Violet
--------♡"NIKAYYYY! DINOYYYYY!!"- Umaalingaw-ngaw ang sigaw ng Ginang.
"A-a-awwww! Nay, tama na po!" Daing ni Nikay habang pingot-pingot siya ng kanyang ina sa taenga.
"Ano bang ginagawa niyo dyan? Kawawa naman si Ate Hailey niyo sa taas. Kapag ako napagalitan ni Ma'am Nicole at mapatalsik sa trabaho kayo ang ipapalit ko!Mahabang litanya nito.
"Tama na po yan Manang! Were just having some fun here lang po!" Paliwanag sa kanya ni Kensui kaya agad naman niyang binitiwan ang kawawang taenga ng anak na ngayo'y namumula na.
"Ouchhh!" Daing ni Nikay.
"Ah-sige po Sir Kensui! Kung may kailangan po kayo tawagin niyo lang ako huh!"
"Okay po!"
"Hoy kayong dalawa halikayo rito may iuutos ako sa inyo!" Agad namang lumapit sa kanya ang dalawang bata. Maya-maya pa'y at lumabas ang dalawang bata sakay ng kanya-kanya nilang bisikleta.
Hailey
Ayos, wala ng ibang tao. Kami na lang ni Kensui ang nandito. Tamang-tama nakatalikod siya sa pool. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya sabay tulak ngunit ang di inaasahan.
"Ahhhhhhhhhhh!"
Nadulas ako sa gilid ng pool at nagdire-diretso ako sa tubig. Ang mas malala doon po ko napadpad sa may bandang ilalim."Tulong*Opp*KENSUI!!!*Opp*"
Mukhang di niya ako napansin.
"Kensui! *Opp*"
Tawag ko ulit sa kanya hanggang sa lumulubog na ulit ako sa swimming pool.
Hanggang sa naramdaman ko, na may tumalon patungo sa akin.
K-kensui?
Napakapit ako sa kanya.
Bahala na kung anong isipin niya.
Dinala niya ako sa may gutter.
*Ugh*Ugh*Ugh*
Pagkatapos kong mahimasmasan ay agad rin akong kumalas sa kanya, tumayo at nagdire-diretsong naglakad palayo.
Nakakainis akala ko makakaganti na ako sa kanya.
Kailangan makaisip na ako ng plan B.
Bakit kasi ang lakas niya at ang hirap niyang itulak papunta sa may pool ayan tuloy na-out of balance ako at ako na rin mismo ang nabiktima ng sarili kong pakana-
"Violet"
Natigil at napahinto ako sa pag-iisip sa sinabi niya.
Violet?
Bahala ka nga diyan at nadiretso ako sa paglalakad para makapagpalit--
"Violet"
Ramdam ko ang pagsunod niya sakin.Kaya napalingon ako sa kanya.
"Anong bang pinagsasabi mong violet?"
"Violet"
Ulit niya sakin."Gusto mo magkaviolet?" Sabay harap ko ng kamao habang nakakagat sa ibabang labi ko.
Nakita ko ang pagngisi niya na ikinakunot ng noo ko.
Sabay turo niya sa may bandang-----
O_______O
>>_____<<
Agad kong tinakpan ang harap ko.
Saka ko lang narealize na kitang-kita pala yung kulay ng suot kong violet na bra dahil sa kulay puti kong suot na t- shirt.*Monster Mode*
Sinasagad niya talaga ako!
Kaya hinarap ko siya.
"Kesa naman sayo walang abs beh!"
Pang-aasar ko sa kanya. Akala mo nakalimutan ko na yun.
"Bakit may maipagmamalaki kaba?" Sabay tingin niya sa harapan ko.
Ginagalit moko KENSUI!
"Walang abs! Hahahaha! Puro fats ha ha ha!"
Pang-aasar ko sa kanya."Sinong walang abs?" Ngayon ko lang ata narinig ang pagiging sobrang seryoso ni Kensui.
Ramdam kong palapit siya nang palapit sakin samantalang ako ay walang iba kundi ay umatras ng umatras hanggang sa tinaas na niya yung shirt niya at---
O__________O
Halos manlaglag tong mga mata ko sa mga nakita.Shemsss! Imposible!
Paano siya nagka-abs?!
"Sus! Walang abs!"
Habang paatras ng paatras ako--*Splassssh*
Muli nalaglag na naman ako sa pool.
"Ughmmm!Tulong!Ugmmm!Tulong! Kensui!"
"Sinong walang abs?!"
*Ughmm*
Hanggang sa naramdaman ko na lang na hinapit niya ako pataas para makaahon ako.
Shocks!
Ngayon ko lang narealize na sobrang lapit pala namin sa isa't- isa.
"Magpalit ka na violet!"
Sa sinabi niyang yun namalayan kong nasa side na pala kami ng pool kaya agad akong napakalas sa pagkakayakap sa kanya."Ba't kasi ako nagviolet?"
aibulong ko na lang at dali-daling pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Teen FictionAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush