Princess
Pagkarating sa harap ng bahay namin ay bumaba ako agad ng motorcycle ni Donny. Sinubukan kong tanggalin yung helmet pero hindi ko alam kung paano kaya bumaba na rin si Donny at tinulungan akong tanggalin yun.
Nakangiti siya ng pilyo habang tinatanggal yung helmet niya na nakasuot saakin."Nag-enjoy ka namang yumakap saakin," pangaasar niya.
I rolled my eyes and faked a laugh, "Kapal talaga ng mukha mo, ano? Kung hindi lang delikado, di talaga ako kakapit sayo. Duh."
"Really? Eh ang higpit nga ng yakap mo, parang ayaw mo na akong pakawalan. Don't even deny it, Alex." He said while wiggling his brows. Badtrip.
"Feeler ka talaga kahit kailan. Umuwi ka na nga." Sabi ko sa kanya.
"Grabe, wala man lang bang 'thank you sa paghatid, Donny. Drive safely.'?" He asked.
Napairap na naman ako sa kawalan dahil sa kanya. Wala talagang time na hindi niya ako binubwisit.
"Hindi naman ako yung namilit na ihatid mo ako. Chupi." I said, trying to push him away pero ayaw niya talagang umalis.
"Sino bang teacher mo noong pre-school? Hindi ka ba tinuruan na ang thank you ay isang magic word?" Tanong niya ulit at napa-facepalm na talaga ako.
"Thank you. Ayan, ayos na ba? Uwi na nga." Pamimilit ko.
"Hmm.. teka, hindi mo man lang ba ako iiinvite sa loob para magkape? O kahit water lang, I'm good." Pangungulit pa rin ng mokong.
"Bakit ba ang kulit mo?!" I frustratedly asked. Pakiramdam ko pumuputok na naman yung mga ugat ko dahil sa inis. Para siyang bata na hindi masabihan. G R R R!
Tumawa naman siya ng nakakaloko. "You're cute. Kamukha mo si Kiwi pag galit." He said.
"Anong Kiwi?!" Inis kong sabi. Mukha ba akong prutas?
"My dog," he simply answered. Aba't ginawa pa akong aso!
We were in the middle of arguing at malapit ko na talaga siyang hambalusin nang biglang dumating yung kotse ni Kuya Aaron. Shocks! Hindi niya pwedeng maabutan si Donny!
"Umuwi ka na. Andito na yung kuya ko!" I nervously said to him habang tinutulak pa rin siya.
"You keep on pushing me away, Alex. Pwede bang pull me closer naman?" He said. Lord, bakit ba sobrang bwisit nitong nilalang na to?
Narinig ko iyong kalabog ng pinto ng kotse ng kuya ko at ang tunog ng car alarm, hudyat na nakababa na siya at naabutan na nga niya itong si Donny. Great!
"Oh, bunso, may bisita ka pala. Bakit hindi mo papasukin?" Gusto ko nang magpalamon sa lupa. Shemay naman. Buti wala pa si Kuya Axel!
"Ah, eh.. uuwi na rin kasi siya, diba diba?"
Pinanglakihan ko ng mata si Donny para sabihin niyang uuwi na talaga siya but he just flashed his playful smile.
"Good evening po," bati niya kay Kuya. Pakitang tao!! "Hindi pa naman po, si Alex lang ang gusto na akong pauwiin. She's so mean," pagsusumbong niya kay Kuya.
"Bunso naman. Is that how you properly treat a guest?" Tanong niya sa akin at napabusangot lang ako.
"Ano bang pangalan mo?" Kuya asked Donny.
"Donny po," he answered na akala mo ay isang anghel kung makasagot.
"Ohh. Tara sa loob, Donny." Pag-aaya nito at saka na naunang pumasok sa loob ng bahay.
Naiwan kami ni Donny and I almost smashed his face dahil sa inis ko but he just winked at me. Argh!!
--
Niyayang magdinner ni Kuya yung asungot na si Donny sa amin at ang walanghiya, pumayag naman. Sana talaga hindi muna dumating si Kuya Axel kundi mamamatay na talaga ako sa kahihiyan.
"So, Donny.. seryosong tanong. Are you courting my sister?" Halos maibuga ko yung iniinom kong juice dahil sa biglang tanong ni Kuya.
"Kuya!" I reacted. Halatang nagulat din si Donny but he just smiled widely.
"Hindi.. pa po. Alex and I are good friends but if this friendship leads to something more, then, why not, diba?" He calmly answered, almost as if he memorized every word he told my brother like an expert.
Good friends?! Ganito ba ang depinasyon niya ng good friends?!
Inapakan ko naman yung paa ni Donny sa ilalim ng lamesa, "Oww!" He reacted at pinangdilatan ko siya ng mata dahil sa sinasabi niya sa Kuya ko.
"Hmm. First time kasing magdala ng lalaki ni Alexandria dito. You must be special to her," Kuya said and gazed at me.
Special? Oo! Special siopao!
Tumingin din sakin si Donny at kumindat na naman. Napahawak ako ng madiin sa tinidor dahil gusto kong tinidurin siya dahil sa kakakindat.
"Kapal mo," I mouthed.
"Just take care of my baby sister, Donny. Prinsesa namin yan dito." Kuya uttered at nakita kong nagpigil ng tawa si Donny but he nodded.
"Yes po, I'll.. surely take care of Alexandria, and treat her like a princess that she is." Sagot nung mokong sabay ngiti sa akin. Bwisit!!!
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Подростковая литератураDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...