Kontrabida
----------------♡Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko habang inaalala ang mga nangyari kanina. This is it Hailey,unti-unti nang natutupad ang pangarap mong closure.
Dati kasi hanggang pang-iistalk lang ako sa kanya sa facebook. At nung time na yun nasa Cebu ako.
May childhood best friend ako, si Anika na maliban kay Manang at Mommy ang nakakaalam sa sobrang pagkacrush ko kay Kensui.
Lagi nga niyang sinasabi tigilan ko na daw kasi nga malabong mangyar na maging kami lalo na't may girl friend na pala siya nun.
Anong gagawin ko? First crush ko siya eh!
Flashback...
Nagluluto-lutuan ako nun kasama ko si Anika nang may lumapit samin.Napairap na lang ako. Si Billie na naman yung pinakapasaway kong kapit-bahay.
"Anika pasali naman ako oh!", pakiusap niya samin,pero sinamaan ko lang siya ng tingin,paawa effect pero sa loob ang kulo.
"Hailey sali na natin siya para tatlo na tayo,di ba masaya yun?"
"Ayoko nga!Ayoko ng makulit!",sabi ko dito.
"Please,promise di na ako magiging makulit!"
"Please Hailey sali na natin siya" *puppy eyes*
"Hmmp! Sige na nga! Pero huwag kang pasaway huh!"
Maya-maya pa...
May nahawakan akong malambot dun sa mga bulaklak na napitas ko para sa luto-lutuan namin.
"Hailey may mga uod dun sa mga rekado natin!",sigaw ni Anika.
"A-ano yung nahawakan ko?! Mommmy!", nakita ko si Billie patakbo palabas ng gate namin tumatawa sabay dila samin. Ang bad niya talaga at hinabol siya ni Anika. Kaya naiwan akong umiiyak.
Natigil ang aking paghikbi nang makita ang isang kamay na may hawak na panyo. Napaangat ako ng mukha.Isang batang lalaki pero mas matanda siya sakin. Nagulat ako sa ginawa niya. Pinunasan nito ang luha ko.
"Huwag ka ng umiyak. Papangit ka niyan eh.", sabi niya sakin sabay ngiti. Ang cute niya!
"Naku ang bait naman ng kuya Kenken namin!",napatingin ako sa nagsalita. Mommy niya ata magkamukha sila eh.
Kenken? Iyon yung palayaw niya pero ang totoo niyang pangalan ay Kensui Acosta.
Back to present...
Dahil wala naman akong kahit isang assignment na gagawin. Relax relax muna ang buhay. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang makapagpahinga pansamantala ang utak ko."Hayyyyyyyyyy this is life"
Makapagpatugtog nga.
Agad ko namang binuksan ang speaker ko sa kwarto.
Now Playing~
Statue
by Lil EddieOh yeah (2x) Ohhhhh yeah
When the day seem had gone and in the middle of the night and you fastly sleep my love
Stay awake lookin at your beauty telling myself I'm the luckiest man aliveNaalala ko yung mga bagay na ginawa sakin ni Kensui sakin. Erase!Erase! Na lang yung mga pang-aaway niya sakin.
Hay Kensui malapit na,ngayon kasi nakakausap na kita, di gaya dati na parang kailangan ko pang bayaran yung bawat salitang lalabas dyan sa bibig mo!
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Fiksi RemajaAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush