Chapter 28

122 4 0
                                    

Induction
--------------♡

Maya-maya pa may lumapit saming lalaki na nakamaskara nang nakakatakot.

Mukha siyang monster.

"Pwede ba kitang isayaw?" Tanong niya samin kaya siniko ko si Sky.

"Uy Sky sayaw daw kayo!" Saad ko kay Sky na hindi parin tapos lantakan yung ice-cream.

"No not her! I want you!"

Enedew?

Sabay turo ko sa sarili ko!

"Yes you!" Pangungumpirma niya samin.

"Ah ano, masakit po yung paa ko!" Pagdadahilan ko pa, please kuya huwag ako nakakatakot ka kaya.

"A-ako na lang po!" Pagpepresenta ni Sky.

"Sige huwag na lang!" Saad nung lalaki at basta na lang umalis sa harap namin, kaya nakaginhawa ako ng maluwag.

Humarap sakin si Sky, yung tipong iiyak na.

"Hailey, pangit ba ako?Kapalit-palit ba ako? Then wh-- Di na niya naituloy yung sasabihin niya kasi agad ko nang naitapal sa bibig niya yung tissue.

"Punasan mo yang chocolate na kumalat sa bibig mo, naturn off tuloy si Kuya sayo!" Saad ko, mukha na kasi siyang White lady na nakakain ng ano, basta yun na yun.

Napansin ko rin na kanina pa pala nag-uumpisa ang mga lalaki na isayaw ang mga babae.

Kahit mukha silang nakakatakot ang sweet parin nilang tingnan.

Now playing~
Minamahal by Sarah G.

[Ohhhh! (4x)
Naalala mo pa ba
Nung tayong dalawa'y magkaibigan palang
Akalain mo nga naman aabot tayo sa araw na ito
Tumingin sa aking mga mata
At dinggin ang nais isumpa

"Uy ang sweet nila noh!"

"Alam mo bagay na bagay talaga sila!"

"Swerte talaga ni Hillary!"

"Swerte din naman si Kensui eh!"

S-sandali pangalan yun ng asawa ko ah!

Kaya napadako ang atensyon ko kung saan sila nakatingin.

Oo nga di ako nagkamali.

dO_ob

Si Hillary at si Kensui na nagsasayaw sa gitna.

(Chorus)
Ako ay iyong magpakailanman
Ika'y minamahal ng puso kong ligaw
Walang sinisigaw kundi ikaw
Ikaw ay aking walang katapusan
Pinapangako na mamahalin kita
Hanggang sumapit ang huling umaga

Namalayan ko na lang na naglalakad na pala ako papalapit sa kanila.

"Hailey!"

"Uy huwag mokong iwan dito!"

Makakalapit na sana ako at kunting-kunti na lang--

"Excuse me! Excuse!" Sigaw nung bakla na di ko kilala.

"Picturan niyo dali!" Irit nung mga di ko kilalang mga babae.

Hanggang sa natabig ako ng isa sa kanila dahilan para ako'y madapa . Wala man lang pumansin sakin para akayin akong itayo.

Lahat ng atensyon nila ay na kay Kensui at Hillary na.

Tatayo na sana ako nang may umapak sa suot kong pakpak dahilan para muli na naman akong madapa.

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon