Chapter 26

149 4 0
                                    

Practice
---------------♡

Hailey

Sa Practice Room...

"Bukas na ang presentation at last practice na natin to kaya nag-eexpect ako na nag-iimprove kayo!" Panimula samin ni Kuya Marcus.

"Yes po!"Sabay-sabay naming tugon.

Maya-maya pa...

"Ang dali- dali lang ng step na tinuturo ko oh, san ba nakafucos yang utak niyo?" Hala nagalit na ata si Mr. Instructor. Kayo kasi eh pepwesto-pwesto kayo sa harap di niyo naman kayang panindigan.

"S-sorry p-po!" Nakayukong saad nung isang kasamahan namin.

Sandali lang kilala ko siya ah!

"Kawawa naman si Hansel napagalitan!" Bulong sakin ni Sky.

"Oo nga buti na lang sa huli tayo pumwesto noh kahit pamali-mali tayo ng step di halata--

"Ms. Acosta pwede bang magpalit kayo ng pwesto ni Hansel!"

Hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang Acosta dito noh hehe.

"Uy! Tawag ka!" Sabay kulbit sakin nung katabi ko.

"A-ako ba? Sure ka?" Sabay turo ko pa sa sarili ko.

Bago pa man mkasagot tong katabi ko-

"MS. HAILEY MARIE ACOSTA DI MO BA AKO NARINIG?" Patay kang bata ka.Nagalit ko ata siya. Parang mas malakas ang tsunami ng isang toh.

"Y-yes po?"

"I said magpalit kayo ng position ni Hansel!"

"O-opo andyan na po!"

Dali-dali akong pumunta sa harap at pumunta sa bago kong pwesto.

*Tugdug*Tugdug*

Natatakot ako!

d>>_<<b

"Okay again, let's start our practice!" Saad niya sabay patugtog nung sasayawin namin.

Alam niyo yung pakiramdam na pakapa-kapa pa ako sa steps?

Di ko na kaya toh, umayaw na kaya ako!

Ang galing nila nakakasunod na sila samantalang ako napag-iiwanan na.

"Wait sandali nga! You!" A-ako ba yung tinutukoy niya? Napapikit na lang ako at hinihintay ang sermon niya.

"Bettina!"

Napamulat na lang ako at nakahinga nang maluwag.

Akala ko ako na wohhhhhh!

"May mali po ba sa steps ko?" Bettina

"No! Mukhang nag-iimprove ka na sayaw natin!"

"T-thank you po!" Buti pa siya napuri ako kaya, kunting-kunti na lang haharapin ko na ang hatol.

"Pwede bang imonitor mo sila at pakituruan na rin yung mga hindi makasabay!"

Natamaan ako dun huh! Ilag-ilag rin pag may time!

Susunod na sana ako kay Bettina--

"Ms. Acosta! Magpaiwan ka rito!" Utos niya sakin.

"P-po?"

"I'm the one who will teach you!"

O_______o
Enedew? Naintindihan ko naman kaya lang bakit ako lang?

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon