Chapter 16

138 2 0
                                    

I Care
----------♡

Hailey

"Mylabs sabay tayong maglunch!May dala ako para sayo!" Pagpepresenta sakin ni Tino.

"Pasensya ka na Tino huh hindi kasi ako dito maglulunch! Uuwi ako samin! Next time na lang!"

Saad ko habang inaayos ang gamit ko paalis na ng classroom.

"O s-sige!" Nakitang kong bumagsak ang balikat ni Tino at nalungkot,naawa tuloy ako.

"Saan ka pupunta Hailey?" Pahabol na tanong sakin ni Sky.

"Ah uuwi ako sa bahay doon ako maglulunch!" Pagdadahilan ko pa.

"Sinong kasama kong maglunch?" Nakalimutan ko babysitter nga pala ako ng isang toh.

"Yan oh si Tino!" Sabay turo sa mukha ni Tino na mukhang nalugi.

"Aissh! Sige na nga balik ka huh bago magklase!"

"O sige! Bye!" Paalam ko sa kanila.

Nagpunta ulit ako sa bahay at tyempong pagdating ko naabutan ko si Manang na may hawak-hawak na plangganitang may tubig.

"Ako na po Manang!" Medyo hininaan ko lang yung boses ko.

"O siya sige maiwan muna kita dito at titingnan ko lang yung pinakukuluan ko dun."

"Shhh!"Suway ko kay Manang habang nakalapat yung hintuturo ko sa labi ko.

Ayokong magising siya at malaman niya na nandito ako. Baka kasi isipin niya na ganun-ganun na lang para sakin kadali ang kalimutan kung paano niya ako inaway kahapon.

Sinimulan ko ang pagpiga sa basang towel at dahan-dahan ko itong nilagay sa noo ng natutulog na si Kensui.

Ganito kasi ang ginagawa sakin ni Mommy kapag mataas yung lagnat ko.

Isa daw kasi itong paraan para bumaba ang temperature ng katawan.

O diba may natitira pa naman sa utak ko.

Ngayon ko lang mas namasdan ang mukha ni Kensui sa malapitan.

Kahit na may sakit siya, ang gwapo niya parin.

Meron siyang makakapal na kilay, singkit na mga mata, sobrang tangos na ilong at lips na sobrang kissable-

*Erase*Erase*

Ano ba yan nandito ako para bisitahin siya hindi para pagpantasyahan.

Pero ang mas narealize ko, ang bait pala niya kapag tulog noh,hindi nakakunot ang noo at walang bahid ng pagiging monster.

"Oh Hailey 12: 30 na wala ka bang balak pumasok?"

"Hala oo nga! Sige po Manang uuna na po ako kayo na pong bahala kay Kensui huh!Alagaan niyo po siya"

"Oh sige iha akong bahala!"

"Basta Manang huwag niyo pong sabihin kay Kensui na bumisita ako huh!"

"Oo secret lang natin toh!"

Dahan-dahan akong umalis. Ayokong magising siya at isipin na kinalimutan ko na yung pagsusungit niya sakin.

***

"Hailey balik na tayo sa classroom naboboring na talaga ako dito!" Reklamo sakin ni Sky. Nandito kasi kami sa library ngayon.

Hindi na rin ako nagwoworry kay Kensui kasi mabilis namang bumaba yung lagnat niya at makakapasok na siya ngayon.

Kailangan kong ipakita kay Kensui na nagpupursige akong palakihin tong maliit kong utak.

"Ano ka ba wala naman tayong klase eh!" Paliwanag ko sa kanya.

"Uy si Kuya Kensui mo!" Agad naman akong napalingon sa side nila pero agad ko ring binaling ang mata ko sa librong binabasa ko. Kailangan panindigan ko na hanggang ngayon nagtatampo parin ako sa kanya.

Kung nagtataka kayo kung bakit magkasama ang library ng college at high school. Ang sagot dyan iisa lang kasi ang library namin pero malawak naman.

"Di ba kayo close ng kuya mo?" Napatigil ako sa binabasa ko.

"Hindi! Masungit kasi yan eh!" Bulong ko kay Sky.

"I see!"

Biglang bumagsak yung balikat niya.

"Bakit?" Agad na lumapit sakin si Sky at bumulong.

"Tinext ko kasi siya kagabi!"

"Weh?

Nagtaka naman ako. Paano nagkaroon ng number si Sky ni Kensui?

"P-paano ka nagkaroon ng number niya?"

"Hiningi ko sa kanya!"

"Buti binigay at ano naman yung laman ng mga text mo!"Agad na inabot sakin ni Sky yung cellphone niya.

"Oh ayan basahin mo!"

"Umm---hahaha!

"Keep quiet!"

Ayan napagalitan tuloy ni Madam Librarian.

Nakakahiya tuloy lalo na kay Kensui na nung napatingin ako ay nakatingin din sakin pero agad din akong umiwas ng tingin.

"Tara na sa classroom Sky!" Yaya ko sa kanya.

"Aalis na tayo?" Biglang lumungkot yung mukha ni Sky.

"Sabi mo naboboring ka na!"

"Hmmp sige na nga!"

At habang nasa daan doon ko pinagpatuloy yung pagbabasa.

"Hailey tinatawanan moko eh!"

"Hindi noh! Masaya lang ako para sayo!"

Eto kasi ang laman ng message eh.

[Sky: Hi!]

No reply.

[Sky: Gawa mo po?]

[Kuyang Gwapo: Wala]

Kuyang gwapo talaga?

[Sky: Kumain ka na po?]

[Kuyang Gwapo: Wala akong gana]

[Sky: Pag nagutom ka kain ka ha]

[Kuyang Gwapo: Close ba tayo?]

Yung part na yun! Yun talaga ang nakakatawa eh.

[Sky: Hi kuya! May itatanong po sana ako sa inyo.]

[Kuyang Gwapo: What?]

[Sky: Kuya ano pong English ng Saranghaeyo?]

[Kuyang Gwapo: Igoogle mo di ko rin alam eh]

Balik tayo.

"Sky ano ba yung, Saranghaeyo?" Lagi ko na kasing naririnig toh kaya lang di ko alam ang meaning.

"Hindi mo alam! Grabe ka naman!"

Eh sa hindi ko nga alam eh.

Lumapit si Sky sakin at bumulong.

"Saranghaeyo means "I Love You"-- Biglang nanlaki ang mata ko.

Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?

Oo yun na nga yung ibig sabihin at alam niya.

Bakit kailangan niya pang itanong kay Kensui?

"Gusto ko ang kuya mo Hailey!"- Sabay bilis ng lakad niya at naiwan akong tulala rito.

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon