Tree House
------------------♡Kensui?!
Anong ginagawa niya rito?
Natataranta na ako. Kailangan kong magtago at ipakita sa kanyang nagtatampo ako. Hindi ko rin siya kayang harapin noh. S-sandali mukhang papunta na siya dito.
"Ate Hailey papunta na dito si Kuyang Pogi! Kyahhh!" Tumahimik ka diyan Nikay.
"Oo nga! Oo nga! Sino kaya siya?"-Dinoy.
"Pag hinanap ako ng lalaking yun huwag niyo ako ituturo huh, magtatago lang ako dito!"Utos ko sa kanila.
"Bakit po?" Nagtatakang tanong ni Nikay.
"Basta!"
"Tulungan na kitang magtago Ate Hailey!"
Kayat hinarang ni Dinoy ang maliit na estante ng mga libro sa harap ko."Hello!"
Bati sa kanila ni Kensui."Hi pogi!" Nikay baka nakakalimutan mo andito lang ako.
"Kuya ako nga pala si Dinoy!" Masayang pakilala sa kanya ni Bading este Dinoy.
"Sabi mo mas maganda yung Denmark!"
Oo nga sinabi niya yun sakin kanina.
"Sabi ni Ate Hae-- ahh ni Mama maganda daw yung Dinoy!"
Muntik na.
"Ako naman po si Nikay short for Anika! Kayo po Kuya ano pong pangalan niyo?"
"You can call me Kuya Kensui!"
"Ang cute naman po ng pangalan niyo para pong kay-kagaya nung nasa anime!" Puri ni Dinoy sa pangalan niya.
Pero kong akong tatanungin niyo yung pangalan niya di nalalayo sa isa sa mga animals sa zoo
Unggoy-Kensui! Kensui-Unggoy.
May isa pa pala, sa farm naman.
Kensui-Baboy! Baboy-Kensui.
Gusto ko mang matawa sa iniisip ko pero pinipigilan ko lang talaga.
Siguro ako na kung naririnig niya lang tong iniisip ko, mapapatay ako nun sa asar.
"Ahhh! T-Talaga!" Paniwalang-paniwala naman tong si Kensui.
"Parang Sensui yung nasa Ghost Fighter yung kalaban ni Eugene!" Mukhang nagkamali ata ako ng hula sa batang ito. Lalaki naman pala siya eh.
Nanonood siya ng mga ganun.
Ang inaasahan ko kasi na mga pinapanood niya ay mga kagaya ni Barbie o kaya ni Dora ang Lakwatsyerang Negra.
Yun daw kaya ang tagalog nun sabi ni Cleo.
"Yung gusto ko po dun kuya yung part na naglalaban sila!"
Excited na excited na kwento ni Dinoy, mukhang mali nga ang hinala ko.
"Tapos! Tapos napupunit yung mga damit nila. Grabe ang hot po nila sobra--
*Pong*
Sensya di ko alam ang tunog ng nabatukang tao.
Halos napasapo ako sa noo ko. Wala na talagang pag-asa pa ang batang toh. Bumigay na eh.
"Sige pa iladlad mo pa!" Ramdam ko ang inis sa boses ni Nikay.
"*AW* MASAKIT HA! NAKAKAILAN KA NANG BRUHA KA!"
Sabay hila niya naman ngayon sa buhok ni Nikay.
"Aw! Aw!"
Halos gusto ko nag humagalpak sa tawa sa dalawang toh.
Himala atang nakatagal pa ang friendship nila.
"Uy kayong dalawa! Mahiya naman kayo sa mga bisita. Kayo na nga lang ang nakikitambay diyan eh!" Rinig kong sigaw ni Ate Letty mula sa baba.
"Alam niyo parang babagsak na tong tree house!"
Seryosong saad ni Kensui na agad na ikinabahala ko.
Kailangan kong makaalis agad dito. Mahal ko pa ang buhay ko noh.
Agad namang natigil sa pag-aaway yung dalawa.
Maya-maya pa wala na akong naririnig at tumahimik na.
Naramdaman ko na lang na umuuga yung tree house.
"Na-na-naramdaman niyo yun?!" Kinakabahan kong tanong ko sa kanila habang nandito parin ako ako sa loob ng pinagtataguan ko. Di na rin kasi ako makatiis eh.
"Baba na tayo!"
Yaya ko sa kanila.Pero wala akong narinig sa kanila."A-alisin niyo na yung stante sa harap ko!"
Hinarang kasi nila yan sakin para maitago ako.
"PLEASE ALISIN NIYO TOH OH!"
Lagot na talaga ako nito hindi ko maalis yung stante habang umuuga yung loob ng tree house.
Parang gusto ko nang umiyak.
"MOMMY!"
"MOMMY!"
Narealize ko wala nga pala si Mommy.
"ATE LETTY!"
"WAHHHHH!"
Wala na! Wala na talaga!
Napapaiyak na ako dito.
Ito na ang katapusan ko na sasapitin kasama ang makasaysayang tree house na ito..
Pero nung tumahimik ako. Tila naririnig kong may nagtatawanan sa baba at nang masilip ko ito.
KENSUII! IKAW ANG PASIMUNO EH!
Agad kong tinulak ng malakas yung estante dahilan para maglag-lagan yung mga books. Wala na akong pakialam.
At yung dalawang bata.
"Hoy! Bumalik kayo!" Sigaw ko sa kanila. Parang mga walang pinagsamahan.
Iwanan ba naman ako dito.
Pumunta lang ata siya dito para asarin ako eh.
Kailangan makaisip ako ng paraan at nakita ko ang malaking swimming pool sa harap.Di ko maiwasang mapataas-baba ng kilay.
"KENSUI HUMANDA KA TALAGA!"- Sigaw ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Teen FictionAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush