Apple
--------♡Hailey
Maya-maya pa nakita kong nagmamadaling tumatakbo si Sky papunta si Sky sakin at hingal na hingal.
Anong nangyayari sa babaeng toh?
"Hailey! May sasabihin ako sayo!"
"Ano yun?" Walang gana kong tugon. Kahit kitang-kita ko sa pawisan niyang mukha ang effort para lang maihatid sakin ang kung anumang sasabihin niya.
"Di ba sa Friday na ang Induction Ball ng college?"
"Tapos?"
"Hailey! Makapag-gatecrash tayo!"
Ano bang sinasabi niya?
Kahit naman gustong-gusto kong makita si Kensui sa event na yun bawal parin ang maging gatecrasher kasi baka mapatawag kami sa guidance kinabukasan.
"Ano payag ka?"
"Kayo na lang!"
"Ano ka ba Hailey! May darating na foreign visitors sa Friday na aattend ng Induction Ball at nagrequest si Mr. President na kailangan magkaroon ng entry ang high school at college!"
"Oh ano naman?"
"Modern dance yung entry natin!"
"Edi sumali ka!"
"Nakapagpalista na ako at isa na lang slot para makumpleto yung grupo!"
"Edi magyaya kapa ng iba!"
"Ano ka ba Hailey! Ayaw mo bang makita ang kuya mo dun? Balita ko siya daw yung isa sa mga magiging hosts!" Saka lang ako napaangat ng mukha. Oo nga chance ko na toh.
"San ka pupunta Hailey?"Nagtatakang tanong sakin ni Sky.
"Tara na magpapalista na ako!" Yaya ko sa kanya.
"Sigurado ka?"
"Oo!" Nakita kong parang nabuhayan si Sky.
"Bilisan mo nakadikit lang kasi yung listahan sa bulletin board malapit sa Principal's Office! Baka maunahan ka ng iba!" Saad ni Sky kaya mas lalo kong binilisan sa pagtakbo.
"Mylabs san ka pupunta?"
"Mamaya na kita kakausapin!"
Pagdating sa may hallway may nakita akong babaeng nerd na nagmamadaling tumakbo malapit sa bulletin board.
"Naku Hailey unahan mo na yan!"- Kita ko sa babaeng nagmamadali rin siyang pumunta sa bulletin board.
"Hailey ilabas mo na yung ballpen mo!" Tsk! Ganun pala ang magpalista dito kanya-kanya.
"Amina yung ballpen wala akong ballpen dito!" Saad ko kay Sky.
"Asan na yung ballpen hawak ko na yun kanina eh!"
Kapa siya nang kapa sa bulsa niya eh nasa buhok lang pala niya kaya walang pasabi ko itong hinablot sa buhok niya.
Nang magsusulat na ako sa coupon.
WALANG TINTA!
Napalingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakangisi habang itinataas yung ballpen niya na handang-handa nang ipangsulat. Hindi ako papayag ito na lang ang natitira kong pag-asa.
"Hey that's my ballpen!" Suway nito sakin pero wala akong pakialam at sinulat ang maganda kong pangalan sa coupon na nakadikit sa bulletin board.
BINABASA MO ANG
Married to a Highschooler 1 [Completed]
Genç KurguAnong mangyayari kapag ikinasal ka sa mas bata sayo? Lalo pa't may pagkachildish, clumsy, at pagkaslow ito. Highest Ranking #383 in Crush