Chapter 14

280 14 1
                                    

Nakaw
------------♡

"Hey Miss! Are you okay?"

Worried na tanong sakin nung taong muntik na ako mabangga pero bakit parang pamilyar siya. Hindi ko masyadong makita ng malinaw ang mukha niya dahil bukod sa malakas na buhos ng ulan puno rin ng luha ang aking mga mata.

"Please ihatid mo ako kay Mommy!"Pakiusap ko sa kanya.

Tapos inabot niya sakin yung kamay niya.

Ewan ko! Nababaliw na ata ako! Basta na lang ako sumama sa lalaking toh!

Pakiramdam ko kasi harmless naman siya eh.

Hindi siya nagdalawang isip na pagbuksan ako ng pinto at papasukin ako sa kotse niya kahit para na akong basang sisiw dito. Nung una tiningnan ko muna siya kung okay lang ba?

Ngumiti siya sakin.

"Go on! Ihahatid kita sa Mommy mo!" Ang bait niya at nang nakasakay na ako sa kotse niya doon ko lang narealize na siya pala yung nabunggo ko nung nakaraan sa may canteen na nagpahiram sakin ng hoddie. Nakakahiya tuloy kasi yung hoddie na pinahiram niya sakin hindi ko pa naibabalik sa kanya. Tapos ito pa siya din yung nag-iisang apo daw ng may-ari ng school na pinapasukan ko.

"TIGIL!"

*Aishh*

Napatingin siya sakin with anong-problema-look.

"Ah-ano dito na lang ako sa bus terminal bababa na ako salamat sa pagpapasakay !" Kaya agad kong binuksan yung kotse at lumabas pero ang di ko inaasahan hinawakan niya yung kamay ko at agad na pinapasok sa kotse niya.

"Trust me! Ihahatid kita sa Mommy mo!" Yun na yun sinabi ko lang sa kanya kung saan niya ako ihahatid at namalayan ko na lang nandito na kami sa tapat ng rest house ni Mommy.

***
"Oh my gosh Sweetie anong nangyari sayo?" Basta nung nakaharap ko na si Mommy hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Muntik ko na po siyang mabangga kanina."

"WHAT?!" Ramdam ko ang pagkagulat sa expression ni Mommy kaya mas lalo kung hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Mommy k-kasalanan ko po basta na lang po akong tumawid sa gitna ng kalsada."

At napahaguhol na lang ako.

"Shhh! No sweetie huwag ka nang umiyak okay, mabuti pa siguro umakyat ka na muna sa taas para makapagpalit!" At ayun sinunod ko na lang si Mommy.

Marcus

"I'm sorry po!"Yun na lang ang naisagot ko.

"No, there's nothing you should feel sorry about!"

"I saw her crying and she asked me na ihatid siya rito sa inyo."

"Don't worry alam ko namang di mo yun sinasadya that's why ako yung humihingi ng apologies sa nangyari dahil naabala ka pa and I'm thankful to you because inihatid mo siya ng ligtas dito" Kita kong sincere naman ang Mommy niya sakin.

"By the way iho pwede ko bang malaman ang pangalan mo?

"Marcus Saavedra po!"

"Saavedra?"

"Bakit po may problema po ba?"
Nakita ko ang pagbabago sa emosyon niya.

"Nothing iho basta thank you for bringing back my daughter safely!"

After that nagpaalam na rin ako sa Mommy niya.

Hailey

Nakahiga ako sa kama ko gusto ko ng matulog at kalimutan ang nangyari ngayong araw. Bakit ba tong luha na toh hindi na tumigil nakakainis?

Married to a Highschooler 1 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon