Concern
--------------♡"Hoy Hailey ang tagal mo gutom na kami ni Cleo!"
"Beh pwedeng mauna na kami? May tummy is aching na eh!"- reklamo nung dalawa sa may labas ng bintana. Hindi ba nila nakikita hirap na hirap akong sagutan tong short quiz daw kuno pero ang haba na ng oras na ginugol ko wala pa ring nangyayari kaya't sinenyasan ko yung dalawa na--
"Sige mauna kayo di ko kayo iimikan magdamag -look!"
Sa ngayong dadalawa na lang kami ni Tino ang nagsasagot.
Napatingin ako sa papel niya, hindi ako mangungopya noh para kumukuha lang ng idea eh!
What?! Ang linis grabe blangkong- blangko maliban sa problem at sa mga patak ng tubig.
S-sandali! Umiiyak ba siya? Ang bading talaga!
Naawa na ako at inabutan siya ng panyo at dahan-dahan niyang kinuha na parang may pag-aalinlangan pa sabay talikod.
Sus nahiya pa sabay singa.
Yuck! Walang hiya di ko na babawiin yan promise.
"Ms. Acosta, are you done?" napatingin ako kay Ma'am.
Maya-maya pa tumayo na rin si Tino at binulungan ako ng goodluck. Tapos na siya nun? Ang galing
"Hayy after how many years natapos ka rin!"si Cleo yan na kala mo nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Dahil naghintay lang naman kami ng pagkatagal- tagal Hailey libre mo kami huh!"hirit naman nitong si Sky
"Oo na!"
"Yes!"at ayon nagtatatalon sa tuwa yung dalawa.
"Basta tig-bente lang kayo huh!"
"Ay! Ang kuripot mo!" Nagsalita ang magaling na bata ,ni peso nga di ako malibre nito,mas gumagastos pa sa mga crush niya kesa samin. Cleo talaga!
-------------------
Pagkarating namin ng cafeteria nakahanap agad kami ng pwesto."Hailey ipipila ka na namin bantayin mo tong pwesto natin huh!" bilin sakin ni Sky.
"Ano bang gustong mong ipabili?"
Si Cleo naman."Sandwich, spaghetti at tubig na lang."
"Wala ka nang ibang order?"
"Pwedeng huwag na yung spaghetti, sandwich na lang pala!
Sige na punta na kayo dun. Tingnan niyo humahaba na yung pila."Pagkaalis ng dalawa ay agad kong kinuha ang maliit na salamin sa bag ko. Tumataba na ba ako? Baka kapag di ako nagdiet, ay tuluyan nang pumutok tong pisngi ko at ayokong maging sumabog na Hailey.
Nang makabalik na sika agad kong naisuksok yung salamin sa bag ko.
"Hailey eto lang yung order mo, tsaka yung sukli mo."
LANG Talaga. Andami kasi ng inorder nila.
"Thank you!"
"Hailey diet ka ka ba?"
"Hindi naman pero kasi... Cleo, mabigat ba talaga ako?" sabay subo ko nung sandwich
Sabay hagikhik nilang dalawa. Seryoso kaya ako dun.
"Uhmm... di ko alam."
"Uhmm? Bakit di mo alam? Di ba kayo ang nagdala sakin sa clinic kahapon."
"Oppps sorry, hindi kami ang nagdala sayo Hailey!"
"Naniwala ka naman kasi agad kay Martino eh."
"At wala ni isa sa kaklase natin."
"Paano ba naman? Nung nahimatay ka nataranta ang lahat. Lalo na si Bernadette! Syempre kargo ka niya kapag may nangyaring masama sayo!"
"Pero alam mo ba, dumating si Kuya Francis!"
Ano? Siya ulit?
"Siya yung nagbuhat sakin?"
"Pwede bang mamaya ka na magtanong, makinig ka muna sa kwento namin?" gigil na saad ni Cleo, with matching irap pa yan.
"Alam mo yung unang pagtulong niya sayo, iisipin kong coincidence lang ang lahat pero hindi,may pangalawa pa. Sure akong crush ka nun Hailey!"
Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sky
Ako crush ni Kuya Francis?
"Pero di siya ang nagbuhat sayo"
Sa halip na makapagreact, napapangiwi na lang ako.
Ang gulo nila magkwento!"Nagsabi siya samin na siya na lang daw ang magdadala sayo sa clinic!"
Oh ganun naman pala eh paanong di naging siya!" Napapaisip tuloy ako.
"Pero nagulat na lang kaming lahat nang may humawi ng kamay nito at biglang sumulpot out of no where ang isang mas gwapong nilalang! He looked so worried sayo at binuhat ka niya in a bridal style! Yiehhhhh"
At may patirik-tirik pa ng mata tong si Cleo. Adik lang!Pero sino naman yun? Wala naman akong ibang kaclose na lalaki dito sa school maliban kay Cleo at sa mga classmates ko.
"Oo nakakainis ka Hailey. Lapitin ka talaga ng gwapo!"
"Kung alam ko alam ko lang na siya yung magvovolunteer na magbuhat sayo, nagpatama rin sana ako sa bola. Sayang!"
Ano ba tong sinasabi ni Sky?
"Gusto mong makilala?"
At napatango nalang din ako.
"Shhh Cleo, di ba bawal sabihin!"
" Ano ka ba? Malalaman niya rin naman eh."
"Mamaya ituturo namin sayo!"
"Oh, wait di ba siya yun?"
"Oh! Ayan na pala yung day-and shining armor mo eh!"
"Saan?"
"Tumingin ka sa pintuan beh! Ayun oh yung matangkad na gwapo!"
"Si Kuyang Vice Chair ng CSC!"
Bago pa man maprocess ng utak ko ang tinutukoy nitong dalawa. Halos manlaglag ang panga ko nang makita kung sino ang nasa bungad ngayon ng cafeteria. Ang puso ko ay tuluyan nang nagharumentado.
Nananaginip ba ako?
Imposible!
Yan may concern sakin?
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Teen FictionAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush