Bola
-------------------♡"Oy Acosta pasok ka na,ikaw na lang ang hindi pa naglalaro!"- tawag sakin ni Bernadette, yung isa sa mga high school varsity players ng volleyball at siya ngayon ang nagpa-facilitate wala kasi si Sir na mabait at maunawain.
P. E namin ngayon at nandito kami sa open field ng school. Pwede namang sa gym na lang para kami-kami lang at di masyadong nakakapressure.
Pero tong mga kaklase ko kasi lalo na yung mga babae ni-request nila na dito na lang. Sus alam ko naman! Gusto lang nilang magpacute at magpapansin sa mga college students na nakatambay sa mga benches.
Katapat lang kasi nito ang Education Department at sa tabi naman ang I.T building. In short maaaring makita ako ni Kensui mula dito. Atleast di niya masasabing nagka-cutting class ako.
"Sige bahala ka wala kang grade ngayon!"
Kainis naman tong Bernadette oh, kailangan niya pa ba akong pagbantaan? Eh takot nga ako sa bola eh.
Naalala ko last time lang muntik na akong matamaan sa ulo buti naiharang ko yung braso ko. Pero ngayon no choice kaya't pumasok na ako sa court.
"Go Hailey!"
Cheer sakin ni Sky at Cleo. Buti nalang talaga may mga kaibigan akong gaya nila.
"Mine!"
"Mine!"
Linya ng mga madadamot sa bola. Edi inyo na!
Maya-maya pa puro ilag na lang yung ginagawa ko hanggang sa-
*Blaggg*
Sa lahat ba naman ng tatamaan, bakit ako pa?
Owwwwww! Rinig kung hiyawin ng mga estudyante sa di kalayuan. Mga college yun na wala yatang klase. Nakakahiya ka Hailey!
"Si Hailey natamaan sa mukha ha ha ha!"
Ang sama ng mga kaklase ko di ba!
"Okay ka lang?"- si Sky yan
"Hailey beh, sinabing umiwas ka sa bola eh! "Cleo
Halos mandilim yung paningin ko .
"Uy alalayan niyo yan baka matumba!" Sabi nung isa at dinala nila ako sa may bench para paupuin.
"H-hailey du-dumudugo yang ilong mo!"- natatarantang saad ni Cleo kaya naman napahawak ako sa ilong ko.
"D-dugo?! Hwahhhhh*sob*sob*hwahh Mommyyyyyy!!"
Iyak na ako nang iyak dito.
Katapusan ko na ba?
"Sinong gumawa nito sa Mylabs ko?"
"Oh Martino kala ko absent ka!"
"Sagutin niyo muna ang tanong ko. Sinong gumawa nito sa kanya?"
"Si Bernadette!"
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Ficção AdolescenteAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush