First Kiss
---------♡Hailey
Bakit ganun hindi ako makatulog kahit nakahiga na ako sa bed ko at nakayakap sa unan?Kumportable ako kaya lang ang bigat nung kalooban ko.
"Uy gising ka pa?" Tawag ko sa kanya.
"Uhmm"Gising pa nga.
"Okay ka lang dyan?"Di siya sumasagot.
"A--ano---"
Ano nga yung sasabihin ko?
"Oy Kensui!" Tawag ko ulit sa kanya.
"Whaaaat?!"
Naiirita na yata siya sakin.
"Kung nilalamig ka palit na lang tayo ng pwesto?"
" Matulog ka na lang pwede!"
Sungit, concern lang naman ako sa kanya eh.
"Ako na lang diyan sa lapag dito ka na lang sa bed ko!"
Nakukunsensya tuloy ako.
Paano naman kasi kagagaling niya lang sa lagnat tapos pahihigain ko sa lapag."Kensui, di ka ba nilalamig?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Hindi ba obvious?!"
>>____<<
Oo nga noh! Bakit ko ba naitanong yun? Nasa baba siya diba, syempre malamig dun.
"Uy seryoso ako, okay lang talaga saki--
O___________O
*Oppppssss*
Nabigla na lang ako ng biglang siya humiga sa bed ko.
*Awkward*
Hindi ko kinakaya toh nababanas ako.
Tapos! Tapos!
Naalala ko yung nangyari kanina. Malay mo,malay mo may-may mangyari samin di ba.
Aalis na sana ako para lumipat sa lapag nang---
Hinawakan niya yung kamay ko at hinila pabalik sa higaan.
"Matulog ka na lang at huwag ng maingay!" Saway niya sakin.
*TugDug*TugDug*TugDug*
Yung heartbeat ko nag-uunahan.
Paano ako makakatulog nito?
Parang gusto kong lumunok pero di ko magawa.
Pakiramdam ko kahit parang gusto kong magreact pero ayaw bumuka nitong bibig ko pati nga paghinga ko pinipigilan ko na rin.
Nung tumagilid siya sakin at napatalikod dun lang ako nakahinga ng maluwag.
****
Bakit ang tigas?
Di naman matigas yung unan ko eh?
Malambot yun sa pagkakaalam ko--
O___________O
*Omygash*Saka ko lang narealize nang pagkamulat ko na hindi na pala unan yung kayakap ko kundi katawan ni Kensui.
Sa pagkabigla ko agad ko siyang naitulak.
Oo! Alam kong nalaglag siya at narinig ko ang pagdaing niya pero nagtulug-tulogan na lang ako.
Kahit na pakiramdam ko ang sama ng tingin niya sakin hanggang sa maramdaman ko ang biglang paghila niya sa comforter ko na muntik ko nang ikalaglag buti na lang napakapit ako sa side ng bed.
~2 hours later~
Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi.
Si Kensui kaya kamusta? Nalaglag kasi yun kanina.
Kawawa naman siya!
Pagkatingin ko sa gilid ko, katabi ko parin pala siya akala ko kasi iniwan na niya ako dito sa bed ko.
Tinitigan ko nang mabuti ang mukha niya nang nakaside view. Grabe naman talaga oh! Nakakainggit kasi yung ilong sobrang tangos tapos-tapos yung lips haneps mas kissable pa sa lips ko.
Namalayan ko na lang sobrang lapit ko na pala sa kanya at napatingin ako sa pisngi niya.
Naalala ko nung ninakawan niya ako ng halik sa pisngi sa may bus station ang daya hindi ako nakabawi.
Oo nga pala kanina yung Plan B! Sumapit ang gabi pero hindi ko pa nagagawa at hindi ko hahayaan palampasin ang pagkakataong tulog ka, nang hindi ako nakakaganti sayo.
Ngayon ako naman humanda ka Kensui!.
Unti-unti akong lumapit sa pisngi niya
Ang lapit...
Sobrang lapit...
Malapit na malapit...
1 inch na lang...
hanggang sa...
O_______________O
SHEMMSSSSSSSSS!
Na-
Na-
Nahalikan niya ako sa-sa
Sa
LIPS?!
*Tugdug*tugdug*tugdug*
Ba-bakit ganun?
Sa pisngi lang yung plano ko di ba! Bakit sa labi ang ending?
Agad akong napaatras sa pagkabigla baka kasi magising siya. Isipin niya pinagsasamantalahan ko siya.
Siya kaya yung may kasalanan! Bakit kasi tumagilid siya paharap sakin?
O__________________O
OMG! First time toh!

BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Novela JuvenilAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush