Chapter 20

127 3 0
                                    

Sweet
---------♡

Hailey

"Nakakainis! Sobrang nakakahiya talaga!

Bakit kasi pumunta pa siya rito eh?

Eh di ba gusto mo rin naman!

*Aishhh*

Tumigil ka kabilang utak!

Pero naisip ko lang, bakit ako mahihiya sa kanya?

Siya nga nakita ko na ng nakatopless eh samantalang kaninang nakita niya ako meron pa akong suot nun.

Kaya lang-

Wahhhhhh!!

Gusto ko nang kainin ng lupa yung tabon hanggang mukha!

Bakit kasi nagsuot ako ng kulay violet?

Kitang-kita tuloy !

Hindi! Kalma lang Hailey! Kalma lang!

*Hingang Malalim*

Dapat lang na harapin ko siya na parang walang nangyari. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa may balkunahe. Agad ko naman siyang nakitang nakaupo sa may gilid habang may ginagawa sa cellphone niya. Napalingon siya sakin pero inirapan ko lang.

Ang galing mo talaga Hailey! Parang wala lang talagang nangyari!

Maya-maya nakita ko si Ate Letty papunta rito at may bitbit na bilao na natatabunan ng foil. Ano kayang laman nun? Pancit yun sigurado ako! Hindi maiwasang magningning ng mga mata ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

Agad ko siyang sinalubong.

"Ano po yan Ate Letty?" Excited na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam iha eh!"

"Tara dali buksan na po natin!" At nagdiretso kami sa isang table sa may balkonahe.

Ang hirap naman buksan may tali!

"Ma'am kukuha lang po ako ng gunting!"

"Sige po!" Saad ko pero nainip na ako kaya kinagat ko na lang. Ang kunat nung tali--

"Oh anong tinitingin-tingin mo diyan?"

Tong monster na toh, halata namang tinatawanan ako may patakip-takip pa ng bibig.

Eh sa nagutom ako eh!

Sa wakas success naalis ko rin yung tali kaya naman unti-unti kong inalis yung foil hanggang -

O________________O

"Ma'am eto na po yung gunting!"- offer sa akin ni Manang.

Pero di ko yun kinuha sa halip-

"Manang sino pong nag-order nito?"- kalmado kong tanong sa kanya kahit sa loob- loob ko sumisikip na yung dibdib ko.

"Si Sir Kensui po Ma-."

>>______<<<

"KENSUI!"
Di ko na pinatapos yung sasabihin ni Manang at hinanap yung monster na yun.

Tiningnan ko siya dun sa pwesto niya kanina pero wala na siya dun at ayun ang luko nasa malayo na at kumakaway habang tumatawa na nakahawak pa sa tiyan niya.

"Hoy! Monster bumalik ka dito!Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Sigaw ko sa kanya.

"You!" Sabay turo niya sakin.

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon