I Do/Don't Care
-----------------------♡Hailey
Naglalakad na ako pabalik na room habang umiinom ng yogurt. Mag-isa lang ako ngayong breaktime. Absent kasi si Cleo, may family reunion daw sila sa Baguio. Samantalang si Sky pinatawag ni Ma'am Adviser sa office niya. Pero napatigil ako sa pag-iisip nang maramdamang may sumusunod sakin.Creepy!
Kaya mas lalo kong binilisan yung lakad ko.
Hanggang sa namalayan ko nalang na may humila sa braso ko.
Hindi lang siya isa, dalawa?
OMG!
Tatlo sila!
Kaya mas lalo akong kinabahan nang maramdaman ko ang malakas na pagkakatulak nila sakin sa may pader.
Dahilan para dun tumama yung likod ko.
ANG SAKIT!
Gusto ko mang humingi ng tulong pero mukhang napadpad ako sa part ng school kung saan wala akong nakikitang estudyanteng palakad-lakad.
"Poor little girl nacorner din kita!" Mataray na saad nung babaeng kulot ang buhok. Di ko siya kilala pero mukhang college na yata yun basta hindi na siya highschool.
Naramdaman ko nalang na nag-uunahan yung heartbeat ko.
Ano kayang balak nilang gawin sakin? Hindi ba nila alam wala akong kalaban-laban?
"Sigurado ka ba Annie sa nakita mo?"
"Yup! Sure ako siya yung nakita kung girl na lumalandi kay Marcus!" Saad naman nung isang alipores niya na kulang nalang ay ihain, dahil mukha na siyang espasol.
At ano yung sabi?
Nilalandi?
Paano yun nangyari? Eh lumapit lang ako sa kanya dahil gusto ko lang magpasalamat. Nilalandi agad? Ang babaw naman.
"Alam mo ba kung sino yang nilalandi mo?" Nangangalaiti na yung kulot na mukhang nagmamay-ari ng pinakamalaking lipstick factory.
Grabe lugi ako tatlo kaya sila. Kumbaga 3 is better than 1.
"Ahhh!Ahhh! Bitiwan niyo ako!" Ramdam ko ang sakit sa paghila niya sa buhok ko samantalang di ako makapalag dahil nakahawak sa dalawa kong kamay yung dalawang alipores niya.
"Ano bang problema nyo wala akong alam sa sinasabi niyo!?" Di ko na mapigilan sumigaw.
Napahawak siya sa baba ko nang nanggigigil.
"Walang alam huh!?!" Sabay lingon nito dun sa isang alipores niya.
"Siya lang naman yung nanliligaw sa kaibigan namin! Sabat naman nung isa.
Parang gusto ko lang matawa.Eto pala ang babaeng type ni kuya Marcus.
"Ano yang nginingiti-ngiti mo babae?!" Yari na talaga toh.
"Ginagalit mo ako huh! Hawakan niyong mabuti yan at ipapakilala ko sa kanya kung sino ako!" Napapikit na lang ako dahil nakita ko siyang bumwelo. Bahala na kung ano ang binabalak niyang gawin sakin.
Basta Kensui ko ito ang tandaan mo. Mahal na mahal kita, paalam.
*BOGSHHHH*
Napamulat ako ng aking mga mata.
Iyon na ba ang hudyat ng langit?
Pero nagulat ako nang makita. Nakalumpasay na sa lupa yung babae habang nakahawak sa ulo niya samantalang natatarantang inaalalayan naman siya ng mga alipores niya.
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Novela JuvenilAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush