Di Sinasadya
----------------------♡"K-Kensui?!"
Nang makita ko siya ay tuluyan nang nag-unahan muli ang mga nagbabadya kong luha. Sa lahat nang nangyari sakin, ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot.
Alam ko galit siya. Sino bang hindi? Sa halip na nagpapahinga na siya sa bahay. Nandito pa siya para sunduin ako. Nakaabala na naman ako ng tao. Di ko na nagawa pang sumagot
"Stop crying, okay."
"Akala ko *huk*, akala ko di na ko makakalabas dun. Saad ko sa gitna ng aking paghikbi.
"Gusto mo bang ibalik kita dun sa cr pag di ka tumigil!"
Hindi ko siya pinansin at mas lalo lang akong humagulhol sa pag-iyak.
Ayoko nang bumalik dun!
"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo! Basang- basa na yung jersey ko oh!"
Reklamo ni Kensui.O________O
At doon lang ako natauhan.
Anong ginagawa ko?
Shems Hailey Marie!
Ba-ba-bakit mo siya niyakap?
Agad akong humiwalay sa kanya na tila napaso.
"S-sorry!" halos pabulong na sambit ko.
"Siguro iho mabuti pang ihatid mo na yang kapatid mo sa inyo at baka nag-aalala na ang mga magulang niyo"
Ano daw? Magkapatid?
"Excuse me sir, but she's not my sister!"
"Okay basta iho salamat sa info at bukas na bukas din ay ipatatawag na sa guidance office ang mga gumawa nito sa girlfriend mo!"
"Sir, she's not my girlfriend!"
----------------
Bahala ka diyan Kensui uuwi ako mag-isa ko hindi kita kailangan noh.She's not may girlfriend pala eh mas malalim pa dun ang kaugnayan ko sayo.
Kailan mo ba ako matatanggap?
"Uy Birdbrain hintayin mo ko!"
Hindi ko siya pinansin.
"Sige ka may momo dyan ayun oh nasa tabi mo!"
*Moo*Mooooh* panggagaya niya sa multo.
"Oh bakit ka lumapit sakin! Kaya mong mag-isa di ba? O baka sadyang pumaparaan ka lang para mayakap ulit ako gaya nung kanina!"
Huh? Ako pumaparaan? Ang KAPAL!
"Wala akong pamasahe kuya eh at tsaka yung kanina nacarried away lang ako di ko yun sinasadya noh!"
"Talaga bakit naman?"
"Eh kasi nga natakot ako kanina!"
"Sus mga babae talaga?"
"Eh ikaw lang yung nakita kong kakilala malamang ganun yung magiging reaksyon ko."
"Ipara mo nga muna yang taxi nang makauwi na tayo!"
Utos niya sakin."Saan?"
Nagpalinga-linga ako at hinanap yung sinasabi niyang taxi.
"Wala nama- *Chup*
O____________O
*Tugdugtugdugtugdug*
"Opps...sorry! I didn't mean it."
Natatawa niyang excuse. Sabay angat ng baba ko.Sino bang hindi mapapanganga dun sa ginawa niya? Sa ano....dun sa ahm....sa ano...sa ugh!
Dun sa KISS!
Hanggang ngayon ramdam ko parin yung labi niya sa pisngi ko. Yung puso ko halos manlaglag. Tapos sasabihin niya di niya sinasadya. Nakakainis! Napakapaasa!
"Oh ayan na pala yung taxi eh! "
Agad siyang pumara ng taxi na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Fiksi RemajaAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush