Chapter 11

179 4 0
                                    

Hailey

Pabalik na ako ng classroom nang biglang tumunog yung tiyan ko.

*Kruuuuu*

Gutom na talaga ako!

Kailangan kong kumain bago harapin ang isa na namang nakakalugaw at nakakanosebleed na subject ang English. Pagkatingin ko sa relos ko.

10: 35

Ayos! May 5 minutes pa ako para makabili ng pagkain. Dali-dali akong pumunta ng canteen buti naman at kakaunti lang ang pila kaya nakabili agad ako ng tubig at sandwich pero ang kapansin-pansin ay nakangiting bati sakin nung tindera. Samantala napayuko na lang ako nang mapansing halos lahat ng tao sa canteen sa akin nakatingin at nagbubulong- bulungan siguro dun sa nangyari kanina. Tss! Ang babaw naman masyado,ako nga nakamove-on na eh sila pa kaya. Pagkarating ko sa room nakahinga ako ng maluwag.

Yes! Wala pa si Ma'am!

"Oi classmate andito na si Cinderella!"

"Excited ka yata masyado, katatapos lang ng P.E natin kahapon ah! Yan agad ang bungad sakin ni Alisson.

"Gusto niya atang matikman uli ang tama ng bola! Basketball naman!" Napairap na lang ako nang tingnan ang nagsalitang yun.Walang iba kundi si Bernadette, may galit talaga toh sakin eh.

"Uy huwag niyong inaaway si Madam?"- suway sa kanya ni Benjie

"Hindi si Rapunzel yan! Naku tabi kayo dali padaanin ang reyna!"sinamaan ko ng tingin si Cleo na ngayon ay rumampa habang kumekembot papunta sa harapan ko ang landi talaga sabay sabing.

"How to be you po?"Naku po mukhang nasapian yata ng masamang espiritu ang mga kaklase ko maging tong si Cleo.

"Huh?!" Di ko siya maintindihan.

"Sky sabihin mo nga sakin. Anong meron si Hailey ng wala ako?"

"Sky pagsabihan mo nga tong si Cleo mukhang tinamaan naman ng saltik - napaatras ako sa hitsura ni Sky, nakangiti ito ng nakakaluko *creepy*pati ba naman siya.

"Uy anong feeling?" Gusto kong matawa sa sinabi niyang yun pero sinagot ko naman siya agad.

"Feeling ng alin?"

"Yung kanina--yung ano, yung nangyari sayo."

"Ayokong pag-usapan."Walang gana kung tugon sabay ub-ob.

"Sige na kwento ka na please!"

"Uy Hailey anong name niya? Naitanong mo ba?"

Grabe mga kaibigan ko ba sila? Mas inaalala pa nila yung pangalang ng nabunggo ko kesa sa sinapit ko.

"Hailey dali na!"

"Sabihin mo na kasi!"

Akala ko ba kilala ni Cleo lahat ng gwapo dito sa campus. Eh bakit di niya kilala yun? May sinabi ba akong gwapo? Oo, kasasabi mo lang diba? Hayyy!

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon