Date
-------♡
Sa canteen..."Hi Mylabs!"
"Anong kailangan mo?"
Walang gana kong tugon habang umiinom ng Yakult. Boses palang alam ko nang si Tino yun."Mylabs date naman tayo oh!"
O_____________O
Halos maibuga ko yung iiniinom ko kaya lang ayokong maging OA.
"Tino! Iniisip mo ba yang sinasabi mo?!"
"Oo matagal ko na tong pinag-isipan!"
"Excuse me huh! Ang date ginagawa lang yung ng mga magjowa! Ano ba kita?"
"Boyfriend mo!"
Ako-----> O_O *Nganga*
"Ang kapal mo huh at kailan naman kita sinagot?"
Ngayon naibuga ko na sa mukha niya yung Yakult kaya kinuha ko na yung panyo ko at pinunas sa mukha niya. Siya kasi eh.
Namalayan ko na lang hawak na niya yung kamay ko.
Ewwww!
"Baka ngayon palang he he!"
>>__<<
Agad naman akong kinilabutan."UY!May nabubuong love team!"
"Sagutin mo na Hailey!", pang-uulit sakin nung ibang mga kaklase ko.
Ewww!
"Mylabs narinig mo yun,sagutin mo na daw ako!"
Maya-maya pa dumating narin sina Sky at Cleo dala-dala yung pagkain nila pati na rin yung pinabibili ko.
Ako kasi ang ginagawa nilang tagabantay ng upuan nila eh.
"Tantanan mo ako Tino sasabunutan na talaga kita!"
"Hoy Tino,paano ka sasagutin ni Hailey hindi mo pa siya nililigawan?", pagtataray sa kanya ni Sky sabay lapag ng binili nito.
"Anong hindi? Araw-araw ko kayang nililigawan si Hailey!"
"Excuse me! Manliligaw nang tawag yung daldalin at kulitin ako maghapon!", sumbat ko sa kanya
"H-hindi kaya nga kung hindi ka pa naman ready na sagutin ako. Okay lang sakin pero kung okay lang sayo magdate naman tayo. Last request ko na talaga toh at kapag hindi nagwork hindi nakita kukulitin promise!", sabay aktong nanunumpa. Kita ko ang biglang pagbagsak ng balikat niya.
Ngayon ko lang nakita ang lungkot sa mga mata niya. Seryoso talaga siya,naawa tuloy ako.
"Sige na Hailey pagbigyan mo na tong si Tino!",saad ni Cleo.
"Ahmm...Pag-iisipan ko!" , nakita kong nabuhayan siya sa sinabi ko at nagtatatalon sa canteen.
Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Fiksi RemajaAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush