Locked
-----------------♡Hay! Sa wakas natapos na rin ang nakakapagod na araw!
"Mga beh una na ko huh!" Paalam samin ni Cleo.
"Ah sige bye!"- sabay wave namin ni Sky ng kamay.
"Ah Hailey mauna na ko sayo ha kailangan ko pa kasing magprepare para sa family dinner party namin sa bahay baka gusto mong sumama?"
"Naku Sky hindi na for family nga diba enjoy ka na lang!"
"Family na kita noh, we're friends!"sabay akbay nito sakin.
"Oo na sige! Sige! Ba-bye!"
"Ingat ka huh!"
Bilin niya sakin bago siya tuluyang naglaho sa paningin ko.Biruin mo, nakasurvive ako ngayong araw na to, ng walang gasgas. Everything is perfect except nalang dun sa nasaksihan ko sa cafeteria.
>>_____<<
Medyo late na kami pinalabas kaya kailangan ko nang magmadali.Kaya lang...
Aish! Wrong timing naman oh! Ngayon pa ako naihi!
Sigurado akong naisara na ni Sky yung classroom.
Paano ako magc- cr ngayon ayoko ngang abutan sa bus! Ang tanda -tanda ko na oh.
Wait lang pagkakaalam ko may public CR naman dito eh dun na lang.
Pagpasok ko, agad na akong pumasok sa isang cubicle.
Wushuuu! suc- cesss!
*Plasssshhhh*
BLAGG!!
Sandali parang may nalock na pinto!
Hindi naman yun dito diba?
Sandali nga buksan ko na nga yung pinto.
O___________O
Lagot na!Di naman to nakalock kanina eh!
Nagloloko siguro tong pinto ?
Pero hindi toh magandang biro!
H- hala!
"Hellooooo! May tao ba diyan?"
"Tulong!"
"Nakalock yung pinto. Pabukas naman!"
" B- buksan niyo to pleaseeeeeee!"
Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng pisngi ko.
Kasi naman,trippings na naman ba ito? Di na nakakatuwa!
Napasandal na lang ako sa pinto.
"Huk, buksan niyo to huk! Ano bang kasalanan ko?" At tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Pero kailangan kung magbakasakali kailangan makalabas ako rito. Nanginginig na kinuha ko ang cellphone sa bag ko para i-text si Kensui.
"Dapat lang! I don't like any baggage!"
Naalala ko na naman yung sinabi niya kahapon. Ayokong maging pabigat sa kanya, ayokong abalahin siya at higit sa lahat, ayokong magalit siya sakin.
Hindi! Hindi si Kensui! Si Manang na lang.
[Manang si Hailey po ito hindi po ako makauwi. Nakulong po ako sa CR dito sa school.]
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Novela JuvenilAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush