Chapter 12

212 16 0
                                    

Suspicion
----------♡

Hailey
Ngayon ko lang narealize na ang hirap palang magpamiss sa taong di ka naman talaga namimiss. Hayyy!

Napagdesisyunan ko nang umuwi na ulit sa bahay nila Kensui. Isa pa, umalis na naman ulit si Mommy para sa business niya kaya wala akong kasama sa rest house kundi mga katulong lang. Lungkot-lungkotan na na naman ako.

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Manang na nagluluto sa kusina. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at tinakpan yung mga mata niya.

"Hailey ikaw ba yan?"

"Hindi po si Kensui po ito!" Nilakihan ko yung boses ko.

"Hailey buti naisipan mo ng umuwi!"Agad kong inalis yung kamay ko. Akala ko magagaya ko si Kensui.

"Alam mo bang miss na miss ka namin dito!"

"Pati po ba si Kensui namiss rin ako?"

"Oo,alam mo ba nung wala ka ayun laging nasa galaan hindi makapagpirme dito sa bahay!" Paliwanag sakin ni Manang.

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Sabi ko na nga bang namimiss din ako ng mokong na yun eh.

"Manang gusto niyo po tulungan ko kayo dyan!"Nakita ko kasi siyang nagluluto ng fried chicken eh.

"Ayos ka lang iha? Baka napapano ka--

"Okay lang po ako gusto ko lang po kayong tulungan!" Saad ko rito.

"O sige dyan ka muna huh at itetext ko lang si Kensui na nakauwi ka na!"

"Okay po!"

Sa wakas umalis na si Manang. It's experiment time!

Maya-maya pa...

Hailey anong nangyari?!

Ang exagge naman ni Manang! Para nasunog lang eh.

"Amoy po ba? Hehe! Ahh kasi po nasobrahan sa apoy yung niluluto ko."

"Sandali Hailey pakipatay muna yung apoy!

"Paano po ba?" First time ko kaya toh.

"Ako na nga riyan at para mabilis tayo." Agad niyang hinango ito tsaka tinabi ang kawali.

"Ahh..Manang pwede pa po yan siguro noh?"

"Huwag na ating kainin yan baka sumakit pa ang ating tiyan!"

"Sayang gusto ko pa naman ngayon ng fried chicken!!"

"Ah, alam ko na order na lang po tayo!"

"O siya bahala ka iha!"

At ganun na nga nagorder ako ng chicken joy sa Jollibee.

"Manang, may favor po sana ako!!

"Ano yun?"

"Pwede bang atin- atin na lang to?--

"Ahh! Yung nangyari sa manok!"

"Opo! Please! Manang huwag mo po akong isusumbong kay Kensui!"

"Hayyy! Ito talagang batang toh, oo naman!"

"Thank you Manang!"

*Dingdong* Dingdong*

"Oh baka andyan na po ang delivery? Ako na po magbubukas!"

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon