Miss Me?
--------------♡LUMIPAS ang mga araw naramdaman ko na lang na parang may nagbago. Napansin ko ang madalas na pag-iwas sa akin ni Kensui.
Dahil ba ito sa kanya? Yung ex niya niyang pilit na binabalikan siya.
Siguro tama nga at yong iniisip ko na hanggang ngayon hindi parin siya nakakamove-on o sadyang mahal niya parin ito.
Pakiramdam ko tuloy sobrang layo na niya sakin na tuluyan na akong naging invisible sa mga paningin niya.
Mas gugustuhan ko parin yung Kensui na inaaway ako, binabara, at pinapagalitan sa mga kapalpakan ko kesa naman yung kahit tapunan manlang ng tingin di niya magawa sakin buti pa nga si Manang eh naiimikan pa niya.
Napagdesisyunan kong umuwi muna sa rest house ni Mommy siguro dun muna ako mag-uuwian habang alam kong mabigat parin ang loob niya at di rin kaya ng konsensya ko ang makikita siyang nalulungkot nang dahil sakin.
Ayokong sabihin ang pag-uwi ko kay Manang kaya't nag-iwan na lang ako ng sticky note sa may ref at may nakasulat na.
"Manang uuwi muna ako kay Mommy hindi ko po alam kung kelan ako makakauwi namimiss ko na kasi siya eh tsaka wag kang mag-alala kaya ko na po ang sarili ko kayo na pong bahala dyan. Mwaps!"
Love
-Hailey
Pagkarating ko sa resthouse ni Mommy ay agad kong nasalubong ang mga katulong niya na mukhang abalang-abala sa mga ginagawa nila.O________O
WOW!Anong okasyon?Naglakad-lakad sa paligid ng rest house at hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda nito. May malawak kasi ito na garden sa harap at malaking swimming pool. Pero ang agad kong hinanap ay ang tree house na sinadya kong nirequest sa kanya. Di nga ako nabigo malapit lang siya sa may pool. Pagkapasok ko sa loob makikita naman ang paikot na hagdanan na nagdudugtong sa second floor ang kalahati ng bahay na ito ay gawa sa kahoy kaya nakakamangha talaga. Hanggang natanaw ko siya sa may kusina tumutulong magluto kasama yung mga kusinera niya.
Hindi niya namalayan na yumakap ako sa kanya mula sa likod at ramdam ko ang ang pagkasorpresa niya kaya't humarap ito sa akin at agad akong yinakap.
"I miss you Sweetie!"
"Namiss din po kita Mommy!"- tanging sagot ko. Pagtapos nun napansin ko ang pagtingin niya kung saan na tila ba may hinahanap.
"Mommy bakit po?"- Nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo ba kasama si Kensui?"-umiling na lang ako sa tanong niyang yun.
"Ako lang pong mag-isa."- mahinang tugon ko.
"May problema ba kayo?"
Opo...meron po, napakasuplado niya tapos ang sungit-sungit. Lagi niya nga po akong inaaway...hmp!
"Naku wala po! Kaya po ako nagpunta dito kasi gusto ko lang po kayong makasama!"- pilit akong ngumiti sa harap niya na pinapakitang masaya ako at walang problema.
"Mom ano palang meron?"- pag-iiba ko nang usapan na ikinakunot ng noo niya.
"Bakit?" Na may halong pagtataka niya.
"Kasi po mukha kasing busy ang lahat eh may darating po ba kayong bisita?"
"Uhmm..yes!"
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Novela JuvenilAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush