FINALE

420 11 2
                                    

FIN.

Grell's POV

Dalawang araw na ang nakalipas mula nang magkita kami ni Kiela and this will be my 2nd day in Ilocos in finding my wife. Meaning, since that day na nagkita kami ni Kiela, ura-urada na agad akong nagsimulang maghanap at libutin ang buong Vicinity ng ILOCOS mahanap ko lang siya. The DNO family keep on insisting to help me in finding my wife but I resist to receive help. Ewan ko, basta ang sigurado ako hindi yun dahil sa PRIDE kundi yun lang ang dinidikta ng buong sistema ko that I should be the one... PERSONALLY looking for my wife at ito na nga ang ginagawa ko.

"Excuse me po." tawag pansin ko sa tindera na nadaanan ko. "Bakit iho?"

Inilabas ko ang huling litratong kuha mula sa Zambales ni Sky at ipinakita ko sa ale. "Itatanong ko lang po sana kung nakita niyo po ang babaeng ito dito?"

Pinakatitigang maigi ni ate ang litrato at katulad ng ginagawa ko mula nang maghanap ako dito ay patuloy akong nananalangin na sana nakita niya si Sky. But like what happened to my previous questioned people, di rin niya nakita. "Pasensiya kana ha. Sa tinagal-tagal ko rito, hindi ko pa nakitang nagawi rito iyan. Baka sa kabilang bayan naman yan iho?"

Tinago ko muna ang litrato at ngumiti sa ale na alam kong hindi man lamang umabot sa mga mata ko. "Ayos lang ho iyon. Maghahanap po ako muli sa iba baka may nakakita doon." tinapik-tapik naman niya ang balikat ko. "Tama yan iho. Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahahanap mo rin ang mahal mo."

Pumasok na kong muli ng sasakyan at kinuha sa dashboard ng sasakyan ang clipboard na kinalalagyan ng mga lugar na dapat kong puntahan. Kinross-out ko ang lugar na ito at medyo nanlumo ng makitang isang lugar na lang ang natitira. Isa na lang ang di ko pa napupunthan. And yet, There's still no sign of Charlie.

Sky's POV

"CHARLIE!" narinig kong sigaw ni Ynah mula sa likod ko. Hindi na ko lumingon pa. Useless din naman at isa pa alam kong alam na naman niya as of now na tinakasan ko siya at nandito ako sa bench at nakaupo sa harap ng dagat.

"Sinabi ko naman sayong bawal kang lumabas di ba? Kabilin-bilinan ni Doktor--"

"Oo na. Bawal lumabas. E, bored na ko. Wala na ngang makitang iba bawal pang makaramdam?" dinaan ko sa biro kaso mukhang naging sarcastic pa ang tono ko. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko and held my hand. "Sorry. Ikaw lang naman ang inaalala ko. Paano kung may naiwan akong kunganek-anek sa dorrway? edi napatid ka pa? Mapapahamak ka pa? Paano si baby niyan?"

Napahawak naman ako sa tiyan ko na 8months na. Yes, I'm pregnant. I didn't even know that during that day na nagsagawa kami ng mission ay buntis ako and yet sumabak pa ko sa gulo. Buti na lang it didn't affect my pregnancy. But what bothers me right now is the thing that I have inside my body. The microchip Harry implanted in me. Nung magdesisyon akong gumawa ng paraan para maalis at matunaw mula sa katawan ko ang bagay na yun saka naman nangyare ito. That's why right now, I lost my sense of sight.

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon