Chapter 25

127 6 0
                                    

Saranghae
---------------♡

Agad na nag-akyatang ang mga dugo ko sa ulo.

Sino ba siya? Anong karapatan niyang gawin yun sa asawa ko?

Kawawa naman si Kensui!

Ano ba naman kasing laban niya eh ang payat niya kumpara dun sa lalaki?

Hindi ako papayag! Bibigyan ko ng hustisya ang ginawa niya!

"Ahhh!Ahh!"
Daing niya habang hinahampas-hampas ko sa kanya yung bag ko pero agad din niyang naagaw sakin iyon sabay bagsak nito sa sahig.

"SHEMAYYYY ANDUN YUNG CELLPHONE KO!!"

Lagot na kapag nasira yun, paano na yung pinaghirapan kung level sa Candy Crush! No no no no!

Akmang susugurin ko na ulit yung lalaki nang biglang nagpreno yung bus.

"BABA!!" Maawtoridad na sigaw nung driver ng bus.

***
Sa wakas nakahinga rin ako nang maluwag habang tinatanaw yung lalaki na pinababa nung driver kanina.

Kaya lang iniisip ko parin ang mga huling katagang sinabi nito.

"Ikaw! Ikaw!"
Sabay turo niya saming dalawa ni Kensui.

"Di pa tayo tapos!"

Huhu! Nakakatakot siya super!

Kakalipas lang ng mga pangyayari, sa wakas magkakatabi na ulit kaming tatlo bali napapagitnaan ulit namin si Kensui.

"M-may d-dugo ka"
Akmang pupunasan ko na ng panyo ko yung kabilang labi ni Kensui pero hinawi lang niya yung kamay ko.

"Gusto ko lang naman makatulong!" Reklamo ko dito.

"Kung gusto mong makatulong manahimik ka na lang diyan!" Sermon niya sakin.

"Oo na, magbebehave na nga oh!

*pout*

"Ayos lang ba yang braso mo?" Tanong niya dun kay Miss Hillary.

"Medyo masakit ng kaunti pero okay lang ako!"

"Are you sure?"

"Uy hindi na talaga, OA mo masyado Ken."

"No dadaan tayo sa clinic!" Matigas na saad ni Kensui.

Edi wow siya nang walang pakialam sakin.

Naiiyak ako!

Masakit din kaya yung tama nung apple sa ulo ko noh.

Bumaba kami sa malapit na clinic para ipatingin yung braso ni Hillary.

Tapos nun nagpaiwan na siya kaya kami na lang ulit ni Kensui ang magkasama.

Sa wakas masosolo ko na ulit ang Kensui ko.

Kaya pala hindi kami bumaba sa bahay kanina kasi dadaan pa pala kami sa isang minimart para bumili ng pagkain.

Sa ngayon, sunod lang ako nang sunod sa pushcart niyang tulak-tulak habang pasimple ko itong nilalagyan ng matipuhan kong kainin kaso ibinabalik din niya sa estante.

Hindi na lang ako nakapagreklamo kahit parang ang sama sa loob ko na hindi makain yung gusto ko.

TT^TT
Yung Cadbury ko!! Huhuhu!

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon