Please vote and comment your reactions para mas ma-inspire akong mag update. Thanks guys!
-
SmileDalawang linggo. Dalawang linggo na ang nagdaan na walang paramdam saakin si Donny. Walang text, chat o kahit ano.
Wala nang nangungulit at lalong wala nang nambubwisit sakin. Sobrang dalang ko na lang siyang makita o makasalubong sa school, at kung nagkakataon pa, hindi niya lang rin ako pinapansin.
At aaminin ko, nakakapanibago pala. Hindi ako sanay sa ganitong set-up. Parang laging may mali, may kulang. Ang bigat sa loob, lalo na dahil partly, alam kong kasalanan ko.
Akala ko nga dati, mas maganda kung tatantanan na niya ako. Pero bakit ngayon tinigilan na niya, parang hinahanap-hanap ko pa?
"Alex! Kain tayo?" Natigil ako sa pagmumuni muni nang kausapin ako ni Vonn. Kakatapos lang ng class namin ngayong araw.
"Ha? Ah ehh.. may gagawin pa kasi ako." Sabi ko sa kanya kahit na wala naman talaga. Hindi ko lang talaga feel kumain ngayon.
Vonn slightly frowned, "Sige na, please? It's my birthday. Kaso wala akong kasama." He said.
Na-guilty naman ako bigla dahil sa sinabi niya. Nakita ko rin kasi yung lungkot sa mata niya habang nakatingin siya sakin.. "Hala, ganun ba? Hindi mo naman ako ininform. Happy birthday, Vonn." I greeted him.
He smiled and messed my hair. "Thank you. So, payag ka na?" He asked.
Tumango na lang ako dahil ayoko namang i-celebrate niya mag-isa yung birthday niya.. hindi kaya masaya kapag ganun.
Pumunta kami ni Vonn sa isang Restaurant. He's actually fun to be with. Siya yung tipo na hindi nauubusan ng kwento at jokes kaya naman hindi ako masyadong naging awkward around him.
Pagdating sa Restaurant ay si Vonn na ang umorder para sa aming dalawa. Habang naghihintay kami ay nagpunta siya saglit sa Comfort Room at naiwan akong mag-isa. I fiddled with my phone for a while habang hinihintay siyang bumalik pero napatingin ako sa harapan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
My heart immediately reacted to the voice. Ang bilis ng tibok ng puso ko at biglang nanlamig ang mga palad ko.
At hindi ako nagkamali. Kakapasok lang ni Donny sa Restaurant na kinaroroonan ko.. and he wasn't alone.
Kasama niya yung babaeng nakita kong kasama niya rin noon sa library.
Parang may kung anong kumurot sa puso ko. At mas lalong lumala iyon nang magtama ang mga tingin ni Donny.. and I saw how cold his eyes were. Agad niyang iniwas ang tingin niya saakin na para bang hindi niya ako nakita at saka niya inalalayan iyong kasama niya.
"Hey, okay ka lang?" Dahil sa kakatingin ko kay Donny ay hindi ko napansin na nakabalik na pala si Vonn. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango.
Pinilit kong huwag nang isipin o kahit sulyapan man lang si Donny. Mukha naman siyang masaya na sa kasama niya eh.. hindi na dapat ako nakakaramdam ng ganito. Kasi mas mabuti nga ito dahil tinantanan niya na ako.
Nang dumating yung pagkain ay saglit kong kinantahan ng birthday song si Vonn at pagkatapos ay kumain na kami.
Habang kumakain ay inaliw pa rin ako ni Vonn sa random niyang mga kwento at jokes. I'm actually thankful dahil kahit tensyonado ako ay napapagaan niya kahit papaano yung pakiramdam ko.
"Ang ganda mo pala, lalo na kapag nakatawa." Vonn said out of the blue. Hindi ko alam ang irerespond ko so I just made a face.
"Bolero ka rin eh." I said.
Nauhaw ako kaya't sinalinan ko ng juice iyong baso ko.. habang nagsasalin ay napapasulyap ako sa table nila Donny at saktong nakita ko na pinunasan nung babae iyong gilid ng labi ni Donny.
"Ay, shocks!" I reacted noong narealize kong umapaw na pala sa baso ko iyong juice at natapon ito sa damit ko.
Agad naman akong inabutan ng table napkin ni Vonn para punasan iyong damit ko. "You spaced out." Sabi nito.
"Yeah.. sorry." I mumbled.
"I have a spare shirt in my car. Hiramin mo muna." Vonn said. Nung una ay nag decline ako pero pinilit niya parin kaya pumayag na rin ako. Vonn went out to get his shirt at naiwan na naman ako.. habang nakaupo ako mag-isa ay rinig na rinig ko ang tawanan at biruan nila Donny at nung kasama niya. Kung masaya siya diyan, edi mabuti..
Pagbalik ni Vonn ay nagpalit na ako ng damit niya. It was oversized pero okay na rin. After nun ay umalis na kami ng Restaurant.. and for the last time, I glanced at Donny and I was surprised to see him looking at me, too. Pero gaya kanina, agad niyang iniwas ang malamig niyang mga mata.
-
Pag uwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Nakatitig lang ako sa kisame at iniisip kung ano na bang nangyari sa buhay ko. Iniisip ko kung bakit ko ba nararamdaman itong nakakairitang damdamin na nararamdaman ko.
"Hay, life. Okay ka naman dati ah? Pero bakit parang sobrang komplikado na ngayon?" I mumbled.
Nakita ko naman sa kama ko si Donski.. iyong Siberian Husky stuffed toy na bigay sakin ni Donny. Kinuha ko ito at tinitigan.
"Nakakainis yung amo mo." Sabi ko sa inosenteng stuffed toy na ito. "Hindi ko alam kung bakit, pero nakakainis siya. Kung maka asta, akala mo naman hindi niya ako kilala. Psh." I bitterly said.
Habang kausap ko yung stuffed toy ay tumunog naman yung phone ko at pagtingin ko, nag chat na naman sakin si Valeen. Nagsend na naman siya ng screenshot.. screenshot ng facebook status ni Donny.
Donny Pangilinan
I love it when you smile.. but I hate it when you smile because of someone else.
BINABASA MO ANG
Love, A (Short Story)
Novela JuvenilDear D, Ang tagal na kitang pinagmamasdan palagi mula sa malayo.. pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Gusto kita. Gustong gusto kita. Masyado akong duwag para aminin sayo ito ng harap hara...