Mission Thirty-Seven: The so-called bitch is back

352 8 0
                                    

Trapped in the PAST…..!!! (REVENGE became OUR WORLD…..)

 

Mission Thirty-Seven: The so-called bitch is back

Ang init-init sa site dahil sa tirik ng araw. Siyempre tanghali ngayon at nagtatrabaho kami. Ginagawa na kasi ang construction nung bahay. At hindi lang araw ang nagpapainit ng atmosphere, pati ang magaling kong asawa na ubod ng kulit, demanding at bossy pagdating sa trabaho. Laging may kontra!

"mas maganda kong WIDE ang main door." sabi ko kay Grell habang tinitingnan ang gawa kong blue print at design. "Sweetheart, mas maganda kung hindi wide ang main door. Resthouse naman e, Hindi Hotel." pagpapahayag niya ng ibang suhestiyon. Ano pa't ako ang architect. Grrr...

 

"WIDE nga!" pamimilit ko.

 

"HINDI nga Sweetheart." malambing na sabi niya.

"WIDE!"

"NO."

"WI~~~" naputol ang sasabihin ko ng mag-interrupt ang isang worker. "Mas maganda po siguro kung KATAMTAMAN lang. Para di exagge." natigil kaming pareho.

"OK! Katamtaman.PERIOD. NO ERASE!" at naglakad ulit ako at tumapat dun sa isang side. yung pagtatayuan ng kwarto. "Kuya, pakitandaan. Ganito ang style ha?" sabay abot ko dun sa isang worker nung design ng window pero biglang inagaw ni Grell. "SHELL? bakit ganyan ang window? Dapat yung formal na square o rectangle lang ang form. Hindi ganitong FREEform. Mahirap kaya yan."

Inagaw ko sa kaniya ang design at binigay ulit dun sa gagawa. "Kaya nga binibigay ko na di ba? Para magawa o mapaghandaan nila kasi alam ko na complex yung design. At teka nga. Engineer ka. Hindi ka architect at DI kaya pwede wag mo pakialamanan ang design ko. Kaya shell yan kasi bagay sa lugar at mahilig mangolekta ng shells ang anak ni Mr. Choi." mahabang paliwanag ko. "E di, maglagay na lang siya nung mga nabibiling shell curtain at yun ang ilagay sa bintana kesa yung window mismo ang shell!"

 

"Dapat nga kasi ganito!"paggigiit ko ng side ko. "Dapat HINDI!" paggigiit niya ng kaniya.

"Teka po mga Ma'am at Sir." napatingin naman kami sa gagawa ng umimik siya. "May punto naman po kayong dalawa. Bakit hindi na lang natin pagsamahin yung ideya ninyong dalawa. tulad neto." kinuha niya ang ballpen sa breastpocket ng suot niya at nagdrawing sa likod nung design ko. Sa likod talaga ng design ko?

"Ganito ma'am... Shell ang design ng upper part pero pa-rectangle na pahaba ang window. Mas my class di po ba?" nagkatinginan naman kami at napatango na lang. Maganda naman kasi ang kinalabasan. "Alam niyo po... Maganda po ang naiisip niyong dalawa, ang kailangan lang, pagsamahin... Parang sa paggawa ng pamilya, sigurado maganda at gwapo ang kalalabasan ng mga anak niyo sa pinagsamang genes niyo ma'am." eyyy? ansabeh?

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon