Mad at you
-----------------♡Hailey
Pagkarating ko sa bahay, agad akong napasalampak sa sofa.Paano ko ba ipapaliwanag kay Kensui yung mga pinagsasasabi ko kani-kanina lang?
Bahala na kapag dumating siya.
Naisipan kong manood na lang ng Tom and Jerry kahit paulit-ulit na lang di ko pinagsasawaan. Ewan ko, pero ang mga ganitong bagay ang nakakapagpagaan ng loob ko kapag problemado at stress sa mga nakukuha kong score sa mga quiz. Kung tinatanong niyo kung ano ang mga resulta. Huwag na lang, masyadong confidential.
"What's wrong with you?"
Rinig ko ang pamilyar na boses na yun hindi ako pwedeng magkamali nakauwi na pala siya.
Lalo akong kinabahan dahil alam ko na ang pinatutukuyan niya kaya di ko siya pinansin at nagpatuloy sa panonood.Tawa lang ako nang tawa nang hindi kunwari napapansin ang presensya niya hanggang sa pinatay na niya yung tv. Napapikit na lang ako at naghihintay ng mga susunod niya pang sasabihin.
"Are you out of your mind for telling in front of my friends na magkapatid tayo!" Simula pa lang ramdam ko ang bigat sa boses niya kahit nakatalikod ako sa kanya. Galit siya sakin kaya di ko magawang humarap.
"Hindi mo alam kong gaano kalaking problema ang pinasok mo!" Mas lalong malaking problema kong sasabihin ko sa kanila na mag-asawa kami di ba?
"Alam mo ginagawa ko na nga ang lahat huwag lang nila tayong mapansin na may koneksyon sa isa't-isa!"
"Pasensya na nacorner ako nung kaklase mo!" Paliwanag ko rito.
"Alam mo ang hirap sayo? You're so careless!"
Nanatili lang akong tahimik.
"Wala kang ingat maging sa mga kilos at pananalita mo!"
"Sorry. Yun na lang kasi ang choice ko eh!" Dagdag ko habang nakatungo.
"Choice mo?!"
Sarkastiko niyang saad kasabay ang kanyang pagbuntong hininga."Sabagay kasi,walang ibang laman yang maliit mong utak mo kundi puro kung ano-ano na lang."
Ang sakit! Ang sakit lang kasi.
"Birdbrain--" Naibulong ko.
"What did you say?"
"Birdbrain. Yan yung tawag mo sakin di ba? Saka ko na lang namalayan, tumutulo na pala tong luha ko.
"S-sorry huh! Sorry kung ikinasal ka babaeng tulad ko."
Nanatili lang siyang tahimik.
"Na ipinanganak na maliit ang utak na kahit anong gawin kong pagsisikap sa pag-aaral. Hanggang doon lang talaga ako eh. Mahina ako sa English,mahina ako sa Math maging sa lahat-lahat. Tanggap ko namang hindi ko kayang maabot kung ano mang kayang abuting ng mga genius nyong utak!" Pagpapatukoy ko.
"That is not what I am pointing out!"
Tigil-tigilan mo ako sa kakaEnglish mo nanonosebleed ako.
Ewan ko nagagawa pang hindi magseryoso nitong isip ko.
"Ang point ko lang dito hindi mo ba kayang umiwas na lang sa kanya at kailangan mo pa siyang harapin hanggang umabot sa puntong ang alam nila ay magkapatid tayo! Yan yata ang gusto mo eh?" Hindi ko na halos pinapakinggan yung sinasabi niya dahil nagdire-diretso na ako sa taas habang ramdam kong sinusundan niya ako.
"Is that one of your ways to escape on what you have done?" Rinig kong sabi niya habang nilalagyan ko ng laman yung back pack ko. Total wala naman kalaman-laman to eh.
"Aalis ka?!"Hindi ko na lang siya iniimikan at nagpatuloy sa pag-impake.
I hate you! I hate you Kensui Acosta! Bakit ba kita nagustuhan?
Ano bang nagustuhan ko sayo eh hindi naman na ikaw yung Kensui na nakilala ko 6 years ago."Hailey? Kensui? Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Bakit kayo nag-aaway?"
"Hailey anak san ka naman pupunta?" Baling niya sakin pero di ko siya sinagot at nagdire-diretso sa palabas ng gate.
"Hayaan niyo siya masyado niyong iniispoiled yan kaya hindi mapagsabihan!" Rinig kong saad ni Kensui habang papalabas na ako ng gate dala-dala ang back pack ko.
Sabihin man niyang maliit ang utak ko pero hindi naman manhid ang puso ko para hindi masaktan sa mga sinabi niya. Namalayan ko na lang nasa gilid na ako ng kalsada hindi ko na napigilan ang mga nagingilid kong mga luha at tuluyan na itong bumagsak kasabay nun ang malakas na pagbuhos ng malakas na ulan. Ang galing naman pati yung ulan sumasabay sa drama ko.Hinayaan ko na lang na mabasa habang naririnig ang pagsigaw ni Manang Daisy habang tumatakbo papalapit sakin pero mas lalo ko lang binilisan ang lakad ko hanggang sa nasa gitna na ako ng kalsada at---
*PEEEPP*
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Novela JuvenilAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush