Kumapit Ka
"Ikaw ah, di ka na nagkekwento sakin." Nagtatampong sabi ni Valeen habang naglalakad kami sa may school grounds. 7pm na at kanina pa namin dismissal pero may ginawa pa kasi kaming presentation kaya ngayon pa lang kami uuwi.
"Ano namang ikekwento ko, aber?" I asked her. Wala naman kasi akong naaalalang dapat ko ikwento sa kanya eh.
"Na close pala kayo ni Pangilinan." She said.
"Pangilinan-- ah.. si Donny?" Tanong ko at nag nod naman siya.
"Oo. Pano kayo naging close nun? Eh hindi naman yun nag-eentertain ng mga babae. Gwapong gwapo lang siya sa sarili niya pero sa pagkakaalam ko, never pumatol yun sa mga nagkakandarapa sa kanya." She said.
"Anong close? Hindi naman kami close nun. Inaasar niya lang ako palagi." Dahilan ko sa kanya.
Tinignan naman ako ni Valeen- yung tingin na nangaasar. "Siya na ba si Mr. Right?" Sabi niya sabay tawa. Baliw talaga to.
"Sira. Alam mo namang iba yung gusto ko eh." I told her.
Naisip ko na naman tuloy si Dominic tsaka yung babaeng ka-holding hands niya nung isang araw..
"Si Dominic? Nako, sis. Taken na ang papi mo." Valeen said.
"Girlfriend niya ba talaga yung babaeng maganda saka maputi?" Tanong ko.
"Di ako sure.. pero lagi ko silang nakikita together eh. Anyways, don't be sad, alright? Malay mo, iba naman pala talaga yung icing sa ibabaw ng cupcake mo." She jokingly said at natawa naman ako sa kanya. "Oh sige na sis, nandiyan na si Gio eh. Babush!"
Nagmamadali rin siyang umalis dahil sinundo na siya nung boyfriend niya.
Naglakad naman ako papunta sa waiting shed sa harap ng school para maghintay ng masasakyang jeep. Medyo kaunti na lang ang dumadaang jeep dito lalo na kapag ganitong oras na. Papasok pa kasi yung school namin kaya kung wala talagang masakyan edi kailangan kong maglakad hanggang doon sa kanto.
Tinry kong magpasundo kay Kuya Axel pero sabi ng phone ko ay wala daw akong enough balance para makapagtext. Badtrip to ah.
I was fiddling with my phone nung may narinig akong tunog ng motor na palabas ng school. Pagtingin ko kung sino yun eh agad na tumaas ang kilay ko nung makita kong si Donny pala. He was wearing a jacket and a helmet while riding his motorcycle.
My forehead creased when he stopped in front of me. Tinanggal niya yung helmet niya and he fixed his hair.
"Bat nandito ka pa?" He asked.
"Obvious ba? Naghihintay ako ng jeep." I answered.
"Gabi na, dapat nakauwi ka na." Sabi niya na para bang siya yung tatay ko.
Nakakunot pa rin ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Naghihintay nga ako ng jeep, diba?" I said.
"Wala nang jeep dito kapag ganitong oras. Come on, I'll drive you home." He offered. Bumaba siya sa motor niya at lumapit sakin but I shook my head.
"Thanks, but no thanks. Maghihintay na lang ako ng jeep." I confidently said. Ayoko ngang umangkas sa kanya. Baka mamaya, kaskasero pa 'tong lalaking ito ag mapahamak pa ako. Who knows?
"Grabe, ako na nga yung nag-ooffer ng help. Kung ibang babae siguro yun, kinilig na sila." He said. Tignan mo, ang yabang talaga.
Bumalik siya sa motor niya pero hindi pa rin siya sumasakay.
"Sure kang ayaw mo, ha? Balita ko kasi may masamang taong nangunguha daw ng mga babae dito kapag ganitong oras eh. Pero don't worry, safe ka dun kasi magaganda lang yung kinukuha niya." He said.
Bigla ko namang naalala yung mga kwentong barbero tungkol sa mga multo daw dito malapit sa campus kaya tumaas bigla yung mga balahibo ko. Shocks, badtrip talaga tong Donny na to.
"Sige ha, una na ko--" Sasakay na dapat si Donny sa motor niya pero nagsalita ako agad dahil sa takot.
"Oo na, oo na! Pasabay na ako." I said. Bwisit. Natawa naman yung mokong sa reaksyon ko.
"Papayag ka rin pala eh," he said. Naglakad ako palapit sa kanya. He removed his jacket at inabot niya sakin yun.
"Para san naman to?" Tanong ko. Di ko naman kailangan ng jacket.
"Dami mong tanong. Pasalamat ka nga nag-ccare pa ako." Pasuplado niyang sabi. I just rolled my eyes at him.
Tinanggal niya rin yung helmet niya at saka niya isinuot sakin.
"Hoy, di ba dapat sayo to? Ikaw yung driver." Sabi ko sa kanya.
"You complain too much, Alex. Pinapasuot ko lang sayo kasi baka sabihin mo gentledog ako kapag ako lang yung naka helmet." He muttered as he patted my head.
Sumakay na siya sa motor at sumunod naman ako.
"Kapit," he instructed.
"Di na, okay lang ako." Pagtanggi ko.
"You really never listen." He said at nagulat ako nung bigla niyang pinaharurot yung motor niya kaya napakapit talaga ako sa bewang niya ng mahigpit!
"Hoy, siraulo ka! Kapag ako namatay, lagot ka sa mga kuya ko!" I screamed. Narinig ko namang tumawa ang siraulong si Donny.
"Sabi ko sa'yo kumapit ka eh, kasi kapag hindi, baka pareho lang tayong mahulog niyan."
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Подростковая литератураDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...