Nineteen

1K 62 4
                                    

Gusto Kita

I blinked once.

Twice.

Thrice.

Oh my gosh. Anong ginagawa niya dito?! At sa loob pa ng kwarto KO?

"I'm not really good at cooking but I'll try. Para naman sakanya.. yung gamot, pag gising na lang niya. Alright, Kuya Aaron. No problem."

Kuya Aaron? Why is he talking with my brother? My goodness, lalong lumalala yung pakiramdam ko. I need to be enlightened!

Nang matapos siyang makipag-usap ay agad kong ipinikit ulit ang mga mata ko at nag tulog tulugan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya kapag nakita niya akong gising.

I almost flinched when he touched my forehead. Nilagyan niya rin ako ng basang bimpo sa noo and I heard him sigh.

"Nawala lang ako, hindi mo na inalagaan yung sarili mo." He mumbled. Parang automatic naman na kumabog ng malakas iyong dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"If only you know how much I missed you. Nakakabaliw. I thought I was doing well.. but the truth is niloloko ko lang naman ang sarili ko. I knew I'd just end up coming back to you. You make me do that, Alexandria." Tuloy tuloy nitong sabi.  Pakiramdam ko tuloy totoong mawawalan na ako ng malay dahil sa mga naririnig ko sa kanya.

"Hindi mo alam kung gaano kahirap na magpanggap na wala akong pakealam sa tuwing nakakasalubong kita. Sa tuwing nakikita kong masaya ka sa iba. You don't know how much I want to steal you from Vonn and keep you to myself. Ang selfish ko pag dating sayo." He continued talking, not knowing that I'm listening to him..

I was.. flustered. I didn't know he felt that way. Hindi ko alam na ganun pala iyong side niya.

Nung narinig kong lumabas na muna siya ng kwarto ko ay minulat ko na ang mga mata ko. I stared at my ceiling for a few minutes.. still shocked with what I heard from Donny.

Ang gulo ng lahat para sakin. Ang gulo naming dalawa..

Nang makaramdam naman ako ng gutom ay bumaba na ako kahit na medyo masakit pa rin ang ulo ko. I carefully walked downstairs at pagbaba ko sa kitchen ay naabutan ko si Donny na nagluluto.

Tahimik akong naglakad palapit sakanya para tignan iyong niluluto niya pero nasagi ko iyong upuan kaya napatingin siya sakin. His eyes widened and he quickly approached me.

"Hey, bakit andito ka? You should've stayed upstairs. You're still sick, Alexandria. Baka lumala lang ang pakiramdam mo niyan." Panenermon niya na akala mo naman bahay niya ito.

"Okay ako," I said.

Hindi niya ako pinansin, sa halip ay inalalayan niya ako para maupo. "Wait until I'm done cooking, okay? You should eat and then take your meds." Sabi nito at saka siya bumalik doon sa niluluto niya. Sinundan ko lang siya ng tingin habang abalang abala siya sa ginagawa niya.

"Bakit ka nandito?" I managed to ask him.

"Kuya Aaron called me. May sakit ka daw at walang mag aalaga sayo. That's why I'm here." Paliwanag niya.

"Baka naiistorbo kita. Umuwi ka na pagkatapos mo diyan." I said. Nakakahiya naman kasi, baka hinahanap siya nung babae niya.

Naglagay siya nung soup na niluto niya sa bowl at saka niya sinerve saakin. "Tinutulak mo na naman ako palayo. "

He seriously said while looking straight to my eyes. His stares were deep.. parang nangungusap ang mga mata niya.

"Hindi mo naman ako respon--"

"Stop telling me that. I will do this because I want to do it for you." Donny seriously said. Binigyan niya ako ng kutsara, "Eat. Iinom ka pa ng gamot." He commanded.

Kahit nagugutom ay tinitigan ko lang siya. "Salamat, pero hindi ka ba hinahanap ng babae mo?" I asked.

His forehead creased, "Babae ko?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "May girlfriend ka, diba? Nag date pa nga kayo."

He grinned, "You're jealous of Regine." He stated.

I faked a laugh and rolled my eyes. "I'm not. Umuwi ka na nga sa girlfriend mo." I said and stood up. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Nung maglalakad na sana ako para umalis ay hinawakan ni Donny ang kamay ko. Humarap ako sa kanya at agad na binawi ang kamay ko.

"Ano?" I hissed.

"Regine is not my girlfriend." He clarified.

"Girlfriend mo man o hindi, wala akong pake." I firmly said. "Bakit ka pa ba nagparamdam ulit? Pagkatapos mong mawala ng ilang linggo, bigla ka nalang susulpot dito sa bahay ko na para bang walang nangyari?"

"Pag gumaling na ako, anong mangyayari? Aalis ka na naman? Hindi mo na naman ako papansinin na para bang hindi mo ako kilala?" Tanong ko sa kanya.

"Why are you now acting like you don't want me to stay away from you? Isn't that what you're good at? Ang itulak ako palayo. Dun ka magaling." Sagot nito.

"Ewan ko sayo. Wag mo na akong guluhin." I hissed. Aalis na sana ako ulit but he wouldn't let go of my hand.

"Let's talk." He said.

"Ayoko,"

"Alexandria, let's talk. We need to sort things-"

"Ayoko nga sabi. Wag mo na akong kausapin ngayon kung hindi mo rin naman paninindigan. Ang gulo gulo mo--"

"Gusto kita, Alexandria. Sobrang hirap bang makita nun?" Bigla nitong sabi. My lips parted and I froze.

"Sabagay. Pano mo nga naman makikita kung sa bawat paglapit ko sa'yo, wala kang ginagawa kundi ang itulak ako palayo?"

Love, A (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon