Mission Thirty-Nine: A night with him

383 10 0
                                    

Trapped in the PAST....!!! (REVENGE became OUR WORLD....)

Mission Thirty-Nine:

Naglalakad ako sa hallway ng HQ papunta sa Quarter KO. Oo, akin na lang to. Galit ako sa ka-share ko e. Nang matapat ako sa room ko. Tinype ko ang passcode sa touchpad at papasok na nang may magtulak sakin papasok. "ANO BA?!" paglingon ko, si Holly pala. naka-sign pa ng SOGO sakin. yung sshhh... hahahah

"Anong meron? bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Dire-diretso naman siya ng upo sa couch namin. KO pala. "Nakakainis kasi si Rodge e, Iniwan ko muna." umupo na ko sa carpet na lang para katapat ko siya. "At bakit naman?"

Nagpalinga-linga naman siya sa paligid. "Hindi mo kasama si kuya Grell?" napa-roll eyes na lang ako. Grell na naman. "Hindi. Maghahanapan na lang ba tayo o magku-kwento ka?" pagsusubok ko sa kaniya. "Wala ka man lang chips diyan na pwedeng kainin?" at binato ko siya ng throw pillow ko na nailagan naman niya. "Ano ba?! Dalian mo nga. Anong akala mo sa atin? manunuod ng movie kaya dapat may Chips?" ngumuso naman siya. "Nagbabakasakali lang naman.. *pout* "

"Huhuhuhu....." ang lakas naman maka-iyak ng isang to. "My God Holly. Talo mo pa ang anak mo sa pagpalahaw diyan. Hihingi ka pa ng Chips kanina. tissue lang pala ang kailangan mo. Oh! Singa!" abot ko sa kaniya ng isa pang box ng tisuue. Napangiwe na lang ako ng suminga siya. 

"Siya kasi... napaka... simpleng *hik* mission lang... di pa ko pagbigyan... Tapos! Gusto niya pa akong ipa-off limits sa PMD (Physical Mission Department) buti na lang di siya pinakinggan nina kuya..."kapatid ni holly si kuya Kyle... Ang asawa ni ate Trisha. "Anong plano mo?" at napahikab na ako. Hindi ko na kinaya ang antok.

"e di... tataguan ko muna siya.. bahala na muna siyang mag-alaga kay Jethro. Siya na mag-breast feed kung kaya niya! Ang hirap na nga mag-alaga ng baby tapos damuho pa ang asawa mo." Sus! kung makapagdrama akala mo hindi  magbabati at di mahal ang isa't-isa. Isang kalabit lang at lambing... Keri boom boom na yan... Atsaka! Time at space lang kelangan nila. Magbabati rin yan. parang kami ni grell. Yun nga lang, di ko alam kung magbabati pa kami. "San ka matutulog?" ngumiti naman siya sakin at nagpa-cute... "Pwedeng tabi tayo Charlie..." I sighed... Ano pa nga bang magagawa ko aber?

Trapped in the PAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon