kasing problema mo? Tumayo ka nga diyan," pamimilit niya sakin at saka niya hinila yung comforter at unan ko. Hinigit niya ako patayo at napabusangot naman ako.

"You should go out. Ang putla mo na oh, kailangan mo ng sunlight!" Sabi niya habang pinagtutulakan ako papunta sa banyo ng kwarto ko.

Kahit naiinis ay wala na akong nagawa dahil binuksan ni Kuya Axel yung shower kaya nabasa na ako. "Umalis ka ah! Pag ikaw hindi umalis, kokonyatan kita!" Pagbabanta ng epal na yon tapos iniwan rin naman ako ni Kuya pagkatapos niya akong talakan dahil may lakad pa siya.

Wala sa sarili akong naligo at pagkatapos ay pumili na ako ng susuotin ko. Pagharap ko sa closet ay bumungad sakin ang sandamakmak na jeans at tshirt. Iyon lang ang palagi kong sinusuot dahil doon ako komportable pero sa kalahating bahagi ng closet ko ay iyong mga dress, palda at mga malakas makababaeng damit na pinapadala sakin ni Mama kada buwan. Nakatambak lang kasi si Mama lang naman yung may gustong ipasuot sakin yung mga yun pero hindi kasi talaga ako komportable.

Bigla kong naalala si Rhian. She's.. pretty. Really, really pretty. The way she walks, the way she dresses and the way she carries herself, sobrang babae. Ang ganda niya.

Kaya nga siya nagustuhan ni Dominic.

Naisip ko, siguro kaya hindi ako nagugustuhan kasi hindi ko alam mag-ayos. Kasi hindi ako ganoon kaganda, gaya ng iba.

I was thinking too much at hindi ko napansin na hinalukay ko na pala yung mga skirts and dresses sa closet ko. I found this dark blue off shoulder dress at sa tingin ko cute naman iyon.. so I tried it. Wala namang masama kung itry kong maging girly kahit ngayon lang..

Nung suot ko na yung dress, I went to my full length mirror and stared at my reflection as I combed my hair. Hanggang baywang ko ang buhaghag at makapal kong buhok. Ang haba na pala at mas nakakatamad suklayin.

Bakit ganun? Nakadress naman na ako, pero bakit ang pangit ko pa rin? Parang walang wala pa rin, kumpara sa ganda ni Rhian.

I frustratedly sighed. "Kahit anong try mo, Alex, wala pa rin talaga." I told myself. Nagsuot na lang ako ng flats at lumabas na ng kwarto ko para magpunta ng mall. I gotta treat myself.. masyado na akong nalulungkot.

--

Pagdating ko sa mall ay bumili muna ako ng ice cream. It suddenly reminded me of Donny, kasi nilibre niya ako ng ganito..

Naglakad lakad lang ako sa mall at napatigil ako nung mapadaan ako sa isang salon. Naalala kong masyado na nga palang mahaba ang buhok ko kaya pumasok ako doon para magpagupit.

Inaccommodate naman ako ng staff at tinanog nila kung anong klaseng gupit ang gusto ko. Hindi ko naman alam yung style style na yan, kaya sabi ko, sila na lang ang bahala.

I fiddled with my phone habang inaayos yung buhok ko. May mga treatment ek ek pa yatang ginawa dahil parang shinashampoo yung buhok ko..

"Uh, ate, lagyan niyo na rin ng highlights. Brown ha," sabi ko. For a change naman.. sana bumagay.

"Okizz, ma'am. Gusto niyo po ba, i-makeover ko kayo? Kering keri ko yan!" Sabi nung ate. Ako naman, na-curious sa kalalabasan ng sakaling 'makeover' that's why I just nodded..

I don't know what exactly came to my mind but one thing's for sure.. I really want to change.

--

"Ayan, bongga! Ganda mo girl!" Sabi nung ate nang natapos na yung 'makeover' na sinasabi niya.

Pagtingin ko sa salamin ay napataas ang kilay ko. "Woah.. mukha na akong.. tao." I uttered.

Shoulder-length ang buhok ko na may hightlights. They fixed my brows at nilagyan ako ng light makeup. I looked.. new?

Ako pa rin naman ito, pero siguro, version 2.0. I laughed at the thought. New hair, new me, huh?

"True! Sure ako masusurprise ang ka-date mo niyan!" She said and I just scratched my nape.

"Wala naman po akong ka-date. Hehe.." Baka sila kuya pa ang ma-surprise.

Binayaran ko na lahat lahat at pagkatapos ay namasyal na ako ulit. I walked around at feeling ko ay nadagdagan ng 10% ang confidence ko. Ganun pala yun, no? You feel good when you look good.

Pero kahit mukha na akong babae, di pa rin maaalis sakin yung mga hilig ko. Kaya naman nung madaanan ko yung arcade ay pumasok ako agad dun. Naexcite ako lalo na doon sa basketball!

Bumili ako ng tokens para maglaro pero masyadong madaming tao doon sa basketball kaya naghintay muna ako ng turn ko doon sa likuran ng mga naglalaro. I was standing and waiting there patiently nang biglang napalakas yung talbog ng bola nung isang kuyang naglalaro at unexpectedly na napunta sa direksyon ko at tinamaan ako sa ulo!

"Aray ko! Ano ba yan?!" I literally yelled because of pain. Nakahawak ako sa ulo ko at lumapit naman yung naglalarong lalaki.

"Oh crap. Sorry, are you alright?" He asked me at tinulungan akong tumayo.

"Alright? Mukha ba akong-- wait, Donny?" I muttered when I realized that it was Donny.

Napakunot ang noo niya and he eyed me. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, na para bang takang-taka siya sa nilalang na nasa harapan niya.

"Alex..?" Sa tono niya, hindi siya sure kung ako ba talaga to. "Joke time ba to?" He asked at napasimangot ako lalo. Grrr!

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon