Worth
My mind was all over. Sobrang inis ako dahil sa pinaggagawa ni Donny kagabi sa bahay namin at sobrang inis din ako dahil sa pinagsasabi ni Kuya Aaron sa kanya at higit sa lahat, inis na inis ako dahil kinwento ni Kuya Aaron kay Kuya Axel yung nangyari kaya hindi nila ako tinigilang asarin mula kagabi.
Gusto ko na ngang sabunutan at iuntog sa pader yung sarili ko dahil sa sobrang bwisit. At kung pwede ko lang sakalin si Donny, ginawa ko na!
Huminga ako ng malalim para kalmahin yung sarili ko. Binuksan ko yung locker ko para ilagay doon yung mga libro ko. I was fixing my things nang biglang may kumausap sa akin.
"Hey," sabi ng pamilyar na boses.
Pagsara ko ng locker para tignan iyong nagsalita ay para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin si Dominic.
May hawak siyang isang piraso ng rosas inaabot niya ito sa akin.
Nagpanic ang buong pagkatao ko dahil doon. My lips parted and I didn't know what to say. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Nakatitig lang ako sa kanya at parang na slow mo ang lahat.
Binibigyan niya ako ng rosas? Ito na ba yun? Gusto niya rin ba ako? Shocks!
Nabalik ako sa realidad when he snapped his fingers to catch my attention. "Sorry for bothering but can I ask you a favor?" Sabi niya.
I blinked several times and nodded. "A-anong favor?"
Dominic smiled at pakiramdam ko natunaw yung puso ko dahil sa ngiti niya.
"Can you help me with my surprise? Simple lang naman, just give this rose to Rhian."
Oh..
Aray, ha?
"A-ah?" Iyon na lang ang nasabi ko at napatitig ako sa rosas na inabot niya sa akin. Is he damn serious?
He smiled widely, "Please? Thank you ah." Sabi nito at saka siya umalis para bigyan rin ng rosas yung iba pang nasa hallway.
I couldn't move. Para akong tanga na nakatayo lang doon at hindi maproseso yung gusto niyang ipagawa saakin.
I was startled nung mayroong biglang humablot nung rosas sa kamay ko.
"Are you that dumb?" Nilingon ko iyong nagsalita and it was Donny. His forehead was creased and he looked really annoyed. "Will you really give this damn rose to Rhian?" He asked.
Hindi ko siya sinagot.
Donny heaved out a sigh and held my hand. Hinila niya ako palayo doon at wala akong lakas para pigilan siya.
"Alex, why did you even accept it?" Donny asked me.
"K-kasi.. kasi binigay niya sakin." I mumbled. Oo na, okay? Akala ko kasi.. akala ko..
Huminga siya nang malalim at tinignan ako. "It wasn't for you. It was for Rhian." He pointed out.
Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang yung pagpatak ng luha ko. Pinunasan ko iyon agad dahil ayokong umiyak sa harap ni Donny.
I was wiping my own tears when Donny held my wrist and pulled me in a hug. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. I felt his manly chest on my body, and as much as I want to push him away, there was something about it that puts me at ease.
It was a tight hug.. na para bang cinocomfort niya ako.
"Stop being so dumb about him, Alex. You're making me angry." He whispered, still not letting me go.
Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya sa kanya. I shouldn't break down now. Not now, not in front of him.
"B-bitawan mo nga ako.." I uttered pero hindi siya nakinig.
"You can rant all you want. Makikinig lang ako." He said. Dahil doon ay mas lalo akong naiyak. I hate him for making me cry!
I tried hard to suppress my sobs. "Bwisit ka. Bwisit kayong lahat. Bwisit na pag-ibig. Ngayon lang ako nagkagusto.. pero bakit nasasaktan pa ako ng ganito?" I cried.
Nakayakap pa rin sa akin si Donny habang sinusuntok ko siya sa dibdib dahil sa frustration na nararamdaman ko.
"Dahil ba parang lalaki ako manamit at kumilos? Dahil ba hindi maayos ang buhok ko? Dahil ba hindi ako marunong mag make up kaya hindi niya ako magustuhan? Dahil ba panget ako at hindi ako kasing ganda ni Rhian?" Sunod sunod kong tanong habang parang tangang umiiyak.
I feel pathetic. Never in my life did I ever think I'd feel this shitty over someone.
Humiwalay sa yakap si Donny at saka niya inayos ang sumblero ko at pinunasan ang luha ko.
He looked at me intently for a couple of seconds, as if trying to read my eyes, my thoughts, my soul. "Oo, para kang lalaki manamit. Para kang lalaki kumilos. Oo, magulo ang buhok mo. Oo, hindi ka marunong mag make up kagaya ng ibang babae. At oo, Alex. Panget ka. Lalo na kapag umiiyak."
Parang gusto ko tuloy siyang suntukin dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga napakabwisit!
"I'm kidding," pambawi niya. Psh! "Siguro nga iba ka.. but that's what makes you stand out. Siguro nga hindi ka kasing ganda ni Rhian o kung sino man.. pero hindi ibig sabihin non ay hindi ka na kagusto gusto, Alexandria."
Nakatitig lang din ako sa kanya, trying to absorb everything he has to say. Trying to convince myself that what he is saying is true.
"It just takes a right man to see your worth. Hindi mo lang alam, pero baka nandiyan na pala siya.. hindi mo nga lang napapansin kasi hindi ka naman nakatingin..."
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Genç KurguDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...