Sayaw
----------♡Sa school~
"Hoy dalawang bruha ipapahatid ko na sa bahay niyo yung mga costume na inorder niyo!"Cleo
"Salamat Cleo!Ang bait mo talaga!" Sky
"Ginagawa ko lang ang inutos ni Ate!" Ramdam ko sa boses ni Cleo na hanggang ngayon nagtatampo parin siya samin.
"Cleo galit ka?" Tanong ko sa kanya.
"Ako galit?Huh? Ba't naman ako magagalit? May dahilan ba?"
"Meron" Pabulong na bigkas ni Sky habang nakatungo.
"Uy Cleo sorry na, sorry kung di namin sinabi sayo na kasali kami sa sayaw!" Paglalambing ko sa kanya.
"Kahit naman sabihin namin sayo,wala ka namang interest sa mga ganung bagay eh!" Paliwanag ni Sky.
"Kahit na, dapat sinabi niyo parin sakin hindi yung sa ibang tao ko pa malalaman! Magkakaibigan tayo dapat walang taguan ng sikreto" Reklamo niya samin at may parte sakin na parang natamaan ata ako.
"At tsaka ang daya niyo talaga! Si Fafa Marcus pala yung dance instructor niyo!"
Ah yun pala ang pinuputok ng butsi ni Cleo. Crush niya kasi si Kuya Marcus eh!
"Hayaan mo hihingin namin ang no. niya para sayo!" Saad ko.
"Talaga? Promise niyo yan huh!"
"Sus! Malakas lang tong si Hailey kay Marcus eh!"Sky
"Huh? Hindi noh!"
****
Napahiga ako kama habang iniisip kung ano ang mga posibleng mangyari mamayang gabi.
"Guys galingan niyo mamaya,ayokong mapahiya!"
Yan yung sinabi ni Kuya Marcus kanina nung lunch time, na kanina pa paulit-ulit sa taenga ko.
Paano kung magkamali ako? P
aano kung ako lang pala ang panira sa aming grupo?
Tiwala lang Hailey, tandaan mo andun si Kensui.
Dapat galingan mo!
*Bzzzzt*Bzzzzt*
Tumawag si Cleo.
"Hello Cleo!"
[Cleo: Hayyy sa wakas sinagot mo na rin. Kanina pa ako haggard dito oh!] Reklamo niya.
"Asan ka ba?"
[Dito sa labas ng gate niyo!]- Natanaw ko siya sa may bintana.
Andun nga siya sa labas ng gate namin dala-dala yung isang kahon na sa pagkakaalam ko ay naglalaman ng dalawang costume ko. Yung isa para sa sayaw samantalang yung isa naman ay para sa induction ball, Halloween kasi ang theme.
[Tsaka nagmamadali ako, iaabot ko na lang pala kay Kuyang gwapo mo huh!- ]
"Uy saglit-- *end*
Lagot na hindi pwedeng makita ni Kensui yung costume ko lalo pa't di ko sa kanya pinaalam na kasali ako sa sayaw.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Pero nasalubong ko na siya.
"May nagpapabigay sayo?" Sabay abot niya sakin nito. Pero nag-aalangan pa akong tanggapin.
Nakita niya kaya?
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Teen FictionAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush